Chapter 1
"Issabela is here? Totoo ba?"
Aura called me, just to say that Issabela is here. I'm excited to meet her now! I hope she's doing well. Tumayo ako para buksan ang bintana at sumilip doon.
[Pangatlong araw niya na rito,] antok ang boses na sabi niya pa. [Inaantok pa talaga ako. Pero kailangan ko nang bumangon!]
"Then, bangon. Sabay tayo mag-stretching."
[Sakit sa katawan niyan.]
"Hindi naman. Simpleng stretching lang naman kasi ang gagawin, hindi iyong sobra," pangungumbinsi ko.
[Ayoko! Ibang stretching ang gusto ko,] bakas sa boses niya ang kapilyuhan nang sabihin iyon.
"Aurelia, Ang aga-aga, ah."
[Kung makahirit ka naman, may sinabi ba akong masama? Asus, marumi lang talaga 'yang isip mo!] angil niya at tumawa pa.
Napanguso na lamang ako at tumigil sa ginagawa. Tumingin muli ako sa labas ng bintana nang makita ang langit. Hindi ata maganda ang panahon ngayon.
"Gusto kong makita ngayon si Issabela. I miss her so much," mahina kong sabi.
[Ako rin naman. Kung may oras talaga gala tayong apat.]
Napangiti ako sa suhestiyon niya. Excited na ako na mangyari iyon. I missed Issabela's bubbly and jolly sides. Nakakahawa pa naman ang saya niya.
[Maghahanap si Issabela ng trabaho kaya hindi siya p'wede ngayon. She wants to be a maid, iyon ang isa sa pangarap niya, 'di ba?]
I nodded.
"Ngayon? Uulan ata." Kinagat ko ang daliri, nababahala baka kasi maabutan siya ng ulan. "Can you text her to bring an umbrella. Wala akong load, eh."
[Meron 'yan siya. Lagi siyang handa.]
"Aura, please."
[Oo na, oo na! Mamaya at paubos na rin 'tong load ko.]
I let out an air before putting my phone in loudspeaker. Inayos ko na muna ang higaan ko bago ako maghilamos. Kausap ko pa rin si Aura at kung ano-ano nanaman ang kinukwento niya.
Napapasapo na lamang ako sa noo at hindi siya masuway kapag kabastusan na ang lumalabas sa bunganga nito. Hindi naman sobrang bastos, medyo lang.
[Feeling inosente 'to!] singhal niya sa akin kaya naman natawa ako. [Baka naman may nabingwit ka nang lalaki at hindi mo lang sinasabi sa akin, Fiorella.]
Hindi ako sumagot. Kinagat ko ang laman ng pisngi at ilang beses na iniiling ang ulo, inaalis sa isip ang sinabi niya.
"W-wala naman..."
[Hoy! Bakit may pag-utal?]
"A-Anong sinasabi mo? 'Di kita narinig, sorry," I lied.
I composed myself and tried to get rid off that guy's smile in mind. Sumimangot ako. Hindi ko man lang nalaman ang pangalan niya dahil sa ginawa ko.
"Tawag ako ni Papa. Bye," I lied again.
[Sabihan mo ako kung pogi, ah.]
"Hmm. Take care. Bye," mahina kong sabi bago patayin ang tawag. Ibinagsak ko ang katawan sa higaan. "Bakit ba kasi ako tumakbo? Nakakahiya."
Inalala ko ang binatang iyon sa Plaza. Guwapo siya. Pinaghalong cute at gwapo ang itsura niya. He looked like a soft guy. He was like a kid in a body of a grown man. Medyo may kalakihan pa ang katawan nito at halatang maalaga rin.
BINABASA MO ANG
Light Under The Glooms (MPS#2)
RomanceMALA-PRINSESA SERIES #2 Fiorella Elein Rivera, a woman with a kind heart who always thinks other than herself, witnessed how the light takes her mom away from her. Despite her trauma, she pursued her passion for baking. As she pursued the dream, she...