Prologue
"Good morning, Pa."
He looked at me smiling. He was fixing his hair—ready to go now to work. Nang bumaba ako ay nanuot sa ilong ko ang pabango niya.
"Good morning din, anak ko," bati niya rin.
"Ang aga niyo naman po ngayon," I said in my sleepy voice. Anong oras na rin kasi ako nakatulog kagabi.
"Buti nga't naabutan mo pa ako. Hindi na sana ako magpapaalam pa sa'yo kasi natutulog ka."
"Gigising naman po ako kapag ginising niyo ako," sabi ko bago dumiretso sa kusina para uminom.
"Anong oras ba kayo natulog? Kayo talagang mga bata kayo, puyat nang puyat."
Naglakad ako bitbit ang baso. "Pasado alas cuatro na rin po ata. Napasarap lang ang kwentuhan namin ni Aura."
"Ang chismis dapat sa umaga. Kita mo iyong mga marites sa labas? 'Di ba umaga sila nag-uusap?" natatawang saad ni Papa na ikinatawa ko rin.
Inubos ko lang ang tubig at pinanood si Papa na ayusin naman ang kaniyang kwelyo. He then faced me, showing himself.
"Kumusta ang itsura ko? Pogi na ba?"
I smiled at him then gave him a thumbs up. He looked handsome. Kahit may edad na si Papa, hindi halata dahil sa itsura niya. Kuhang-kuha talaga ni Florence—bunso kong kapatid, ang features ni Papa. At my father's age, he sometimes acted like a kid—ayaw niya pa raw kasi'ng tumanda.
"Thumbs lang? Ano 'yon, goods lang?"
Hindi ko na napigilan ang sarili na tumawa. Para siyang bata. Tumingin muli siya sa salamin para silipin ang sarili. Hindi pa rin nawawala sa mukha ko ang ngiti dahil sa nakikita.
"Pinagtatawanan mo naman ako."
"Hindi po, ah," tanggi ko at pinalis ang ngiti sa labi.
"Aba kung pangit ako, e 'di pangit ka rin pala?"
Again, I bursted into laughter. Napa-iling na lang ako dahil sa kakulitan ni Papa.
"Wala naman po akong sinasabi. You actually look good..." sinadya kong bitiin ang gusto niyang marinig. "And handsome," dagdag ko.
"Ayon! Pinaghandaan ko talaga ang araw na ito, anak."
"Good luck po sa unang work niyo." I smiled sincerely. "Mabuti naman po at natanggap na rin kayo kahapon. 'Wag lang po sana kayo masyadong magpapagod."
He smiled at me, but I didn't buy it. Sa ngiti niya pa lang, alam kong may mali na.
"Ano pong problema, Pa?" nag-aalala kong tanong. Lumaylay ang mga balikat niya. "Sabihin niyo po sa akin, Pa. I'm all ears."
I composed myself, waiting for him to speak up.
"Hindi ako papasok ngayon, anak," malungkot ang boses niya. "Alam kong excited ka para sa akin, pasensiya na at nadismaya kita."
I shook my head, then smiled.
"Hindi po ako dismayado, Pa. Bakit kayo mag-so-sorry sa akin? May nagawa ka po bang kasalanan? 'Di ba wala naman po?" Hinawakan ko si Papa sa kaliwang balikat. "I'm not disappointed, Pa."
Totoong excited ako dahil magkakatrabaho muli siya. Dahil last work niya ay nag-retire siya dahil hindi tama ang pasahod sa kanila. Kaya matapos ang ilang weeks na pagpapahinga ay naisipan niyang maghanap ng trabaho ulit.
And he did. Kahapon ay nag-mini celebration kami dahil finally may bago na siyang work.
"Don't be sorry, Pa. Ngiti na. Gusto mo ba mag-joke ako para lang ngumiti ka?" I tried to lighten him up.
BINABASA MO ANG
Light Under The Glooms (MPS#2)
عاطفيةMALA-PRINSESA SERIES #2 Fiorella Elein Rivera, a woman with a kind heart who always thinks other than herself, witnessed how the light takes her mom away from her. Despite her trauma, she pursued her passion for baking. As she pursued the dream, she...