Chapter 13

22 1 0
                                    

Chapter 13

"Mag-ingat ka roon, Fiorella. Lumangoy ka lang sa level na kaya mo ."

I nodded my head, then gave Papa a sweet smile. Paulit-ulit siya sa mga bilin niya sa akin, na miski nasa sa sakayan na kami ay hindi siya natigil. Si Papa rin ang naghila ng maleta ko kahit sinabi ko na kaya ko naman.

"Sumama ka lagi sa mga kasama mo," dagdag niya pa. "Malapit na tayo. Hanggang dito na lang ba ako?"

Tumango ako. "Bumalik na po kayo. Kaya ko na ang sarili ko," ngingiti kong sabi nang makarating kami sa sakayan. Ang ilan ay napapatingin pa sa akin kaya naman kay Papa ko na lang pinokus ang tingin. "Baka hinahanap na po kayo sa bahay."

"Tulog pa sila panigurado. At bakit mo naman ako pinapaalis agad? May isasama ka ba?" aniya at luminga-linga pa sa paligid. Natawa ako nang mahina. "Ayan! Gusto ko laging nakangiti ka. Mas gumaganda ka kapag nakangiti, Fiorella."

Suminghap ako nang hangin, sinusubukan alisin ang bigat sa dibdib. Nitong mga araw, binabagabag ako ng lungkot. Ngumiti ako nang maliit kay Papa.

"Opo. Pakisabihan na lang po sila Loren na umalis na po ako," mahina kong sabi na ikinatango ng ulo niya. "Alis na po ako."

"Oo nga pala, ito ang maleta mo. Kaya mo na ba 'tong bitbitin? Gusto mo ihatid na kita hanggang sa shop niyo?"

"Hindi na po. Kaya ko na 'to," tukoy ko sa maleta. "May pasok din po kayo 'di ba? Baka ma-late po kayo."

Napakamot na lang siya sa ulo nang marinig iyon. I bit my lower lip to stop smiling. Mukhang gustong-gusto talaga ako ihatid ni Papa. Ayaw niya akong bitiwan.

Inabot sa akin ni Papa ang maleta ko. Tumingin ako sa kaniya at sinserong ngumiti. "Susundin ko po lahat ng bilin niyo, 'wag po kayong mag-alala. I'll stick with them," naninigurado kong sabi.

"Oh siya! Alam ko namang susundin mo. Mag-ingat ka roon, ah. Sinasabi ko sa 'yo, Fiorella. Umalis ka nang walang sugat, uuwi kang walang sugat, okay ba?" seryoso ang tono ni Papa habang sinasabi iyon. Napatango naman ako at ngumiti bilang ganti. "Wag mo kaming isipin dito, sarili mo muna."

Napalunok ako. "Opo. Mage-enjoy ako kasama sila." Yumakap ako kay Papa nang mahigpit gano'n din siya sa akin. He kissed the top of my head, too."Mauna na po ako."

Pasado alas-otso na nang makarating ako sa harap ng shop. Sarado ito, rito lang din kami magkita-kita nila Ms. Bubbles dahil susunduin niya kami. Wala pa ang tatlo kaya naman nag-antay ako at nagbasa ng mga ilang mensahe sa akin.

"Boo! Morning, Lein," boses ni Luis, sinubukan akong gulatin. Nginitian ko siya at binati pabalik. He looked neat and good today. He's wearing a white shirt tucked in in his denim pants. May black bag pack din siyang dala. "Grabe akala ko late na ako! Wala pa pala sila."

"Hmm. Napa-aga tayo."

"Kotong talaga sa akin si Lia!"

Pigil ko ang tawang pinanood magsalubong ang kilay niya. Ipinakita niya sa akin ang message ni Lia.

"Ang sabi niya ay ako na lang ang hinihintay."

I let out a small chuckles, making my shoulders moved a little. "Isipin mo na lang na excited tayo kaya napa-aga," pagbibiro ko na agad niyang sinang-ayunan.

"Ayan na sila."

"Lein!" tili ni Lia, iniwan ang maleta at dali-daling kumaripas ng takbo papunta sa akin. Sumalubong sa akin ang yakap niya. "Ang bango mo, shuta ka! Ang ganda mo, Lein!" aniya, sinusuyod ako ng tingin.

Napangiti naman ako sa kaniya at tiningnan ang sariling suot. I just wore light blue puff sleeve dress na hanggang ibaba ng tuhod ko ang haba. Tinernohan ko lang ng beige color flat heels. On my hair, messy bun and white ribbon ang ginamit ko na panali. Nag-iwan din ako ng ilang hibla ng buhok sa gilid ng mukha para bumagay sa curtain bangs ko.Light make up lang ang nilagay ko sa mukha at white pearl earrings naman ang tanging accessories ko.

Light Under The Glooms (MPS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon