Chapter 17

20 1 0
                                    

Chapter 17

"Don't worry about me, kaya ko naman kumain mag-isa."

Parang bata na iniiling niya ang ulo, hindi sumasang-ayon sa sinabi ko. Tapos na kasi siya kumain kanina, at ngayon ay nagpupumilit na sabay kaming kumain para lang may kasama ako.

"P'wede rin ako bumalik sa hotel para kila Ms. Bubbles ako sasabay," sabi ko pa.

Ngumuso siya. "Iniwan ka nga sa akin ni Ms, tapos babalik ka? Ayaw mo ba akong kasama ngayon?"

"Gusto kitang kasama, okay."

Ang kaninang maputing pisngi ay nabahiran ng pula. "Sasama ako sa'yo..."

I let out a small chuckles before looking away at him. Nauna na akong naglakad sa kaniya. Narinig ko na lang ang yapak niya sa likuran ko.

"Ayaw mo ba akong kasabay?" tanong nito nang makapantay sa akin. "Binibilisan mo lakad mo, ah!"

"Hindi, ah," patay malisya kong sagot.

So, it was real? I was with him yesterday. And today, he's here beside me, at bilang manliligaw pa. I know everything was fast, but I don't feel any worries about him courting me. 
 
The only thing I got worried about was how I could tell Nympah that Jinoh was courting me. The man she had a crush on is having a romantic connection with me.

"Let's go to Nanay's lugawan. Masarap ang lugaw sa breakfast," bago pa ako maka-react ay natangay na ni Jinoh ang palapulsuhan ko, dinala ako sa sinasabi niya na lugawan.

Nagbaba ako ng tingin sa hawak hawak niyang pulsuhan ko, hindi mahigpit kaya hindi masakit. Palihim akong ngumiti dahil sa saya.

Kahit maliit itong island, marami pa ring pasyalan ang p'wedeng puntahan. Kung dito lang siguro ako nakatira, siguro nalibot ko na ang buong isla na ito, at hindi lang puro dito sa resort.

"Nanay!" mahihinamagan ang tuwa sa boses ni Jinoh nang pumasok kami sa isang kahoy na gate. "May kasama po ako!"

"Aba't bumalik ka nga, may kasama ka pang magandang dalaga!" bungad ni Nanay na agad kaming nilapitan.

"Magandang umaga po," bati ko kay Nanay.

"Kakain kami, Nay," pagsingit ng katabi ko. "Nga pala, si Fiorella Elein po. Fiorella na lang po itawag niya kasi bawal ang Elein."

Palihim kong hinampas nang mahina ang likod niya.

"Luminaw ata mata ko dahil sa ganda mo, ah!" si Nanay.

"S'yempre, nay, si Elein 'yan!" singit muli ni Jinoh.

Pinapasok kami sa loob at agad na pinaupo. Mukhang sikat nga ang lugawan na ito dahil maraming tao na kumakain.

"Dalawang lugaw. Parehas special," pag-ulit ng ate bago kami talikuran. Mabilis lang din naman na-serve ang pagkain, at nang makita ko ang itsura ng lugaw ay hindi na ako nagtaka kung bakit maraming tao na kumakain dito.

"Matagal na po ba itong lugawan niyo?" tanong ki kay Nanay.

"Sa mga magulang ko ito, bale bata pa lang talaga ako ay ito na ang business namin," sagot niya. "Sige na, kumain ka na, Fiorella, magpakabusog ka, anak."

Ngumiti lang ako bago ituloy ang pagkain. Nagpaalam si Jinoh sa akin dahil gagamit daw siya ng cr. Kaya nang mawala siya ay nagkwentuhan lang kami ni Nanay.

"Hindi ko inakala na babalik ang bata na iyon dito. Tinotoo nga ang hamon ko na kung may nililigawan siya ay dalahin niya dito," pagtawa niya. "Ang gaan-gaan ng loob ko sa batang iyon. Mukhang mabait."

"Mabait po talaga siya, nay. Maloko lang," pagtawa ko. "Natutuwa nga po ako kasi kanina inisa-isa niya pa talagang sabihin sa akin ang lahat ng kinain niya kanina. Tapos nagsesend din po siya kagabi ng random pictures sa messenger ko."

Light Under The Glooms (MPS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon