08

40 11 0
                                    

Name

Nakaupo ako sa favorite spot ko sa library ng may umupo sa bakanteng seat sa harap ko. And of course alam ko na kung sino yun. Amoy palang nya alam ko na. Huh? Pati amoy ng lalakeng to kabisado ko na.

"Hi." Bati nya sakin.

And as usual he is wearing his signature hoodie and his ever famous manbun hairstyle. Nakita ko din ang dala nyang books at notebook. Dala din nya ang bag nya. Mukhang mag-aaral din sya.

"This seat is for me right?" Nakangisi nyang tanong.

"Very wrong." I answered.

He just chuckled. Naglabas din sya ng pens and highlighters. Binuklat nya ang kanyang book at notebook and started reading and highlighting some notes. I wonder if his subjects are really hard like mine. But I guess it is because of the creases on his forehead that appears from time to time. Wow! Pati yun napansin ko na. What's happening to me?

I tilted my neck a bit to dismissed the thought in my head but when I tried to look at him again, I met his gaze. Nagkatitigan kaming dalawa and he didn't bother to look away. I tried to avert my gaze but I felt like there is a magnetic force that prevents me from looking away. That's weird. Pinilit kong ibalik ang mata ko sa pagbabasa. Nakita kong nagbuklat sya ng page ng book nya, hindi na sya nakatingin sakin. And my heart is beating like crazy again.

"Let me love you Maze."

Napapikit ako ng maalala ko ang sinabi nya. Hindi ko padin sya maintindihan, ano bang nagustuhan nya sakin? I still have this feeling na naaawa sya or nacucurious sya sakin. I felt a slight pang of pain in my chest with that thought. Marerealize din nya soon na hindi nya talaga ako gusto. Marerealized nyang magulo ako.

I continue reading my book when he slid a piece of paper on the space between my book and the table. Nakakunot ang noo kong tiningnan ang piraso ng papel na iniabot nya.

"Se agapó"

Mas lalong kumunot ang noo ko sa nabasa ko dahil hindi ko naintindihan dahil ibang language. I looked at him and he just gave me a wink. Napatingin ulit ako sa sinulat nya. Maganda ang penmanship nya para sa isang lalake. Mamaya ko na icheck kung ano ang meaning nito.

Hindi naman nya ako kinulit dahil nagrereview din talaga sya. Nahuhuli ko lang sya na nakatitig sakin paminsan minsan at hindi talaga sya nahihiya kapag nahuhuli ko. Proud na proud pa talaga ang kumag na tinititigan nya ako. The nerve of this man.

I stayed again in my condo to focus on my review for exam week. I received a message from my Mom and asking me to come home. I replied that I'll be staying in my condo.

I stayed in the living room and my things are scattered on the floor. Nagstart na akong magreview ulit when I received a message from Ace.

"You had dinner?"

"Not yet. Nagrereview pa ako."

"Ok. Any food request?"

"Huh??"

"Can I come over?"

"No. Nagrereview nga ako."

"I'll just bring you food."

"Leave me alone."

":D"

Hindi ko na sya nireplyan. Nagreview nalang ulit ako. And after an hour, napatingin ako sa pinto nang may magdoorbell. Tumayo ako para buksan ang pinto and to my surprise. Ace is standing outside my door. He is fucking unbelievable.

Save Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon