05

43 11 0
                                    

Warmth

Nagorder sya ng 1 bucket na chickenjoy, 2 cheese burgers, 2 chocolate sundae saka 2 large fries. I noticed na 2 bottled water ang inorder nya instead of soda. Kumunot ang noo ko sa dami ng order nya.

"Bakit ang dami nito?" Tanong ko sa kanya.

"Gutom na ako eh. Hindi pa ako kumakain."

Tinaasan ko sya ng kilay sa sinabi nya.

"Sabihin mo nga yung totoo. Out of way ka dito?"

"No. Papunta ako sa rest house ng grandparents ko. Every weekend kasi bumibisita ako sa kanila."

He opened the bucket meal.

"Anong gusto mong part ng chicken?"

"Leg part."

Agad nyang tinusok ng tinidor ang isang leg part saka nilagay sa plate ko.

"Thank you."

"Leg and thigh part to, may isang wing part din."

Kinuha nya yung thigh part at nilagay sa plate nya. Nilagyan din nya ako ng rice saka inayos nya ang fries at burger. Maasikaso pala sya.

"Let's eat."

We ate in silence. Gutom nga talaga sya dahil naka apat na rice sya tapos may burger at fries pa. Kumain din sya ng sundae. Nagulat ako sa appetite nya pero lalake naman sya kaya ok lang.

"Bakit ka nga pala nandito? Going somewhere?"

"Magjojoyride sana kami ni Max."

"Max?" Kitang-kita ko ang pagkunot ng noo nya.

"Pupunta kaming Tagaytay pero hindi na tuloy kasi nasiraan ako ng sasakyan."

"Uh. Ok."

"Don't you ever think that we're ok just because we are eating together. We are not friends."

"I didn't say anything." He stared at me.

"Wag kang magfeeling."

He just smirked. I rolled my eyes at him.

We finished our food and his contact came in. May dala itong raker truck. Sya mismo ang nagasikaso kay Max na parang sya ang may-ari.

"Ayusin mo trabaho mo Kirst!!"

"Oo naman. Ako pa ba Ace?"

Nagfist bump pa ang dalawa. He gave the calling card of his shop. Ibinigay ko din ang number ko just in case na ok na si Max, pwede ko ng ipick up.

"Thank you."

Nagpaalam na si Kirst dala si Max. I let out a deep sigh. Mukhang uuwi akong commute. Ayoko naman abalahin ang isang to kasi mukhang may lakad talaga sya.

"Let's go."

Napatingin ako sa kanya at tinaasan ng kilay.

"No, I can manage. Kaya kong umuwi mag-isa. Go with your errands." I stated.

"No. Get in the car."

"No. Kaya kong umuwing mag-isa."

"Get in the damn car or I'll carry you inside. Your choice."

"What did you say?"

"You heard me."

"You're unbelievable!" I exclaimed.

"You have no idea."

Sumakay na ako sa sasakyan nya. Natakot ako sa bubuhatin nya ako papasok ng kotse nya. Hell no!

Save Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon