12

41 7 2
                                    


Baby

That's the reason why he ditched his practice game that time. He saw me with Zeke. Kaya ganon nalang kabilis ang pagharurot ng sasakyan nya palabas ng parking lot. I bit my lip to suppress a smile.

"Who's that fucking guy? Boyfriend mo ba yun?" Inulit pa nya talaga at halatang may galit ang tono ng boses.

"That fucking guy has a name and It's Zeke."

"Hindi ko naman yun tinatanong." Masungit nyang sagot. "Pakialam ko dun."

"And he is my cousin. And he is gay, FYI."

Natulala sya sakin dahil sa narinig. His lips were parted and he look shocked. I just rolled my eyes at him.

"Anak sya ng kapatid ng Mom ko. He came from Italy. Kakauwi lang nya nung nakita mo kami sa parking lot na magkayakap."

"Pinsan mo talaga? Hindi mo boyfriend?" Tanong nya ulit.

"His name is Ezekiel Brillantes Villanueva. Isearch mo pa para maniwala ka. Isearch mo sa FB para makita mong related kami sa isat-isa."

Umayos sya ng upo at tinabihan na ako. Unti-unti nang bumibilis ang tibok ng puso ko dahil ang lapit na nya sakin. Hindi pa nakakatulong ang mabango nyang amoy. Ang sarap tuloy nyang.. Amuyin.

"I thought he's your boyfriend. Gusto ko nga syang sagasaan nung naglakad sya papunta sa sasakyan nya eh."

"What? At bakit mo sya sasagasaan?"

"Nakakatang-ina yung eksena nyong dalawa nang makita ko eh." Naiinis nyang sabi.

Nakita nya talaga kami ni Zeke na magkayakap.

"Gustong-gusto ko kayong puntahan at ilayo ka sa kanya. Pero hindi ko ginawa." He looked away after. Nakatingin lang ako sa kanya. "It fucking hurts seeing you with someone else and that intimate. Akin ka eh."

Natigilan ako sa huli nyang sinabi. I bit my lower lip to suppress a smile. He is owning me and I felt delighted.

"Hindi mo kasi kilala si Zeke. Nakita mo lang na kayakapan ko boyfriend na agad? Sa tingin mo magagawa kong yakapin ang ibang tao ng ganon kadali eh di sana nagwala na ako."

Nakita ko ang pagnguso nya. Pero tiningnan padin nya ako ng masama. Gustong gusto ko na syang sapakin sa mga reactions nya.

"Yun na nga, hindi ko nga sya kilala kaya iisipin ko talaga na boyfriend mo yun. Mas gwapo naman ako dun saka mas matangkad din ako dun."

"Stop it Ace! Pinsan ko si Zeke, why comparing yourself to him? Nakikipagcompete ka ba ng physical features kay Zeke? May laban sayo yun. And for the Nth time Aziah Connor, he is my cousin. You understand twerp?" Napipikon na ako dahil yun padin ang pinuputok ng butsi nya.

"Whoaah. You called me in my full name."

"Seriously?" Sarkastikong tanong ko sa kanya. Ngumisi sya saka naging seryoso bigla at saka ako tinitigan.

"Are we good now? Can we be friends? Ok na ko sa friendship just don't try to push me away again. I'll behave, I'll do my best to keep our friendship Maze. Just don't push me away again." He stared at me with his outmost sincerity.

"Hindi ko kayang mahiwalay sayo Maze. I tried so hard not to visit you in your condo. Iniwasan ko lahat ng lugar na pwede mong puntahan na makikita kita. I'm losing my sanity the longer I'm not with you." He added. "Pero hindi ko na ipipilit ang sarili ko sayo just don't push me away. I can't leave you alone."

"You know that loving me isn't easy Ace. I have sharp edges and missing parts. I'm broken inside and there is a hole inside my heart. Everything about me isn't perfect Ace. You knew what's happening to me, you're aware of my darkness inside."

Save Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon