09

34 9 0
                                    

Hurt

And exam week finally came. Halos walang nag-uusap sa classroom dahil sa pinaghalong takot at kaba para sa mga upcoming exams namin. Sino ba naman ang hindi kakabahan, eh di yung mga hindi prepared magexam. Nagkatinginan kami ni Queen at itinaas nya ang kamay nya. She mouthed "fighting and goodluck."

Dumating na ang professor namin sa Major Subjects namin dala dala ang mga exam papers. And the game begins. Ubusan na naman ng neurons ang labanan. I know that I'm prepared for this. I came prepared for this and God knows how I prepared for this. Nakatulong din naman sakin ang pangiistorbo ni Ace sa condo para dun din sya mag-aral. And he really took his time reviewing his subjects too. May gusto din kasi syang patunayan. Kumusta kaya ang mga exams nya.

Nagpunta kami ni Queen sa cafeteria on our first break. Kukunti palang ang mga students, hindi pa siguro tapos mag-exam nag karamihan sa kanipa kaya madaming vacant chairs and tables.

Nakaupo na kami ni Queen sa lagi naming pwesto. Cheeseburger lang ang binili ko saka Smart C na orange flavor while Queen ordered Baked Mac and Coke Zero.

"Grabe nakakadrain ng utak. Ilang subjects palang yun ah pero pagod na agad ang utak ko." She exclaimed.

"Yeah. May dalawa pa tayong major subjects after break."

"Oh my God! This is torture!"

Natawa nalang ako sa expression at reaction ni Queen. Hindi na sya nasanay kapag exam week.

Hindi dumating ang tatlong taong ineexpect namin ni Queen na makakasamang magbreak. Hindi naman kasi kami pareho ng schedules, malamang dahil Engineering sila. After we took our break we went back to our classroom para magreview ulit for the next major subjects na ieexam namin.

After naming magexam sa mga Major Subjects for this day. Nanlulumo ang mga classmates ko nang lumabas na ang professor namin sa classroom.

"Oh my God! Naubos na ang brain cells ko! Baka wala na akong maisagot para bukas!" Queen exclaimed.

Magsasalita na sana ako ng tumunog ang phone ko. Nakita ko ang pangalan ni Ace sa screen.

"Done with the exam?"

Nagreply naman ako agad. "Yup."

"Where are you?"

"Still in the classroom."

"Let's eat later. I'll wait for you."

"I don't want to!"

"Love you too :D"

Nanggigil na naman ako sa sagot ni Ace. Napakakulit at napakapersistent masyado. Hindi talaga sya makaintindi. Napailing nalang ako. Ilang beses ko na syang pinagtatabuyan at sinasabihan ng kung ano ano pero makulit padin sya. Nakabuntot padin sakin and he is always pulling some crazy-Ace stunts to either annoy or irritate me. Just to steal my attention. Nang mag-angat ako ng tingin, sersyosong mga mata ni Queen ang sumalubong sakin.

"What?" I asked her.

"Do you like Ace?"

"Hell no!" Tanggi ko agad sa kanya. Nakita ko naman ang pagtaas ng kilay nya. "Hindi pwede Queen."

She let out a deep sigh. Mukhang hindi sya convinced sa sagot ko. Pero totoo naman yun. Tiningnan ko ulit sya.

"I like him as a person Queen. He is kind. But not as a man. I can't."

"Why don't you give him a chance? He look sincere." She added.

Kahit ako naman nakikita ko yun sa kanya. Lahat ng mga ginagawa nya para sakin. Lahat ng mga tulong nya sakin. All of them. Pero natatakot ako. Natatakot ako para sa kanya. I might snapped in a blink of moment. Baka kapag hinayaan ko ang sarili ko na maattached sa kanya, masasaktan ko lang sya. I'm scared for him not for myself. Baka hindi nya ako matagalan at iwanan nya ako. At yun ang mas kinatatakutan ko. I'm not naive nor dense not to feel anything for him. He deserves someone better. And that someone is obviously not me.

Save Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon