06

41 10 0
                                    

Pissed

Nagising akong magaan ang pakiramdam ko. I felt energized for some reason. Is it because I slept well? With that thought came in my mind napabangon akong bigla. Anong oras na ba?

Agad akong pumasok ng banyo at naghilamos. Nagtoothbrush nadin ako. Napatingin ako sa suot kong damit. Pinilit kong alalahanin kung bakit ito ang suot ko.

At saka lang nagsink in sakin ang lahat ng makita ko ang bulto ng taong sumagip na naman sakin. Nasa kitchen ito at mukhang nagluluto. Hindi pa ba sya umaalis? Bakit nandito pa sya?

Naramdaman yata nya ang presence ko kaya bigla syang lumingon sa kinaroroonan ko. Nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo at ang pagbaba ng kanyang tingin sa suot ko. Agad syang tumalikod.

"Nagluluto palang ako. Gutom ka na ba?" Tanong nya sakin.

"Hindi ka pa umuwi?" I asked.

"Yeah, nagluluto pa ako eh. How are you feeling?"

"I-I'm fine."

Nanatili akong nakatayo at nanahimik. I'm lost of words. It's him again who saved me from drowning this time.

"I-it was an accident. I didn't mean to-"

"I know." Putol nya sa sasabihin ko. "Tapos na ko dito. Iprepare ko lang to."

"-and one more thing. Dress properly." He added.

Napatingin ulit ako sa suot ko, pakiramdam ko nag-akyatan ang mga dugo ko sa katawan papunta sa mukha ko. Ito lang pala ang suot ko and nothing else. Agad akong pumasok sa kwarto at nagpalit ng damit. And then reality hits me when I recalled how I changed my clothes. He changed it. And he saw my back. I'm sure of it.

Nagpalit ako ng loose shirt saka sweat pants. I tied my hair into bun bago lumabas ng kwarto at bumalik sa kusina. Nakaayos na ang mga pagkain sa mesa pati ang mga utensils.

"Enjoy."

Napatingin ako sa kanya. I met his gaze and his wide grin.

He cooked beef with broccoli, stir fry mixed vegetables and mushroom soup. May orange juice din and yangchow rice. The food looks mouthwatering.

"Dig in Maze." He commanded.

At dahil gutom naman talaga ako, umupo na ako. Maglalagay na sana ako ng mga pagkain.

"Let me."

Sya ang naglagay ng kanin sa plate ko pati ng ulam. He even served me the mushroom soup in a separate bowl. Nilagyan din nya ako ng juice sa baso. I started eating and I realized that he is really a good cook.

"Good?" He asked. I nodded in response. Nakita ko ang pagngiti nya.

We ate in silence. Hindi na ako nagulat ng halos maubos ko ang niluto nya. Hindi din nya ako pinayagan na maghugas ng mga pinagkainan namin.

Nasa kwarto ako ng makarinig ako ng mga katok mula sa pinto. At pagbukas ko nito, nakatayo sya sa tapat ng kwarto ko.

"I need to go. I have some important things to do. I-"

"Thank you for saving me."

Napatitig sya sakin at sinalubong ko din ang tingin nya. Nakatingala ako sa kanya dahil sa tangkad nya.

"I'm thankful beyond words Ace." He is still staring at me. "Pwede ka ng umalis, don't worry I won't do anything bad. Thank you for being here."

"Can I call you?" he asked.

I bit my lower lip. Naalala ko ang unknown number na tumatawag. Kung hindi dahil sa kanya malamang isa na akong malamig na katawan na lumulutang sa sa aking bath tub. Tumango ako.

Save Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon