Parang bigla naman akong nakonsensya sa mga narinig ko. Birthday pala ngayon ni Kuya Aux. Paano ko nga ba nakalimutan 'yon?
Ganito kasi sa pamilya namin tuwing kaarawan ng isa, kadalasan umaabsent ang lahat para i-celebrate ito. Puwera na lang kung may mahalaga talagang gagawin katulad ni Papa na palaging kailangan sa ospital.
Kabisado ko naman ang mga Birthday nila pero hindi ko alam kung bakit nakalimutan ko 'yong kaniya. Malaking factor siguro 'yong hindi kami close sa isa't isa kaya ganoon.
Payak akong ngumiti. "Happy Birthday, Kuya."
Tipid siyang tumango bago muling ibinalik ang atensyon sa kaniyang pagkain.
"Parang others, ah?" pagbibiro ni Second sa akin. Ginulo niya pa ang buhok ko. Inapakan ko naman ang kanang paa niya sa ilalim ng mesa.
Nakakainis. Kailangan pa talagang sabihin 'yon sa harap ng iba naming kapatid?
Sa nakalimutan ko, eh. Sorry naman.
"Saan ba tayo mamaya?" tanong naman ni Third kay Birthday celebrant.
"Ang lakas ng ulan," simpleng sagot ni Kuya Aux habang pinaglalaruan ang kanin sa pinggan niya gamit ang kutsara.
Pansin ko lang na parang kanina pa niya hindi ginagalaw ang pagkain niya.
"Mas masaya nga iyon, eh," sagot ni Kuya Axel. Sunod nitong tiningnan si panganay, tila nanghihingi ng opinyon. "Pa-house party na lang kaya 'tong si Bertdey boy?"
Napasapo ako sa noo. Sina Second at Third talaga ang pinakamasigla sa pamilyang ito. Sila rin ang medyo childish. Mas mature pa nga yata akong mag-isip kaysa sa kanila.
"Kuya, seryoso ka? House party? Tapos ganito ang panahon? Sino naman kaya ang pupunta?" tanong ko, imuwinestra ko pa ang kamay ko sa may bintana.
"O, eh ano naman? May bubong naman dito. Maluwag din dito. Kasya pa mga fifty na tao rito. Ang dami-daming bataan diyan na puwedeng imbitahin. Basta malaman nilang libre, mag-uunahan pa iyon papunta rito. Pa-beer at pa-kain na lang si Aux, solved na tayo. 'Di ba, 'tol?" pangangatuwiran nito, nakangiti pa kay Kuya Aux.
Napatingin naman ako kay Fifth na bahagyang nakataas ang sulok ng labi habang umiiling-iling. Wala naman yatang planong mag-celebrate ang isang 'to.
"Kumain na lang tayo sa labas kapag medyo humina na ang ulan," suhestiyon naman ni Kuya Ysmael.
Medyo seryoso pa rin ang aura niya ngayon pero mas okay na kumpara kanina na parang magwawala na lang dahil sa inis.
Nagkangitian kami nang tumingin siya sa akin. Nag-thumbs up pa ako na para bang tinatanong kung ayos lang siya.
Nag-aprub naman siya pabalik.
"Boring no'n, brad! Mas masarap lumabas ngayon!" pagrereklamo naman ni Second.
"Eh 'di sige, umalis kayo, ha? Mag-swimming kayo mamaya," inis na sagot ni Kuya Ysmael sa kaniya.
Natawa naman ako sa pagiging sarkastiko nito.
Hindi naman talaga masungit si Kuya Ysmael. Nagkataon lang na nagkairingan sila kanina ni panganay kaya ganito ang mood niya ngayon.
Siya kaya ang favorite kong Kuya pati si Kuya Pio pero sina Second at Third ang madalas kong nakakasama. Actually, love ko naman silang lahat.
At malaki ang pasasalamat ko kay Lord dahil kabilang ako sa pamilyang ito.
♡♡♡
Naging payapa naman ang pag-uusap naming magkakapatid habang kumakain kami kanina. Paminsan-minsa'y nagkakapikunan sila lalo na kapag usapang gawaing bahay at lovelife.
BINABASA MO ANG
Natatangi (A Stand-alone Novel)
RomanceInaasam ang iyong pagngiti. © 2022 isipatsalita.