Hinayaan muna kami ni Kuya Pio sa desisyon naming dalawa.
Alam kong nagalit siya sa akin dahil hindi na niya ako pinansin habang naglalakad siya papalapit sa kaniyang sasakyan. Aminado akong nalungkot ako dahil doon.
Siya kasi 'yong tipong malambing kahit naiinis siya sa mga maling gawain ko. Pero ibang usapan na ngayon. He's mad as hell. Hindi ko naman masisisi dahil alam kong dismayado siya sa desisyon ko.
Gusto niya akong hilahin pabalik sa amin pero may pumipigil sa akin. Hindi ko pa rin mawari kung bakit ganoon.
"I'm sorry." Ayan na naman si Fifth sa paghingi niya ng tawad sa akin.
Malambing na ngiti lang ang naisagot ko sa kaniya. Hindi niya kailangang humingi ng sorry.
Marahil ay nakararamdam siya ng guilt sa mga oras na 'to. Akala niya siguro'y napipilitan lang akong manatali kasama niya.
"Alam mo namang hindi kita pipilitin kung talagang ayaw mo na rito," mahina niyang salita habang nakatungo.
Tama ako, 'di ba? Iyon nga ang nasa isip niya.
Napabuntong-hininga ako. Kailan pa siya naging slow?
Harap-harapan ko na ngang sinabi kay Kuya Pio na hindi ako uuwi tapos sasabihin niyang ayaw ko rito?
"Nandito ako. Ibig sabihin, gusto ko rito. Okay?" paniniguro ko.
At dahil doon, bahagyang sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. Pero alam kong kulang. Alam kong mabigat pa rin ang nararamdaman niya.
Buong maghapon lang kaming nagkulong sa mga sari-sarili naming kuwarto. Bumababa lang kami para mag-merienda.
Binibigyan din siguro niya ako ng oras para makapag-isip-isip at ganoon din ako sa kaniya. Feeling ko kasi ay sobrang haba ng araw na 'to para sa amin. Parang nakaka-drain ng energy.
Dinner time, minabuti ko nang bumaba sa may kusina. Hinanap ko siya pero pakiramdam ko'y nasa loob pa rin siya ng kuwarto kaya hinayaan ko na lang muna.
Hindi naman ako magaling magluto kaya kumuha na lang ako ng SPAM, itlog at hotdog bago isa-isang ipinirito iyon. Umupo rin muna ako sa stool chair habang hinihintay ma-in-in ang sinaing ko.
Tumingin ako sa orasan. Past seven na rin pala. Tumayo ako at naglakad paakyat ng hagdan. Kailangan ko nang tawagin si Fifth para sabay na kaming makakain.
Kumatok ako nang maraming beses pero hindi siya sumagot. Dahan-dahan kong pinihit ang door knob at nakita ko siyang nakahiga sa kama niya.
Ang himbing yata ng tulog niya.
"Aux," mahina kong pagtawag sa kaniya.
Hindi siya sumagot. Dahan-dahan akong umupo sa gilid niya at hinaplos ang braso niya.
Unti-unti na siyang nagmulat at nanatili lang siyang nakatitig sa akin na para bang kinikilala pa niya kung sino ako.
Dahan-dahan ko ring naramdaman ang pag-angat ng gilid ng labi ko.
Napahilamos siya sa mukha, "Anong oras na?"
"Seven thirty po."
Napabalikwas siya bigla. Inayos niya ang suot niyang t-shirt pati na rin ang buhok niyang medyo magulo pero hindi nakabawas sa gandang lalaki niya.
"Magluluto muna ako," sabi niya habang isinusuot ang mga slippers niya.
Akmang maglalakad na siya palabas nang bigla niya akong nilingon ulit.
BINABASA MO ANG
Natatangi (A Stand-alone Novel)
RomanceInaasam ang iyong pagngiti. © 2022 isipatsalita.