"Ang kulit mo naman, eh."
Kanina ko pa kasi kinukulit si Kuya Oval tungkol kay Gretch. Naiintriga kasi ako sa kanilang dalawa. Hindi naman pala-kuwento ang mga kapatid ko tungkol sa buhay pag-ibig nila kaya naku-curious ako minsan.
Imposible naman kasing iwan niya ang number niya kay Gretch kung hindi niya type ito. Hindi naman mukhang chickboy ang loko na 'to. Wala naman akong nababalitaan o nakikitang kasamang babae kapag nasa school kami noon. Imposible rin namang bakla 'to.
Sa pagkakaalam ko, wala sa lahi namin ang mga sirena. Shokoy puwede pa.
"Umamin ka na kasi para ako na mismo ang maglalakad sa 'yo sa kaniya," panunukso ko.
"May mga paa ako, Bubwit. Hindi ko na kailangan pa nang tagalakad," nagpipigil ngiti niyang sagot.
Pilosopo. Kinurot ko nga sa may tiyan. Joke ba 'yon? Ang baduy kasi.
"Parang sasabihin lang kung gusto nga niya 'yong kaibigan ko o hindi, eh," pagmamaktol ko. Hindi rin naman ako matitiis nito.
"Ano namang mapapala mo sa isasagot ko?"
"Eh 'di matutuwa ako for you. Duh? Ibi-build up pa kita kay Gretch!" masigla kong sabi sa kaniya, with feelings pa para mas convincing.
Nagkamot siya ng ulo, "Tigilan mo nga ako. Baduy mo."
"Wow, sa 'yo talaga nanggaling 'yan, ha?"
"Hoy, hoy! Kayong dalawa riyan. Bakit ang iingay ninyo? May natutulog, eh!" reklamo ni Third.
Napalingon kami sa kaniya. Medyo natawa pa ako dahil gulo-gulo ang kaniyang buhok tapos basag na basag pa ang itsura.
Ganoon ba kami kaingay para magising siya?
"Tantado ka pala, eh! Tanghali na kaya! Dapat nga kanina ka pa gising!" sagot naman nitong katabi ko. Oo nga naman. Ten thirty na kaya ng umaga.
Nagkamot lang ito ng braso bago dumiretso sa kusina.
Humarap ulit ako sa katabi ko, "Back to you! Ano na? May gusto ka ba kay Gretch?"
"Ay, ang kulit! Isasako na kita riyan, eh!" Napasabunot pa siya sa kaniyang buhok. Mas napaghahalataan tuloy.
"Oo o hindi lang naman. Ano naman kayang mahirap sa tanong ko?"
"Hindi." Hindi raw pero labas naman sa ilong ang sagot niya. Tinusok-tusok ko siya sa gilid ng tiyan kaya napangiwi siya. "Oo na! Puta! Kung hindi ka lang talaga babae, naisahan ka na sa akin."
Eh 'di umamin din. Gusto pa kinikiliti, eh.
"Ikaw ang iisahan ko kapag ginawa mo 'yon." Napalingon kami sa nagsalita— si Kuya Aux. Basang-basa ang shirt niya pati na rin ang shorts. Malamang nilinisan na naman niya ang kaniyang sasakyan.
"Ang kulit naman kasi nito," pagturo ni Second sa akin. "Mga babae talaga kahit kailan! Ang hilig gumawa ng issue!"
Umiling-iling lang si Fifth bago dumiretso sa may kusina. Inasar-asar ko ulit itong katabi ko hanggang sa napikon na. Ayon, umakyat tuloy sa kuwarto.
Ano naman kayang nakakaasar sa mga itinanong ko? Ayaw niya lang siguro malaman kong may gusto siya sa kaibigan ko.
Dumaan naman si Kuya Pio sa harapan ko. Inalok niya ako ng chips pero tinanggihan ko siya.
"Nasaan si Papa?" tanong ko sa kaniya.
"Hindi ko alam. Magkasama tayo ngayon dito sa bahay, 'di ba?" pamimilosopo naman niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Natatangi (A Stand-alone Novel)
RomansInaasam ang iyong pagngiti. © 2022 isipatsalita.