Kabanata 16

1.3K 117 71
                                    

Hinila ako nina Kuya Oval at Kuya Axel palayo ng kuwarto ko. Nagsilabasan sila nang marinig ang mga sigawan namin kanina. Naiwan naman sina Kuya Ysmael at Kuya Aux sa loob.

Hindi ko alam kung bakit sobrang kinakabahan ako sa mga oras na 'to.

Naririnig ko pa rin si Fourth na sumisigaw mula sa itaas. Ramdam ko ang bigat ng hininga ko sa bawat hakbang na ginagawa ko ngayon.

Kahit hinahaplos-haplos ni Second ang braso ko ngayon, hindi ko pa ring maiwasang matakot at kabahan.

"Kuya, please, akyatin mo muna sila roon. Baka kung ano'ng gawin ni Kuya Ysma," pagmamakaawa ko kay Second.

Mabuti na lang wala si Papa rito, pero sana rin ay nandito siya para may authority. Para tumigil na ang dalawa kong Kuya sa bangayan nila.

"Walang gagawing masama si Ysmael. Trust me, okay?" pagpapakalma niya sa akin.

Napahinga ako nang malalim.

Mabait si Fourth at alam ko ring hindi niya talaga hahayaang masaktan ang isa sa amin.

Narinig ko na ang mga mabibigat na yabag ni Kuya Jared. Mukha rin siyang mag-aamok ng away base sa itsura niya ngayon.

"Diyan lang kayo, ha? Kakausapin ko lang 'yong dalawa."

Tumalikod na siya at naglakad pabalik sa bahay.

Humarap ako kay Second, "Kinakabahan ako. Ano ba talagang nangyayari?"

Mapakla siyang ngumiti, "Natanga si Aux. Iyon na 'yon."

"So? Everyone makes mistakes pero bakit ganoon na lang magalit si Fourth kay Fifth?"

"Hindi mo kasi maiintindihan. Kahit nga kami hindi na rin namin alam ang dapat gawin. Aux is in deep shit, Bubwit."

Umupo na lang kami sa may garahe. Pasado alas-tres na nang madaling-araw pero lahat kami ay gising pa. Si Third ay halatang antok pa pero nabuhayan ng dugo dahil sa mga nangyari.

"Tubig muna, oh." Biglang umupo si Kuya Pio sa tabi ko at inabutan ako ng basong puno ng tubig. Bahagya akong ngumiti. "Huwag mo nang kaisipin 'yon, bunso. Malalaki na mga 'yon."

"Worried lang ako," sagot ko.

Inakbayan niya ako kaya medyo kumalma ako. Thankful lang talaga ako dahil may mga kapatid akong kagaya nila. Never nila akong hinayaang mag-isa.

"Ano ba kasing kagalit-galit doon?" biglang tanong ni Third. "Ano ba 'yong ginagawa ni Aux sa kuwarto mo, Haena?"

"Tumawag kasi siya. Mukhang problemado. Tapos tinanong niya kung puwede ba akong lumabas ng kuwarto saglit kaya lumabas nga ako. Mangiyak-ngiyak na nga siya, eh. Kaya pinapasok ko muna. He's an asshole daw," parang bata kong pagkukuwento sa kanila ngayon.

"O? Eh ano ba naman kasing masama roon? Iyon lang pala, eh. Akala ko nama'y inaway ka na naman. Saka puwet naman talaga iyon. Ano'ng bago roon?" iritadong sinabi ni Third.

Parang gusto ko tuloy matawa. Oo nga naman. Kahit ako ay wala namang nakikitang masama roon pero kung murahin at suntukin ni Fourth si Fifth ay para bang kriminal ito.

"OA kasi 'yan minsan si Ysmael," dagdag pa niya.

"Tumahimik ka na lang," saway ni Second sa kaniya. Bumaling ang tingin niya sa akin. "Gusto mo matulog ka na muna? Puyat ka na."

"Okay lang ako."

Hindi pa naman ako inaantok saka paano ako aantukin nang ganito?

After an hour, saka lang bumaba si Kuya Ysmael. Tiningnan niya lang ako na para bang ako ang may kasalanan ng lahat.

Natatangi (A Stand-alone Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon