Kabanata 34

1.2K 86 13
                                    

I ran away with him.

Pagkatapos ng graduation ay sumama na ako sa kaniya nang hindi ipinaaalam sa pamilya't mga kaibigan namin. Malamang sa mga oras na 'to ay hinahanap na kami nina Papa at ng iba naming mga kapatid.

Alam kong malaki itong gulo at kabaliwan. Sa totoo lang, para kaming sumusugal sa bagay na hindi namin alam kung may patutunguhan ba. Hindi ko rin talaga alam sa sarili ko kung bakit ako pumayag na sumama sa kaniya.

Ang daming bumabagabag sa akin ngayon pero dito sa puso ko, alam kong masaya naman ako.

"Are you okay?" tanong ni Fifth.

Nandito kami ngayon sa kalagitnaan ng SLEX at hindi ko alam kung saan niya ako balak dalhin. Ito na ang pangalawang araw na kasama ko siya. Kagabi'y nag-check in na lang muna kami sa isang hotel para doon muna magpalipas ng gabi.

Siyempre, magkaiba kami ng kuwarto. Hindi naman porke sumama ako sa kaniya ay magsasama na rin kami sa iisang silid. Siya rin naman ang nag-insist na magkahiwalay dapat kami dahil malaki ang respeto niya sa akin.

Ngayon, wala talaga akong ideya kung saan kami pupunta. Gusto ko sana siyang tanungin kung ano'ng balak niyang gawin sa dalawang linggo pero kinakabahan ako sa mga isasagot niya.

Saglit ko siyang sinulyapan bago ako tumingin sa labas ng bintana.

Titingnan ko sana ang cellphone ko nang bigla kong naalalang naka-airplane mode nga pala iyon para hindi ako makatanggap ng mga mensahe at tawag kahit kanino. Sunod kong tiningnan ang cellphone ni Kuya Aux na nakapatong sa may dashboard.

Gusto ko rin sanang tingnan 'yon pero nahihiya ako. Naka-airplane mode din kaya siya? Ano kayang laman ng cellphone niya ngayon? Nagkakausap pa rin kaya sila ni Ate Tria? May pictures kaya sila roon?

Bakit ba iyan ang naiisip mo ngayon, Haena?

Bumalik ang aking ulirat no'ng kinuha niya ang kaniyang cellphone. Nanlaki ang mga mata ko no'ng iniabot niya iyon sa akin. Lumingon ako sa kaniya na para bang tinatanong ang dahilan ng pag-abot niya no'n sa akin.

"Tinititigan mo ang phone ko, so I guess may gusto kang tingnan diyan," nakangiti niyang sagot sa akin.

Pakiramdam ko'y nag-init ang buong mukha ko dahil doon. Napansin niya pala iyon?

Tipid akong ngumiti. Pinindot ko ang home button at nakita kong naka-airplane mode din pala ito. Kusa kong ini-swipe ang screen at bumungad sa akin ang mga messages niya.

Wala man lang siyang passcode? Saka hindi man lang siya nagbubura ng recent activities niya rito?

Una kong nakita ang message no'ng Paul. Hindi ko kilala kung sino 'yon. Baka kaibigan o katrabaho. Familiar ang ibang mga pangalan dahil medyo kilala ko naman ang mga naging katropa niya.

Tumigil ang tingin ko sa isang pangalan—Tria.

Gusto ko sanang buksan ang conversation pero parang may pumipigil din sa akin. Hindi ko alam kung bakit mabigat ang pakiramdam ko. Magkaibigan na naman sila ulit ni Fifth kaya walang masama kung magkausap o magkatext pa sila. Besides, may pinagsamahan talaga sila noon pa man.

Pinindot ko na lang ang power button saka ito ibinalik sa ibabaw ng dashboard.

"You hungry?" Umiling ako. "Okay ka lang ba talaga?"

Nagpilit ako ng ngiti, "Oo naman."

"Bakit ang tahimik mo? Hindi ka ba komportable?"

Gusto ko sanang sumagot ng oo, pero umiling ako.

Natatangi (A Stand-alone Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon