Kabanata 24

1.2K 103 73
                                    

"Bakit ang tahimik mo?" tanong ni Laarni sa akin habang kumakain kami ngayon dito sa cafeteria. Kanina pa kasi akong wala sa mood makipag-usap kaya talaga namang magtataka siya. "Woy, ano'ng iniisip mo?"

Nagkibit-balikat lang ako.

Ano naman kasi ang sasabihin ko? Wala pa sa mga kaibigan ko ang nakaaalam sa mga pangyayari. Hindi naman sa hindi ko sila pinagkakatiwalaan, pero mas okay kung mananahimik na lang muna ako. Ayaw ko rin kasi 'yong tatanungin nila ako tapos wala rin akong maisagot na tama.

"Oo nga, kanina ka pang ganiyan," puna ni Tonie, tinataas-taasan pa ako ng kilay.

"Antok lang ako."

Sabay-sabay nila akong inirapan. Alam kong hindi ko sila maloloko. Kabisado nila ang mga kilos ko. Alam nila kung may bumabagabag sa akin o wala.

"Kuwento mo na, babae!"

Napalingon ang ibang mga estudyante sa lakas ng boses ni Laarni. Kahit kailan talaga, hindi uso ang salitang mahinhin dito.

Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko na sa kanila. Kung mag-imbento na lang kaya ako ng kuwento para lang mapagtakpan itong gumugulo sa isipan ko?

Napabuntong-hininga na lang ako. Sooner or later, malalaman din naman nila ang lahat.

What's the point of hiding kung eventually, mahahalata rin nila lalo na kapag nasa bahay namin sila?

Ilang buwan na ring panay ang tambay ng mga kaibigan ko sa bahay. Masarap daw kasing tumambay sa amin. If I know, ang mga kuya ko lang ang pakay nila roon. Lalong-lalo na si Gretch na hanggang ngayon ay patay na patay pa rin kay Kuya Oval.

Hindi ko nga alam kung sila na ba o nasa ligawan stage pa. Basta sa palagay ko'y masaya silang dalawa ngayon.

Hindi ko sigurado kung sadyang malakas lang ang pakiramdam ng mga ito o masyado lang halata ang mga kilos ni Kuya Aux kapag magkakasama kami.

Noong isang beses kasi, habang magkakasabay kaming kumain sa may dining room, biglang tumabi sa akin si Fifth pero tumikhim nang malakas si Kuya Jared kaya nagtinginan kaming lahat.

Ang ending, sa dulo na ito umupo. Pagkatapos no'n, tinanong ng mga kaibigan ko kung ano'ng mayroon at kung ano'ng problema tapos sinabi ko na lang na magkakaaway yata ang mga kapatid ko.

Hindi lang isang beses nangyari 'yon kaya itong mga kaibigan ko ay parang naguguluhan sa inaasta nina Kuya.

Sa totoo lang, gumagawa lagi ng paraan si Fifth para makalapit sa akin, pero laging humaharang ang iba naming kapatid.

Hindi na naman sila galit dito pero iniiwas lang nilang magkalapit kami. Kung ako naman ang tatanungin, wala namang kaso kung lumapit sa akin si Kuya Aux, pero may limitasyon na dapat.

"Huy, ano na? Aba, imik!" si Margie naman. Kanina pa pala akong nakatulala sa basong nasa harapan ko.

"Si Kuya Aux."

Parang gusto kong putulin ang dila ko sa mga oras na 'to. Hindi ko naman dapat iyon sasabihin pero parang kusa 'yong lumabas sa bibig ko.

Freaky shit. Nakita ko ang pagtatakang nakapinta sa kanilang mga mukha. Si Timmy lang ang walang pakialam dahil busy ito sa pagtitipa sa cellphone nito.

"What about your Kuya?" nagtatakang tanong ni Gretch sa akin.

Hindi muna ako sumagot. Pumeke lang ako ng ngiti.

"Oy, Haena. Ano'ng tungkol sa Kuya mo?" si Laarni naman.

Napalunok ako. Kailangan kong makaisip agad ng idadahilan pero walang pumapasok sa utak ko ngayon.

Natatangi (A Stand-alone Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon