Kabanata 49

940 78 11
                                    

Umuwi kami sa Laguna nang hindi napag-uusapan ang tungkol sa aming dalawa. Hindi na kasi ako nagtanong kaya siguro hindi na lang din niya inungkat ang tungkol sa bagay na iyon.

Hiyang-hiya ako sa kaniya pero hindi ko na lang masyadong ipinahalata. Siya naman ay umaaktong parang walang nangyari.

Ginusto niya rin ba iyon o aksidente lang talaga? O baka naman nag-assume lang ako?

Nirerespeto niya ako, hindi ba? Hindi niya rin kaya napigilan ang bugso ng damdamin niya dahil nakainom din siya?

Ang dami na namang gumugulo sa isipan ko.

Hindi kami pumasok ngayong araw na 'to dahil na-late na kami ng gising.

Humigpit ang pagkakakapit ko sa bag ko nang ma-realize na malapit na pala kami sa bahay. Panigurado akong galit na galit na naman sina Kuya ngayon.

Hindi kasi ako nagpaalam nang maayos sa kanilang lahat. Naka-airplane mode din ang cellphone ko kagabi kaya hindi nila ako matatawagan.

Dumoble ang kaba ko nang makitang nasa labas pa ang sasakyan ni Kuya Jared.

Nandito pa siya? Hindi siya pumasok? O baka sadyang hinihintay lang niya akong umuwi?

"Aux," kabado kong bulong habang ipinaparada niya sa labas ng gate namin ang sasakyan niya. Pinatay muna niya ang makina bago niya ako tinapunan ng tingin.

Marahan niyang hinaplos ang buhok ko. "Relax. Okay?"

Hindi ako naka-react. Parang lalo akong tinubuan ng guilt sa katawan dahil sa mga kagagahang nagawa ko.

Hindi pa rin malinaw ang lahat sa akin pero nandito pa rin 'yong takot na baka nga may nangyari sa aming dalawa.

Wala naman kasi akong experience kaya paano ko malalaman ang pakiramdam no'n?

Unang pumasok ng gate si Aux, sumunod ako. Halos magkasabay kaming naglakad papasok ng sala.

Napasigaw na lang ako nang biglang sinalubong ng kamao ni Kuya Jared ang mukha ni Fifth. Natumba siya sa sahig dahil sa lakas ng impact nito.

Dali-dali ko siyang inakay patayo pero nabitawan ko ulit dahil kinuwelyuhan ulit siya ni Kuya Jared.

Awtomatikong napaluha ako sa mga nasaksihan ko. Sunod na lumabas si Kuya Oval na inaawat na ang panganay naming kapatid.

Ako? Wala akong magawa kung 'di umiyak habang sumigaw ng, "Tama na!"

Alam kong may kaparatan silang magalit sa amin pero huwag naman sanang daanin sa ganitong paraan. Hindi ba puwedeng kausapin na lang nila kami nang mahinahon? Kailangan ba laging may pananakit na kasama?

Nanlilisik ang mga mata ni Kuya Jared sa mga oras na 'to. Marahas niyang binitiwan si Aux bago tumingin sa akin.

"Ano 'to, Haena? Talaga bang sinusubukan n'yo kami, ha?" Halos maglabasan na ang mga ugat niya sa leeg.

Pinunasan ko ang luha ko pero tuloy pa rin ang pagtulo nito sa mga pisngi ko.

Nilingon ko si Fifth na nakatungo at hindi lumalaban sa kaniya.

Kitang-kita kong mapula ang gilid ng kaniyang bibig pati na rin ang kaliwang pisngi. Gustong-gusto ko siyang lapitan at yakapin pero hindi puwede.

"Kuya—"

"Bigyan mo ako ng magandang dahilan! Kagabi pa kaming halos mabaliw kaiisip kung nasaan ka! Akala namin namasyal ka lang o kasama mo ang mga kaibigan mo, tapos ano? Malalaman namin ito ang kasama mo?" pagturo niya kay Aux.

"Sorry, Kuya. Kasalanan ko—"

"Putangina naman! Tinanghali na kayo!" Sunod niyang tiningnan si FIfth. "Bakit? Putangina, Aux! Malaman-laman ko lang na ginalaw mo 'tong kapatid natin, sa morgue ka pupulutin!"

Natatangi (A Stand-alone Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon