Sinubukan pa rin namin siyang hanapin kung saan-saan. Ipinagtanong na rin namin sa mga posibleng nakaaalam kung saan siya nakalibing pero wala kaming impormasyong nakuha. Anim na buwan na ang nakalilipas pero nandito pa rin ang sakit.
Siguro nga'y nakangingiti at nakatatawa na akong muli pero sa likod ng mga iyon ay ang Haena na walang kabuhay-buhay.
"Cous." Napatayo ako sa biglaang pagpasok ni Andeng dito sa bahay namin. Mangiyak-ngiyak siyang lumapit sa akin. "I'm sorry. Sorry talaga sa mga nasabi at panghuhusga ko noon sa 'yo. Sa inyo ni Kuya."
Paulit-ulit siyang humihingi ng tawad sa akin habang nakayakap sa akin.
Wala naman talaga akong malalim na hinanakit sa kaniya. Aminado akong sumama ang loob ko noon pero matagal na iyon. Hindi ko na dapat pagtuunan ng pansin ang tungkol doon.
Ilang buwan siyang hindi nagpakita sa akin pati na rin ang iba naming mga pinsan. Hindi ko alam kung iniwasan lang nila ako o ayaw lang talaga nilang mangialam sa buhay ko.
"Wala na 'yon," sabi ko na lang.
Kumawala siya sa yakapan namin. "Okay ka lang ba?"
Peke akong ngumiti. Hindi ko naman para amining lugmok pa rin ako't hindi ko sigurado kung kailan magiging maayos ang nararamdaman ko.
Hangga't kaya ko, pipilitin kong maging matatag sa harapan ng mga kamag-anak at kakilala namin.
Naubos na rin yata ang lakas ko sa pagluha nitong mga nakaraang buwan. Para bang pigang-piga na ang mga mata ko at wala na 'tong mailalabas pa.
"Nahanap na ba si Kuya Aux?"
Umiling ako. "Wala pa ring trace."
Nagtanong na kami sa mga ospital dito sa Laguna pati na rin sa Manila at sa mga karatig probinsya pero wala siyang record sa mga 'yon.
Iniisip namin na posibleng nangibang-bansa siya at doon na binawian ng buhay.
Hindi ko alam kung sinasadya niya talagang lumayo para hindi na namin siya makita pa kahit kailan.
Nanikip na naman ang aking dibdib.
"Natanong mo na ba sina Tito Celso kung may balita sila roon?"
Sina Tito Celso at ang pamilya nito ay matagal nang naninirahan sa New York. Nakababatang kapatid siya ni Mama.
Humingi na rin kami ng tulong sa kanila para sa paghahanap kay Aux pero wala pa ring balita.
Parang nawawalan na rin kami ng pag-asa.
Alam namin ang posibilidad na wala na siya pero gusto pa rin namin makita ang kaniyang... ni hindi ko na lubos maisip ang sinapit niya.
"Wala pa rin," walang gana kong tugon.
Napatakip siya sa kaniyang bibig. "Haena..."
"Ands, okay lang ako." Iyon ang pinakamadaling sabihin kahit isang malaking kasinungalingan iyon.
"I missed you, cous," muli niyang yakap sa akin. "Magiging okay din tayong lahat."
🌼🌼🌼
Pumunta kami noong hapon sa SM para malibang at makahinga-hinga naman. Hindi na kasi ulit ako nakapupunta sa mga mall simula ng araw na iyon.
Lagi lang akong nasa bahay at sumasama lang ako sa mga lakad nina Kuya kapag pinipilit nila ako.
Naglalakad kami nang biglang tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko muna iyon sa loob ng bag. Tumingin muna ako kay Andeng bago ko tingnang muli ang screen ng cellphone ko.
BINABASA MO ANG
Natatangi (A Stand-alone Novel)
RomanceInaasam ang iyong pagngiti. © 2022 isipatsalita.