AUX LENARD LIU
"Pare, iyon oh, si Alyssa," pagturo ng kaklase kong si Froilan sa babaeng nakapila rito sa cafeteria. Tinapunan ko iyon saglit ng tingin pero iba ang nakakuha ng atensyon ko. Hindi 'yong Alyssa kung 'di ang kapatid ko.
She's with her friends when a random guy suddenly approached her.
Sino naman iyon? sa isip-isip ko.
Right then, I knew I was in big trouble. Aminado akong masakit sa mata nang makita kong may lumapit sa kaniyang ibang lalaki. Hinding-hindi ko makalilimutan ang araw na 'yon, dahil doon na nagsimulang magbago ang lahat.
Nagbago ako pati ang nararamdaman ko.
Pinigilan ko ang sariling huwag siyang kausapin. Lahat ng klase ng pag-iwas, ginawa ko na. Hindi na rin ako masyadong nakikihalubilo sa mga kapatid namin kapag alam kong nandoon siya.
Kapag sinusubukan niya akong lapitan, humahanap ako ng paraan para makalayo sa kaniya. I was close to being paranoid that time. Sino bang hindi mapapraning kapag nalaman mong nagkakagusto ka na sa kapatid mo?
"Fuck", mura ko sa isipan ko.
Hindi naman talaga ako palamurang tao pero simula noong araw na 'yon, natutuhan kong magmura dahil sa mga weirdo kong nararamdaman kapag nakikita ko siya.
Nakahinga na ako nang maluwag pagtungtong ko ng college. At least, wala siya sa university na pinasukan ko.
Iyon lagi ang iniisip ko. Kung may oras man na makikita ko siya, iyon ay kapag umuuwi ako sa bahay pero saglit lang din naman dahil madalas akong magkulong sa kuwarto ko.
Akala ko makalilimot din ako. Akala ko lilipas din ang nararamdaman ko.
Fuck, I was wrong.
Lalo lang palang lumala. Tinanong ko ang sarili ko kung bakit ko ba siya nagustuhan. Ako na rin ang sumagot sa sarili kong tanong.
Baka kasi hindi ka lang sanay na may ibang babae sa loob ng bahay at alam mo pang hindi mo siya tunay na kapatid.
And what's not to like about her? She's beautiful in every way.
Pinalipas ko na lang din 'yon. Kakausapin ko lang siya kapag may iuutos ako o 'yong iba naming mga kapatid at kapag may pinasasabi ang ibang tao sa kaniya.
I was trying to act normal whenever she's around. Pero hindi ganoon ang kinalalabasan.
Hindi normal. Fuck, nagiging abnormal ang lahat kapag siya na ang pinag-uusapan.
Pinaniwala ko siyang ayaw ko no'ng may babaeng kapatid at ayaw ko sa kaniya kasi iyon lang ang naisip kong idahilan.
Natatakot akong mapalapit sa kaniya dahil baka lalo akong matuluyan sa bagay na pinakainiiwasan kong mangyari.
Nag-girlfriend ako. Hindi dahil sa gusto o mahal ko 'yon, pero dahil kailangan kong ilihis ang atensyon ko.
Sinubukan ko namang mahalin si Roxx, but it didn't turn out that way. I tried to romance her in every possible way dahil inaakala kong makalilimot ako sa paraang 'yon pero nabigo ako.
Yes, I was an asshole back then. I used someone for my own benefit.
Hindi ko naisip na makasasakit pala ako ng damdamin ng ibang tao.
Hindi na rin kaya ng konsensya kong pagtagalin pa kaya nakipaghiwalay ako sa kaniya. Inamin ko rin sa kaniya ang tunay na dahilan.
Sobrang nagalit siya sa akin. Ang gago raw.
Oo, gago nga talaga.
Hindi na lang ako umiimik kapag lagi akong binibida ni Papa sa harapan ng mga kapatid namin.
BINABASA MO ANG
Natatangi (A Stand-alone Novel)
RomanceInaasam ang iyong pagngiti. © 2022 isipatsalita.