Magkasabay kaming naglakad hanggang sa makatungtong kami sa loob ng bahay. Lahat ng mga kapatid namin ay naghihintay dito sa sala. Lakas loob kong tiningnan si Kuya Jared na talaga namang galit na galit sa mga oras na 'to. Kahit si Kuya Pio na never pang nagalit sa akin, kitang-kita ko sa mukha niya ang bahid ng pagkainis.
Hindi ko naman sila masisisi dahil pinag-alala ko silang lahat.
"Umuwi ka pa." Dumagundong ang boses ni Kuya Jared sa buong bahay. Sunod niyang tiningnan si Kuya Aux na nasa tabi ko lang. "At ikaw? Talagang sinusubukan mo ako, ano?"
Sobrang lamig na ng mga kamay ko. Kaba at takot ang nangunguna sa sistema ko ngayon.
"Kuya," tangi kong nasabi para kumalma naman siya kahit kaunti.
"Umakyat ka na sa kuwarto mo," utos niya sa akin.
Mas lalo akong kinabahan. Hindi ko puwedeng iwanan si Fifth dito. Alam kong magkakagulo na naman sila once na umalis ako.
"Walang kasalanan si Kuya Aux," pagtatanggol ko rito. "Sinundo niya lang ako kina Andeng."
Hindi ko alam kung bakit parang ang defensive ng pagkakasabi ko no'n pero iyon naman talaga ang totoo.
"Please lang, umakyat ka na lang." Si Kuya Ysmael na ang nagsalita.
Seryoso ang itsura niya ngayon. Nakipagsukatan muna ako ng tingin sa kaniya. Hinihintay kong magbago ang ekspresiyon ng kaniyang mukha niya pero hindi iyon nagbago.
"Umakyat ka sa kuwarto mo. Ngayon na mismo."
Wala na akong nagawa sa utos ni Fourth. Naglakad ako palayo sa kanilang lahat.
Paakyat na sana ako ng hagdan nang bigla kong tinawag ang atensyon ni Kuya Jared. Lumingon siya sa akin, ganoon din ang iba kong mga kapatid.
"Please..." pagmamakaawa ko. Alam na naman siguro nila kung ano'ng ibig kong sabihin. Huwag naman sana nilang saktan si Fifth.
Kasasara ko lang ng pinto ng aking kuwarto nang bigla kong narinig ang mga bulyawan sa baba. Marahan akong pumikit dahil sa tensiyong nararamdaman ko.
Ang sakit. Ang sakit lang na kailangan pang mangyari ito.
Halos ikalundag ko no'ng narinig kong may nabasag na bagay. Dali-dali akong tumakbo palabas ng kuwarto para mas marinig ang mga pinag-uusapan nila.
"Ano ba ang nangyayari sa inyo, ha? Hindi naman kayo ganito dati!"
Lalong lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa lakas ng boses ni Papa.
Shit. Nakauwi na pala siya't naabutan pa ang pag-aaway ng mga kapatid ko sa baba.
"Itanong n'yo riyan!" Boses iyon ni Kuya Jared.
"Kung magpapatayan kayo, roon kayo sa labas! Para kayong mga bata sa inaasal ninyo!"
Galit na galit na rin si Papa ngayon. Sino ba naman ang hindi magagalit kapag naabutan mo ang mga anak mong nag-aaway away tapos ikaw ay pagod mula sa trabaho?
"Awat na nga. Awat na!" Si Kuya Axel naman. Narinig ko rin ang mga kaluskos ng mga sapatos nila mula sa baba.
"Hindi n'yo ba kayang mag-usap nang mahinahon lang? Ang tatanda n'yo na! Hindi na kayo mga teenager! Ano ba talagang mga problema ninyo?"
Hindi ko na alam ang magiging reaksyon ko sa mga sandaling ito. Ngayon ko lang ulit narinig si Papa na magkaganoon.
"Iyang isang anak ninyo, Pa!" naiiritang sagot ni Kuya Ysmael.
BINABASA MO ANG
Natatangi (A Stand-alone Novel)
RomanceInaasam ang iyong pagngiti. © 2022 isipatsalita.