Kabanata 27

1.1K 95 75
                                    

Ang ganda ng gising ko ngayong umaga. Feeling ko nasa akin na ang lahat ng good vibes. Awtomatikong napatingin ako sa wall clock. 5:47A.M. pa lang at maaga pa iyon kumpara sa normal gising na 6:30 A.M.. Kinuha ko ang cellphone kong nakapatong sa may side table bago humiga ulit. May tatlong messages galing kay Andeng, isa pang galing kay SMART at ang pinakahuli ay nanggaling sa unregistered number.

Nangunot ang noo ko no'ng nabasa ko ang mensahe mula sa unregistered number na 'yon.

Hi. Good morning. - G

Sino naman iyon? Dami pang pa-utot. Puwede naman kasing sabihin na lang talaga ang pangalan, hindi ba?

Nag-isip pa ako ng mga puwede kong kakilalang nagsisimula sa letter G ang pangalan bukod kay Gretch.

Napataas ang kilay ko no'ng mapagtanto kong isang tao lang ang puwedeng mag-text sa akin nang ganito. Pamilya at close friends lang naman kasi ang nakaaalam ng personal number ko, puwera na lang kung ilaglag ako ng mga kaibigan ko at ipinagkalat nila ito, pero alam ko namang hindi nila gagawin 'yon.

Naalala ko bigla ang iba kong mga IDs sa wallet ko. Mayroon nga pala akong number doon. Malamang doon nakuha no'ng Gian na iyon ang number ko. Sa letrang G din nagsisimula ang kaniyang pangalan kaya hindi malabong siya nga ang nagtext.

Dineadma ko lang ang message niya. Nag-charge muna ako ng cellphone bago ako bumaba sa kusina.

Nasa may hagdan pa lang ako'y nangangamoy isda na. Fish for breakfast? Parang bago iyon, ah?

Nakita kong nakahain na ang mga plato at utensils sa dining table namin. Baka tulog pa ang iba kong mga kapatid dahil wala pang nakapuwesto roon. Dumiretso na lang ako sa kusina para tingnan kung sino ang nagluluto.

Awtomatiko akong napaatras nang makita ko siyang walang shirt na suot. Ganito naman talaga siya sa tuwing nagluluto tapos magdadamit na lang kapag kakain na.

In fairness naman talaga sa kaniya dahil sakto lang ang built ng kaniyang katawan. Kumbaga, tama si Tonie no'ng nakita niya rin si Kuya na topless noong nandito sila sa bahay.

Likod pa lang, ulam na, iyon ang sabi nito.

"Uh, good morning?" bati ko.

Narinig ko ang mahina niyang pagmumura. Nakita ko pang umangat ang mga balikat niya sa gulat. Magugulatin din pala ang isang 'to.

Hindi niya yata narinig ang mga yabag ko. Sabagay, ang ingay no'ng mantika sa kawali kaya maaaring hindi niya napansin ang pagdating ko.

Lumingon siya saglit at ipinatong ang siyanse sa isang plato, "Good morning. How's your sleep?"

"Okay naman. Masarap." Parang gusto kong bawiin 'yong huli kong sinabi. Bakit ba kasi masarap ang nasabi ko? Parang hindi lang bagay na description para sa tulog. Dapat mahimbing ang sinabi ko.

"Ikaw?" balik tanong ko. Bigla siyang ngumiti. Holy cheese. Ito na naman po ako, Lord. Nakakakapos ng hininga itong taong 'to. "I mean, masarap ang tulog ko."

Humalakhak siya. Bihira ko lang makitang tumawa ang isang 'to. Ano naman kayang nakatatawa sa sinabi ko?

Happy 'yarn?

"Okay. Wait lang, tapusin ko lang 'tong piniprito ko. Kumakain ka naman ng tilapia, 'di ba?"

"Oo naman. Ano'ng tingin mo sa akin?" natatawa kong sagot.

"Maganda."

Kumindat siya bago tumalikod at ipinagpatuloy ang pagpi-prito.

Naman! Unti-unti kong naramdaman ang pag-angat ng mga muscles ko sa mukha.

Natatangi (A Stand-alone Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon