Kabanata 35

1.1K 86 3
                                    

Nagising ako na sobrang tahimik ang buong paligid. Bihira lang yatang may dumaang mga sasakyan dito sa block na ito.

Ano nga ba ang aasahan ko, eh exclusive subdivision ito? Hindi katulad sa bahay namin sa Laguna, may mga maririnig pa kaming dumaraang sasakyan kahit papaano.

Naghilamos muna ako sa CR bago ako bumaba para tingnan kung nasaan si Kuya Aux.

Patungo na ako sa may kusina nang marinig ko boses niya at ng isa pang lalaki. Nandito na siguro 'yong Kuya Ed na tinutukoy niya.

Bahagya akong sumilip at nakita ko nga silang dalawa na nakaupo sa magkabilang stool chair sa may counter.

"Uh, good morning?" pabulong kong bati. Sabay pa silang lumingon sa akin.

Halos manlaglag ang panga ko nang makita ang taong bago lang sa paningin ko.

Hindi nga? Driver iyon? Iyong ganoong itsura? Driver? Parang hindi naman yata ako convinced.

Moreno ito na katamtaman lang ang pangangatawan. Medyo bilugan ang mga mata, okay din ang ilong at messy ang buhok. Mukha rin itong disente at malinis sa katawan.

What the actual fag? Masasabi kong guwapo ito para maging driver. Hindi nga lang papantay sa level ng mga Kuya ko. Hindi papantay kay Fifth.

At palagay ko'y nasa thirty pa lang ang edad nito.

"Good morning. Coffee?" nakangiting alok ni Kuya Aux sa akin.

Napangiti na rin ako bago ilang beses na tumango. Parang may kung ano'ng nagwawala sa tiyan ko tuwing nakikita ko ang mga ngipin niya at pati na rin ang mga mata niyang mas sumisingkit pa kapag siya'y ngumingiti.

Isinalin niya ang kape sa isang tasa bago nilagyan ng creamer sabay halo nito.

"By the way, Ed, si Haena. Haena, siya 'yong sinasabi ko kahapon sa 'yo," pagpapakilala niya sa amin.

Bakit hindi "Kuya" ang tawag niya rito? Nasaan ang manners, Fifth? O sanay na talaga siyang tawagin ito sa pangalan lang?

"Good morning, Ma'am," magaling nitong pagbati sa akin.

Napalunok ako bigla. Ma'am? Seryoso ba siya? Eh mas karapat-dapat pa siyang tawaging Sir, eh.

Tumayo ito sabay lakad papalapit sa akin. Naglahad siya ng kamay kaya tinanggap ko rin iyon agad.

Doon ko lang napansin na maliit lang siya nang kaunti kay Kuya Aux.

"Puwedeng Haena na lang po ang itawag n'yo sa akin?" nahihiyang tanong ko sa kaniya.

Nakaka-intimidate naman ito! Seryoso ba si Fifth na ito ang magiging driver ko? Ang inaasahan ko kasing itsura ay medyo pandak, chubby at kalbo. Sorry na. Ang layo lang talaga sa expectation ko.

"Nako, hindi puwede. Mapagagalitan ako ni boss," natatawa niyang sambit sabay lingon kay Kuya Aux na nakangisi lamang.

"Uh, okay?" Iyon na lang naisagot ko.

Itinuro ni Kuya Aux ang tasa na nasa harapan niya kaya lumapit na ako sa puwesto nila. Hinila niya ang katabing stool chair at doon ako pinaupo.

May mga pinag-usapan pa silang hindi ko masyadong maintindihan dahil hindi ko naman kilala ang mga tinutukoy nila. Nagkibit-balikat na lang ako.

Pasulyap-sulyap ako sa driver.

Mapagkakatiwalaan ba talaga ang taong ito? What if iwanan ako ni Fifth at kailangan niyang umalis papuntang company? Eh 'di kaming dalawa lang ng lalaki rito?

Natatangi (A Stand-alone Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon