IMPERFECTLY WRITTEN.
Revise ko 'to kapag marami na 'kong spare time.
🌼🌼🌼
Lumaki ako sa bahay na puro lalaki ang mga kasama ko. Minsan iniisip ko kung masuwerte nga ba ako dahil doon o hindi rin. Hindi naman sa nagrereklamo ako dahil ramdam ko naman ang special treatment ng mga Kuya ko sa akin.Overprotective sila at the same time ang lakas ng mga sapak sa ulo. Hindi ko alam kung bakit trip na trip nila akong asarin at punahin.
Ito nga siguro ang disadvantage kapag nag-iisang babae ka lang sa pamilya. Take note, bunso pa. Nasa iyo ang buong atensyon ng magulang at mga kapatid mo.
"Aalis na po ako," pagpapaalam ko kay Papa bago ako nagmano sa kaniya.
Tinanggal niya ang suot niyang salamin at pinasadahan ako ng tingin. Nangunot naman ang noo ko dahil sa hindi niya pag-imik.
"Pa?" pagpukaw ko sa kaniyang atensyon.
"Ang lakas ng ulan, Haena. May pasok pa ba kayo?" tanong niya, mukhang takang-taka kung bakit kailangan kong umalis.
Bahagya akong napangiti. "Opo. Ganiyan kasipag ang unica hija mo. Saka wala pang ina-announce sa balita na suspended ang classes."
Napalingon ako nang biglang may kumalabog sa may bandang kusina. Nagkatinginan muna kami ng tatay ko bago namin minabuting lumapit doon.
Napatakip ako ng bibig nang makitang kinukuwelyuhan ni Kuya Jared si Kuya Ysmael. Agad namang lumapit si Papa para awatin ang namumuong tensiyon sa dalawa kong kapatid.
Ano'ng problema ng mga 'to? Bakit may ganitong eksena?
Alam kong silang dalawa ang laging mainit ang dugo sa bawat isa pero hindi pa naman umaabot sa puntong magsusuntukan na sila.
"Ano ba ang problema ninyong dalawa, ha?" mariing pagkakatanong ni Papa sa kanila.
Ako naman ay napako sa kinatatayuan ko. Pulang-pula na kasi ang mukha ni Kuya Jared. Visible na rin 'yong mga ugat sa kaniyang leeg pati sentido.
Siya ang panganay habang si Kuya Ysmael naman ay ang pang-apat sa aming magkakapatid mula sa bunso.
Hindi sila umimik.
Padabog na naglakad si Kuya Ysmael palabas ng bahay. Susundan ko na sana siya nang biglang nakasalubong ko pa ang dalawa ko pang mga Kuya. Pinasadahan nila ako ng tingin bago tumingin sa bandang kusina.
"May pasok ka?" pagtataka ni Kuya Oval, ang sumunod sa akin.
Oval talaga ang ipinangalan sa kaniya. Hindi ko alam kay Mama kung bakit 'yon ang naisip nilang ipangalan dito.
Ilang beses akong tumango bilang tugon.
"Timang ka ba? Papasok ka nang ganiyan ang panahon?" tanong niya sabay turo sa may bintana.
Talaga namang malakas ang ulan. Nagdadalawang isip nga ako kung aalis pa ako o hindi na. Maiintindihan naman siguro ng professor namin kapag umabsent ang mga estudyante niya.
"Huwarang estudyante," pagturo ko sa sarili ko, bahagyang natatawa pa.
"Huwag ka nang pumasok," sabi naman Kuya Axel. Siya naman ang pangatlo sa amin.
Bumaling ang tingin niya sa bandang likuran kaya napatingin na rin kami roon.
Naroon si Kuya Jared na nakatukod ang dalawang siko sa ibabaw ng mesa habang sinasabunutan nang kaunti ang sariling buhok.
BINABASA MO ANG
Natatangi (A Stand-alone Novel)
RomanceInaasam ang iyong pagngiti. © 2022 isipatsalita.