Kabanata 21

1.1K 94 53
                                    

Bumilis ang aking paghinga sa mga narinig ko. Sinuri kong mabuti ang kaniyang mga mata dahil sa pag-aakalang lasing lamang siya. Pero imposibleng uminom pa siya sa ganitong kalagayan at hindi rin naman siya amoy alak.

Kung nakikipagbiruan siya ngayon ay wala ako sa wisyo para sa ganoon. Pero hindi niya gawain ang makipaglokohan lalo na pagdating sa ganitong usapan.

Parang ngayon ko lang na-absorb ang mga sinabi niya kani-kanina.

Ako? Paanong ako? Bakit ako? Paano nangyari na ako at ang Sunshine na 'yon ay iisa? Nasisiraan na ba siya ng bait?

Biglang nag-flashback ang mga sinabi nina Kuya Oval, Kuya Ysmael at Kuya Pio. Ito nga kaya ang dahilan kung bakit sila galit na galit sa kaniya?

Ang gulo. Sobrang gulo na nitong isip ko. Pakiramdam ko'y sasabog na itong utak ko sa kaiisip.

"Hindi magandang biro 'yan," sabi ko na lang, pinipilit na kumalma.

Pumikit siya nang mariin bago ngumiti. "Yeah, I was just kidding."

Hindi ko alam kung makahihinga ba ako nang maluwag sa mga narinig ko o lalo lang akong uusigin ng kuryosidad ko.

Hindi ako kumbinsidong nagbibiro lang siya kanina. Seryoso siya nung sinabi niya 'yon at nang tiningnan ko ang cellphone ko, pangalan niya ang nakarehistro roon.

"Sorry. Ang seryoso kasi masyado ng mukha mo." Tumawa siya bago tinuyo ang kaniyang mga mata gamit ang sariling braso. "So fuckin' gullible."

Lumapit ako't hinampas siya sa may dibdib. Bahagya siyang umungot. Dinampi ko ang ibabaw ng kamay ko sa kaniyang noo para i-check kung mataas pa rin ang lagnat niya. Mainit pa rin talaga siya.

Tatayo na sana ako nang bigla niyang tinawag ang pangalan ko.

Hindi ko alam pero parang may kakaiba sa mga tingin niya.

Paano kung bawiin niya ulit ang mga sinabi niyang nagbibiro lang siya? Paano kung sabihin niya sa aking ako nga si Sunshine?

Ano'ng mararamdaman ko kung ganoon? Ano ang sasabihin ko sa kaniya?

Shit lang. Kapatid ko siya. Kahit sa anong anggulo mo tingnan, mali ang magkaroon ng pagtingin sa kapatid at kadugo mo. Maling-mali.

Ngumiti siya, "Sooner or later, you'll know everything."

Tumango-tango na lang ako, "Okay ka na ba? Gutom ka ba? Ikukuha lang kita nang makakain."

"No. Samahan mo na muna ako rito."

Tinapik niya ang kama niya kung kaya't umupo ako sa gilid nito.

"Kuya, sino ba talaga 'yong Sunshine?"

Kailangan kong malinawan ngayon. Aminado kasi akong nagulat ako nang bigla niya akong tinawagan kanina. Imposible naman kasing ako iyon, hindi ba?

Imposible talaga dahil kapatid niya ako. Hindi talaga mangyayari 'yon at hindi dapat mangyari dahil bawal at hindi kaaya-aya 'yon.

Biglang pumasok sa isip ko ang pagkakatawag niya sa akin ng "Sunshine" ilang araw lang ang nakalilipas. Bigla lang niyang binawi 'yon noong nahalata niya ang facial expression kong punong-puno ng pagtataka.

Sanay naman ako sa mga kapatid kong nagbibigay ng kung ano-anong endearment lalo na kapag good mood sila, pero noong pagkakataong 'yon, tila nadulas lang si Fifth sa pagkakasabi no'n.

"Are you hungry, Sunshine? Breakfast is ready," nakangiting saad niya. Nagtaas ako ng kilay. "I mean, rise and shine, little girl."

Biglang nanlamig ang mga kamay ko. Bakit ngayon ko lang napansin 'yon? Bakit ngayon ko lang nabigyan ng ibang kahulugan 'yon?

Natatangi (A Stand-alone Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon