Kabanata 9

1.5K 131 57
                                    

"Gretch, ano ba? Pumasok ka nga rito," pagtawag ko sa kaibigan ko. Dati rati naman ay makapal ang mukha niya at siya pa ang nauunang pumasok dito sa loob ng bahay namin. Ngayon, sobrang hiyang-hiya naman.

Kumpleto kasi ang mga kapatid ko ngayon. At alam kong nahihiya siya kay Kuya Oval mismo.

"Akala ko ba liligawan mo na ang Kuya ko?" panunukso ko sa kaniya.

"Naman, eee!"

Ay, ang arte pa, oh. Hinila ko siya sa braso at sabay kaming pumasok sa may sala. Napatingin tuloy sa amin ang iba kong mga kapatid dahil nagpupumiglas pa 'tong katabi ko.

"G, dito ka!"

Tinapik ni Laarni ang inuupuan niya. Naglakad naman siya papalapit doon. Umupo siya sa kaliwang bahagi nito, tapos sa right side niya si Timmy.

Dumako ang tingin ko kay Second na nakaupo sa maliit na couch. Napangiti ako no'ng nahuli ko siyang pasulyap-sulyap sa kaibigan ko habang nagce-cellphone.

Confirmed! May lovelife na nga ang loko.

"Dito na kayo mag-dinner, ha?" suhestiyon ko. Tumango-tango lang ang mga kaibigan ko. "Ano? Nakita n'yo lang ang mga Kuya ko, natameme na kayo?"

Narinig ko ang pagtawa nina Third at Sixth. Nagkataon kasing nandito kami pare-pareho sa may sala. Tinatamad siguro silang umakyat sa mga kuwarto nila o baka binabantayan lang talaga ang mga kilos namin.

"Aakyat na ba muna kami?" nakangiting tanong ni Kuya Ysmael sa akin.

Umiling ako. Baka sabihin pa niyang pinalalayas ko sila.

"'de, akyat na lang pala kami." Binatukan niya sina Kuya Aux at Kuya Oval. "Hoy. Umakyat na muna tayo."

Tiningnan lang ako ni Fifth na para bang nagpapaalam sa akin. Ngumiti lang ako. Okay na rin pala sila ni Fourth. Mukhang maliit lang naman ang issue nila noong nasa loob kami ng sasakyan no'ng isang beses.

Si Second naman ay parang ayaw pang umalis sa kinauupuan niya. Hindi nga naman kasi siya makasisilay. Wala rin naman siyang nagawa kundi sumunod.

Si panganay at Sixth naman ay lumabas na muna sa may garden. Si Third ay pumunta sa kusina.

"O, puwede na kayong mag-ingay," sabi ko sa mga kaibigan ko. Nagtawanan sila at bumuntong-hininga.

"Shet, babae! Makapigil-hininga ang mga kapatid mo! Ano'ng feeling na kasama mo ang mga guwapong 'yon?" kinikilig na wika ni Laarni.

Nangunot ang noo ko. Ano bang dapat kong maramdaman?

Duh? Mga kapatid ko 'yon. Saka guwapo? Eew. Wala akong pakialam sa mga itsura ng mga iyon.

"Wala. Normal lang," simpleng tugon ko.

"Kung ako 'yon— betlog kong blue! Hindi ko talaga keri!" maarteng pagsabat ni Tonie. Natawa naman ako. Hindi niya talaga keri 'yon dahil pusong babae siya. Dinaig pa nga niya ako sa kalandian.

"Pero, Gretch," si Margie naman ang nagsalita. "May something na ba kayo ni Oval?"

Siya lang ang hindi tumatawag ng 'Kuya' kay Second. Isang taon lang naman daw ang agwat nito sa amin. Ako naman kasi'y nasanay na talagang tawagin 'yon ng Kuya. Respeto ko na lang doon.

Ngumiti lang si Gretch. Haliparot. Ang sarap kurutin sa singit. Tinaasan ko siya ng isang kilay. Ang tagal kasing sumagot.

"Hindi ko alam," simple nitong sagot.

Baka naman kasi paasa ang kapatid ko? Makausap nga 'yon mamaya.

"Eh bakit parang deadma naman sa 'yo kanina?" pang-iintriga ni Laarni.

Natatangi (A Stand-alone Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon