Kabanata 42

991 87 21
                                    

"Gusto mo?"

Napaangat ako ng tingin sa lalaking nasa harapan ng desk ko ngayon. May inaabot siyang chocolate sa akin habang ngumunguya-nguya pa.

Nagbigay na lang ako ng tipid na ngiti. Umagang-umaga, chocolate na agad? Ano 'to, breakfast niya?

"No, thanks," simple kong sagot.

Hindi naman sa pagiging rude pero ang awkward lang kasi ang daming nakatingin sa amin ngayon, lalo na 'yong mga nakakasama niyang lalaki rito sa office.

Pakiramdam ko binibigyan nila ng malisya ang pag-aalok sa akin ni Gian nitong chocolate.

"Hard. Wala pang tumatanggi sa mga inaalok ko," patawa-tawa niyang patutsada.

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Ngumisi pa.

So ano'ng gusto niyang palabasin? Sa ayaw ko ng chocolate ngayon, eh.

At ano ba kasing ginagawa niya rito sa puwesto ko? Office hours na kaya. Wala ba siyang mga importanteng gagawin? Ako nga trainee pa lang pero marami na akong ginagawa.

Bigla naman siyang tumawa nang mahina, "Binibiro lang naman kita. Umagang-umaga kasi ang seryoso mo masyado. Smile ka naman diyan."

"Nag-smile na ako kanina, ah?"

Hindi ba niya nakita iyon?

"Ngiti ka ulit. Mas maganda ka kapag ngumingiti." He clicked his tongue sabay kindat. Tumawa ulit siya pagkatapos. Tinitrip yata ako ng lalaking 'to.

Nang hindi ko na siya pinansin, umalis na rin siya sa harapan ko.

Hindi lang ako masyadong komportable sa ideyang lapit siya nang lapit sa akin.

Kinuha ko agad ang bag ko't sinilip ang screen ng aking cellphone.

Nakalimutan ko nga palang itext si Aux kanina. Nag-commute kasi ako papunta rito dahil mayroon daw siyang importanteng aasikasuhin kaya maaga siyang umalis ng bahay kanina.

Nag-offer naman siyang ipahatid ako kay Kuya Ed pero tinanggihan ko iyon.Kaya ko naman kasing pumasok nang hindi na kinakailangan ng driver.

Ibinigay na naman ni Fifth ang isa niyang kotse sa akin pero tinatamad akong magmaneho kaya hindi ko iyon dinadala.

Sa sobrang lala ng traffic congestion dito sa Pilipinas, sino ba naman ang gaganahang magmaneho? Dagdag stress ko lang iyon.

Binasa ko ang anim na messages galing kay Fifth. Huwag ko raw siyang pag-alalahanin lalo na kapag hindi kami magkasama.

Nag-send naman agad ako ng reply para hindi na siya mag-alala. Minsan kasi praning din ang isang 'yon.

Buong umaga nasa training room lang ako kasama sina Sir Terrence at Ma'am Ice, ang isa pang trainor ko.

Around 12:15P.M. na nga kami nakalabas kasi napasarap ang kuwentuhan namin sa loob. Oo, kuwentuhan talaga. Hindi kasi sila gaanong pormal mag-train. Para ngang ang tagal na nila akong kakilala.

"Girl. May nagpadala pala sa 'yo nito." Iniabot sa akin ni Trish ang isang brown paper bag. "Grabe. Ang guwapo pala ng jowa mo!"

Nanlaki ang mga mata ko. Parang kilig na kilig siya sa mga oras na ito.

"Teka, kanino ba galing 'to?" paniniguro ko. Baka kasi si Gian na naman ang tinutukoy niya, eh.

May ideya na naman ako kung sino ang nagpadala nito pero gusto ko lang siguraduhin.

Napalunok pa ako nang maraming beses dahil parang na-e-excite ang lalamunan ko sa mga oras na 'to.

"Iyong guwapong maputi tapos chinito. Naka-Audi. Nagyo-yosi kasi kami ng mga guys kanina sa labas tapos biglang may bumisina sa harapan namin. Akala nga namin client! Bongga! Tapos tinanong kung kilala ka nga namin tapos inabot nga iyan. Sabi ko ka-department kita. Then umalis din agad. Parang nagmamadali, eh. Oh, em, gee, girl! May kapatid ba iyong jowa mo? Ipakilala mo naman ako," tuloy-tuloy niyang pagkukuwento.

Natatangi (A Stand-alone Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon