Kabanata 14

1.4K 124 58
                                    

Tahimik lang ako habang pinakikiramdaman kung kakausapin ba ako ni Kuya Aux o hindi. Kanina pa kasi siya hindi umiimik habang nagmamaneho. Hindi ko nga alam kung saan kami pupunta dahil wala naman siyang sinasabi.

Nilakasan ko nang kaunti ang volume ng stereo niya dahil tumutugtog ngayon ang I Hate U, I Love U ni Gnash. Paborito ko kasi iyon kahit medyo luma na ang kanta.

Lumingon ako sa kaniya.

"Why?" tanong niya, tutok pa rin ang mga mata sa kalsada. Hindi ako umiimik kaya tumingin na siya sa akin. "Why are you smiling?"

"Wala lang. Mahilig ka pala sa ganitong music?" panunukso ko.

"No. I just—"

Kakamot-kamot siya ng ulo, parang natataranta sa tanong ko. Ako naman ay tuwang-tuwa dahil gusto ko lang naman siyang pagtripan para rin mawala 'yong awkwardness. Hindi pa rin kasi ako sanay na kaming dalawa lang ang magkasama sa magkakapatid.

"D-in-ownload ko lang lahat ng mga pinatutugtog mo sa bahay noon," pagpapalusot niya, halatang nagpipigl din siya ng ngiti.

"Okay lang. Favorite ko nga 'yan, eh."

"I know."

Napangiti naman ako roon. Observant naman pala 'to.

"Saan pala tayo pupunta?" Nagkaroon din ako ng lakas ng loob na magtanong. Mukhang okay na naman ang mood niya.

"Sa lugar na wala masyadong tao."

Nangunot ang noo ko. Ano'ng trip niya at doon pa niya ako dadalhin? Akala ko sa mall kami pupunta o kung saan mang masasayang lugar.

Bakit niya ako dadalhin sa lugar na wala masyadong tao?

"Saan 'yang lugar na 'yan? Huwag mong sabihing sa-salvage-in mo na ako?"

Alam kong waley ang joke ko. Halata naman sa ekspresiyon ng mukha niya. Wala kasi akong maisip sabihin.

"Kung saan-saan ka nila dinadala, eh. Maiba naman."

Okay? Gusto niyang maiba naman ng venue, ganoon?

"Basta umupo ka na lang diyan," pagpapatuloy pa niya.

Tumango-tango ako. Wala na rin naman akong choice.

Malapit na kami sa tollgate ng Calamba. Ngayon lang ako nagawa rito kaya hindi talaga ako pamilyar sa lugar.

🌼🌼🌼

Pagmulat ko, bumungad sa akin ang mapuno at maaliwalas na lugar. May malawak pang field na talaga namang nakakakalmang tingnan. Kinuskos ko pa ang kaliwang mata ko para mas luminaw ang view.

Kakaunting sasakyan lang ang mga nakaparada rito. May mga batang nagtatakbuhan, may mag-jowang nakaupo sa bench at may mga nag-ja-jogging pa.

Nilingon ko ang katabi kong kasalukuyang nakatingin din sa akin, "Nasaan tayo?"

Tipid siyang ngumiti, "Tulog ka kasi nang tulog. Nasa Los Baños tayo."

Actually, first time kong mapadpad dito kaya natuwa ako. Pinatay na niya ang makina ng sasakyan at binuksan ang pinto. Bumaba na rin ako para mag-unat-unat. Medyo nangawit kasi ako sa pagkakaupo.

"Bakit dito mo ako dinala, Kuya?" Nilabas ko ang cellphone ko mula sa bulsa ng dress ko para mag-selfie muna. Sobrang relaxing ang lugar na 'to. "Saka anong lugar 'to?"

"Hindi mo talaga alam 'tong lugar na 'to?" Umiling ako. "UPLB. Nasa Freedom park tayo."

Nag-form ng O shape ang bibig ko. Iginiya naman niya ako paupo sa pinakamalapit na bench.

Natatangi (A Stand-alone Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon