Kabanata 3

1.9K 154 57
                                    

Maaga akong sinundo ni Jigs sa bahay dahil final examination week namin ngayon. Kaunting tiis na lang, sembreak na kami. Matutuloy na siguro ang plano namin ng mga friends kong mag-Baguio. Dati pa kasi namin gustong pumunta roon kaso nagkasakit si Laarni, ang isa sa mga kaibigan ko sa university.

Palagi kaming umaalis at gumagala tuwing sembreak. Hindi kasi kami basta matitigil lang sa loob ng bahay. As much as possible, gusto namin 'yong mayroon kaming bonding time at bagong adventure.

"Bibi," paglalambing ko kay Jigs. Nakita ko na naman kasi 'yong haliparot naming kaklasesi Carla, na malagkit ang tingin sa kaniya ngayon.

Hindi ko alam kung bakit parang threatened ako sa babaeng iyon. Bukod kasi sa maganda, matalino rin 'yon at mayaman. Ang pinagkaiba nga lang- tahimik at simple lang ako, siya naman ay may pagka-bitchy at sentro lagi ng usapan.

Inakbayan ako ng boyfriend ko at mas inilapit ang katawan niya sa akin. Pakiramdam ko ipinapakita niya sa mga babaeng nandito sa roomlalong-lalo na kay Carlana akin lang siya.

Na walang ibang babaeng makalalapit sa kaniya.

Ganito naman talaga si Jigs. Every time nahahalata niyang nagseselos ako, inaaksyunan niya kaagad. Kaya nga hindi pa kami nagtatalo nito tungkol sa ibang babae. Masasabi kong faithful talaga ang boyfriend ko.

"Relax," pagpapakalma niya sa akin. Nakita niya kasing umiirap ako.

Naiirita kasi ako sa Carla na iyon. Walang may karapatang tumingin nang ganoon kay Jigs. Ako lang.

Sabay kaming umupo sa bandang dulo ng room. Nasa right side ko si Laarni, habang siya naman ay nasa left side ko. Hinihintay na lang namin ang professor namin.

Sana lang hindi ganoong kahirap ang exam ngayon. Nag-aral naman ako nang mabuti no'ng mga nakaraang araw. Ayaw ko kasing bumaba ang grades ko dahil iyon ang kondisyon na hiniling sa akin nina Papa at Kuya no'ng pinayagan nila akong mag-boyfriend.

Dapat wala akong low at failing grades.

"Good luck, babae!" sigaw ni Laarni kaya napalingon ako sa kaniya. Ilang beses akong tumango bago ngumiti.

Bigla namang hinablot ni Jigs ang kaliwang kamay ko at pinagsiklop ito sa kaniya. Napangiti ako dahil doon. Siya kasi 'yong tipong walang pakialam kahit may makakita sa mga ka-sweet-an niya.

Ako kasi, hindi masyadong showy. Mas gusto ko 'yong parang magkaibigan lang kami pero kapag kaming dalawa lang ang magkasama, sobrang clingy ko naman. Nasanay na rin siguro ako sa pagiging affectionate namin.

"Good luck, Babe," bulong niya. Kinikilig ako sa paraan ng pagkakatawag niya sa akin ng Babe. Madalas kasi Bibi ang endearment niya sa akin.

Pinasadahan ko ng tingin ang kaniyang buhok na medyo nagba-brown kapag natatamaan ng ilaw o sinag ng araw. Clean-cut lang iyon at natural ang bagsak.

Sunod na bumaba ang tingin ko sa kilay niyang sakto lang ang kapal, pababa sa ilong niyang matangos kumpara sa iba naming mga kaklase dito.

Ang mga labi niyang mas manipis pa kaysa akin pero talaga namang bumagay sa kaniya. Hindi man sobrang pula pero ang ganda pa rin sa paningin. Malambot pa.

Landi muna before mag-take ng exam, Haena?

"Good luck din." Na-delay pa ng mga ilang segundo bago ko nasabi 'yon. "I love you."

Sakto namang dumating ang professor namin kaya naghiwa-hiwalay na kami ng mga upuan. Nagsimula na rin kaming sagutan ang mga pahirap questions na inihanda para sa amin.

Good luck naman sa akin, 'no? Stock knowledge na lang ang paiiralin ko.

♡♡♡

"Babae! Samahan mo ako sa convenience store!" sigaw ni Laarni kahit nasa harapan lang naman niya ako.

Natatangi (A Stand-alone Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon