"Haena?"
Napalingon ako kay Papa habang nagkakape siya sa may dining room. Sumenyas siya sa akin kaya lumapit kaagad ako. Umupo rin ako sa katabing silya. Inalok niya pa ako ng kape pero tinanggihan ko iyon.
"Bakit po?" malambing kong pagkakatanong.
"Ang laki mo na. Dalagang-dalaga na ang unica hija ko." Napangiti ako. Sumandal ako sa kaniyang braso at tumingin lang sa may bintana. "Puwede bang magtanong si Papa sa iyo?"
Lumingon ako, bahagyang natatawa pa. Mukhang naglalambing ang tatay namin ngayon.
"Siyempre naman po. Ano po ba iyon?"
"Hindi ba ako nagkukulang sa 'yo? Naramdaman mo bang hindi pantay-pantay ang trato ko sa inyo ng mga kapatid mo? Hindi ka ba inaaway ng mga Kuya mo?" sunod-sunod niyang tanong.
"Naiintindihan ko naman ang nature ng work mo, Pa. Pantay-pantay din naman ang treatment mo sa aming lahat, although minsan napapansin ko, hindi mo masyadong kinakausap sina Kuya Axel, Kuya Aux at Kuya Pio. About doon sa kung inaaway nila ako—"
Huminga ako nang malalim bago ngumiti.
"Hindi po. Alam mo po, sobrang bait nga nila sa akin. 'Yong iba kong friends, naiinggit sa akin kasi 'yong mga kapatid nilang lalaki palagi silang inaaway at inaasar."
Humigop muna siya ng kape bago muling nagsalita, "How about your Kuya Aux?"
Nangunot ang aking noo, "What about him po?"
"Okay na ba kayo?"
Nag-aalangan man, sumagot na rin ako, "Yes po. Actually, hindi pa rin siya pala-salita at hindi pa rin kami super close pero at least, nag-a-approach na siya. Bumabawi na yata."
Ngumiti lang siya at tumango-tango.
"Ang seryoso natin, ah?" Napalingon kami sa nagsalita, si Kuya Pio pala. Tinapik niya si Papa sa may balikat tapos hinalikan naman ako sa tuktok ng ulo. "Ano'ng pinag-uusapan ninyo?"
"Kuya naman, eh. Ang tsismoso mo."
"Oo na. Heart to heart talk kayo riyan," natatawa niyang sambit.
Binuksan niya ang ref pagkatapos ay kumuha ng bote ng beer.
"Ikaw, Pa? Gusto mo?" Umiling lang si Papa at itinaas ang tasa ng kape. "Aakyat na ako. Good night, pipols!"
Nagkatinginan kami ng tatay ko, "Mukhang ang saya-saya talaga ni Kuya, 'no?"
"Ganiyan na talaga 'yan. Mabait naman kaso sobrang tamad. Hindi katulad ng iba mong mga kapatid. Dinaig pa nga ni Axel 'yon sa kasipagan."
Agree naman ako roon. Ni ayaw ngang magtrabaho.
Bahagya akong natawa, "Baka late bloomer lang po."
"Palagi ko na ngang pinagsasabihan iyon. Ayaw namang makinig. Ang tigas talaga ng ulo." Napangiti ako. Sunod kong naramdaman ang paghaplos niya sa buhok ko. "Anak, gusto kong intact kayong magkakapatid, ha? Lagi ko ngang sinasabihan ang mga Kuya mo na huwag kang pababayaan dahil ikaw lang ang kaisa-isang babae sa pamilya natin. Huwag kang mahihiyang magsabi sa akin kapag may ginawang kalokohan ang mga 'yon."
"Yes po. Thank you."
Niyakap ko siya at hinalikan naman niya ako sa noo. Napatayo kami ni Papa nang biglang nakarinig kami nang malakas na kalabog mula sa second floor.
Nauna siyang tumakbo paakyat. Sumunod naman ako.
Nakasalubong ko si Kuya Aux pababa ng hagdan. Pulang-pula ang kaniyang buong mukha, tila kagagaling lang sa isang rambol.
BINABASA MO ANG
Natatangi (A Stand-alone Novel)
RomanceInaasam ang iyong pagngiti. © 2022 isipatsalita.