Kabanata 15

1.3K 112 65
                                    

"Kilala mo si Tria?" tanong ko kay Second habang sabay kaming nagmemerienda rito sa may garden. Naiintriga kasi ako kung anong klaseng babae 'yong ex-girlfriend ni Kuya Aux.

Hindi ko kasi alam 'yong mga hilig at tipo niyang babae. Ang iba ko namang kapatid ay masyadong obvious pagdating sa mga gusto nila.

Si Second ay mahilig sa cute, petite at simpleng babae parang si Gretch. Si Third nama'y gusto 'yong tisay pero dapat Filipina and he has a thing for legs. Si Fourth naman gusto niya 'yong mukhang edukada at hindi maarte. Hindi kasi siya after sa katawan.

Si Sixth, no doubt, gusto no'n ng mga mukhang model at sexy na babae. Si Seventh naman, parang si Fourth din pero mahilig siya sa mga matatangkad. Gusto niya 'yong babaeng malapit sa height niya. Saka sa pagkakatanda ko'y mahilig siya sa babaeng bubbly ang personality.

See? Alam ko 'yong mga gusto ng iba kong mga Kuya bukod kay Fifth.

"Uh-huh. What about her?" Ginaya niya ang liit ng boses ko. "Ex ni Aux 'yong si Tria Jane Marlos. Bakit?"

"Bakit hindi niya dinala rito sa bahay? Ni hindi ko nga nakilala. Kayo ba nakilala n'yo iyon? Si Kuya Pio nakilala ko 'yong latest niyang jowa last month noong nagkita kami sa SM. Si Third pinakita 'yong picture ng type niyang babae pero hindi ako sure kung nililigawan na niya. Ikaw kay Gretch naman. Iyong kay Fifth, wala akong idea sa mga exes niya."

"Ewan ko. Hindi naman makuwento ang isang 'yon." Bigla siyang tumingin sa akin na para bang takang-taka. "Bakit ka biglang na-curious?"

"Natanong ko lang. Alam kong may problema siya. Nabanggit niya sa akin n'ong isang beses na magkasama kami 'yong about kay Tria nga. Tapos nasabi niya lang na magulo ang isip niya. May third party siguro? What do you think?"

Kumuha ako ng ilang pirasong chips na hawak niya. Nangunot ang noo niya.

"Nabanggit niya talaga sa 'yo 'yon?" Tumango ako. "Ano pa ang mga sinabi niya sa 'yo?"

"Iyon lang. Kaya nga tinatanong kita. May alam ka ba o nababalitaan? Did Kuya cheat on her?"

"Isinama na niya one time si Tria sa lakad ng magbabarkada. We were there, actually. May mutual friends kasi kami. Okay naman. Mahinhin, maganda rin, medyo singkitin." Ngumuya muna siya bago lumunok. "Kung nagloko ba si Aux? Siguro. Ewan ko rin."

Bigla ko tuloy gustong sakalin si Fifth sa mga narinig ko. Akala ko pa man din ay matino siya, pero manloloko rin pala. Parang naging allergic na ako sa mga ganitong bagay. "So may third party nga?"

Lumingon ako sa katabi ko at batid ko ang inis sa mukha niya, "Hindi naman niya minahal si Tria, eh."

Okay? Ano 'yon? Trip lang ni Fifth na magkaroon ng jowa? What's wrong with him? Kagaya rin ba siya ni Sixth? Nasanay na naman kami sa isang 'yon.

Kilala siyang ma-chics, pero si Fifth? Parang hindi ma-absorb ng utak ko.

"Ano 'yon? Fling lang, ganoon?"

Pekeng tumawa si Second at umiling-iling pa bago humarap sa akin, "Sabi sa 'yo, eh. Tanga 'yon. Tria's a good catch, pero tanga nga 'yong kapatid natin."

Ang dami ko tuloy tanong sa isipan.

Ayaw kong husgahan si Kuya Aux pero inaatake ako ng kuryosidad ngayon. Sabi ko nga, nahihiwagaan ako sa kaniya.

Matagal na kaming magkakasama rito sa bahay pero parang kaunti pa lang ang nalalaman ko tungkol sa kaniya.

"Bubwit"

Napalingon ulit ako sa kaniya. May sasabihin na sana siya nang biglang dumaan ang taong pinag-uusapan namin— si Fifth.

"Narinig ko 'yon, Oval," seryosong sambit niya habang kumukuha ng chips. Inagaw pa niya iyon mula sa kamay ni Second. Bumaling naman ang tingin niya sa akin. "Pero gago nga siguro ako."

Natatangi (A Stand-alone Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon