Sobrang nagke-crave ako ngayon sa frappe kaya naisipan ko na lang bumaba ng SM after work. Dumiretso ako sa Starbucks. Iyon lang kasi ang pinakamalapit na coffee shop mula sa bababaan ko.
Nakaka-stress din kasing magtrabaho. Ilang buwan pa lang ako sa automotive company na iyon pero pakiramdam ko ilang taon na agad ang lumipas.
Isa pa, nakaka-stress si Gian. Lagi niya kasi akong kinukulit at binabara.
Mabuti na lang talaga at good mood ako dahil kay Aux. And speaking of Aux, hindi niya ako nasundo dahil mayroon daw siyang meeting kasama ang dalawang kliyente.
Ayaw ko rin namang magpasundo kay Kuya Ed dahil hindi naman ako prinsesa para mabigyan ng special treatment. Saka na lang siguro, kapag talagang hindi ko na kering mag-commute.
Umorder ako ng Strawberry frappe at Blueberry cheesecake at hinintay ko muna iyon bago ako maghanap ng mapupuwestuhan.
"Uh, excuse me?"
Napalingon ako sa boses ng isang babae. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Ate Tria.
Ang ganda niya, promise. Bahagya siyang nakasuot ng makeup, nakabagsak ang kaniyang buhok na may kaunting curls sa dulo at nakasuot lang siya ng white shirt tapos itinerno niya iyon sa pink shorts.
Ang amo ng mukha niya at parang yayamanin talaga kahit simple lang ang suot niya.
"Ah, hello po." Kumaway pa ako.
"It's so nice to meet you again, Haena."
Hala. Tanda pa niya ang pangalan ko.
Sabagay, ex siya ni Fifth at alam nito ang istorya naming dalawa.
Ewan ko ba kung bakit hindi ako makaramdam nang matinding selos sa kaniya. O baka hindi ko lang ipinahahalata at inaamin?
Kapag tinitingnan ko kasi si Ate Tria, isa lang ang pumapasok sa isip ko-maganda. That's it.
"Are you with someone?" mahinhin niyang tanong. Kahit boses niya'y tunog mayaman talaga.
"No. Mag-isa lang ako. Kayo po?"
Mahina siyang natawa, "Oh, please. Huwag mo na ako i-po. Kasing edad lang ako ni Aux.
Napangiti ako. Pangalan pa lang ni Fifth, nagwawala na ang mga kung ano-ano sa tiyan ko.
"Actually, mag-isa lang din ako. Gusto mong mag-share na tayo sa table?"
Itinuro niya ang isang mesang may paper bag sa ibabaw. Marahil ay kaniya iyon. Nahihiya man, pumayag na lang ako kasi ang hirap makahanap ng vacant table ngayon.
Sumunod ako sa kaniya sa paglalakad. Grabe, kahit paglalakad niya ay ang ganda. Punong-puno ng class.
Umupo siya sa kabilang upuan at pumuwesto naman ako sa may harapan niya.
"Thank you," bulong ko.
"No biggie." Humigop muna siya sa kape niya bago tumingin sa akin. "How are you?"
Ngumiti ulit ako, "Ayos lang naman. Ganoon pa rin."
Hindi ko naman alam kung ano pa ang dapat kong sabihin. First time ko siyang ma-meet nang ganito at magkasama pa talaga kaming uminom ng kape at frappe.
Sumilay ang ngiti sa kaniyang labi, tila nanunukso. "Kayo ni Aux?"
Hindi ko alam kung bakit parang nahiya ako sa tanong niya. Iyon talaga ang una naming topic ngayon? Hindi ba puwedeng 'yong mga trabaho na lang muna namin pag-usapan namin o tungkol sa ibang mga bagay?
Humigop muna ako sa frappe ko, "Okay lang din naman."
"Ang lungkot ng eyes mo and I really want to hug you because I know what you're going through." She gave me an apologetic smile. "Do you want us to talk about it?"
BINABASA MO ANG
Natatangi (A Stand-alone Novel)
RomanceInaasam ang iyong pagngiti. © 2022 isipatsalita.