Amara P. O. V
"Bye daddy! I love you!"-Chaeron
"Bye my baby boy."sabay halik ni Marx sa noo ng anak ko at lumapit naman siya kay Chealsy at hinalikan din ito.
"Saan ka po pala pupunta?"
"May work lang si daddy babalik din ako agad." at niyakap niya ito ng mahigpit aba dapat lang kasi mawawala na kami mamaya. "Bantayan niyo to ng maigi baka tumakas." sabi niya sa bantay namin o sabihin na nating bantay ko.
Matagal ko na tong plinano na tumakas. Buti nalang at maagang umalis si Marx masasagawa ko ng maayos ang plano. Hindi ko na kaya ang laro na ginagawa nila Marx at Cloth sa mga wizard. Marami silang alas na ikinagulat ko. Gusto ko lang magkaroon ng magandang buhay ang mga anak ko.
Nagpalit ng anyo si Marx at tumakbo na ito. Agad ko namang pinapasok si Chaeron at Chealsy sa silid namin kung saan gumawa ako ng lagusan palabas sa isla. Oo inilipat ako ni Marx sa isang isla sinigurado niyang di ako makakatakas.
Gumawa muna ako ng gatas ni Chaeron at Chealsy para pag gutom hindi sila iiyak. Biglang bumukas ang pintuan at hindi naman ako nagulat kasi ginagawa nila ito parati pag umaalis si Marx.
"Bigyan niyo naman ako ng privacy hindi na ako makakatakas pa dahil nasa isla na tayo!"bulyaw ko kay Riyo tauhan ni Marx.
" Sinisigurado ko lang. "at isinara na niya ang pintuan.
Inilock ko na ang pintuan at isinuot ang baby carrier buti natutulog si Chealsy. Nagpatogtog ako ng napakalas na nursery rhymes at agad kong itinulak ang cabinet. Agad kong ipinasok si Chaeron sa ilalim nito at sumunod ako pero bago iyon ibinalik ko sa dating pwesto ang kabinet.
"Dahan-dahan anak baka madulas ka." gumawa kasi ako ng hagdanan may nadiskubri kasi akong underground dito ewan ko mukhang di alam ito ni Marx kakalipat lang kasi namin.
"Mommy saan tayo pupunta?" - Chaeron
"Shhh I will answer you pagnakalabas na tayo okay?"
Tinakbo na namin ni Chearon ang lagusan importante ang segundo sa akin baka pumasok ulit si Riyo sa silid at malaman na wala na kami doon. Nakakita na ako ng liwanag kaya malapit na kaming makaalis dito. Nandito na kami sa dulo ng kweba at nasa labas na ang lumang de motor na bangka. Agad kong hinubad ang baby carrier ko at itinaas ito lumusong na ako sa tubig.
"Halika Chaeron yakap ka sa leeg ko." sinunod naman ako ng anak ko at pinilit ko talagang makalangoy kasi sumasakit ang sugat ko dahil sa pananakit ni Marx nong nakaraang araw. Napapikit ako ng umiyak si Chealsy binilisan ko ang paglangoy gamit ang isang kamay dahil hawak ko si Chealsy sa kabila. Nababasa na ata siya.
Ng makarating kami sa bangka agad na umakyat si Chaeron at kinuha ang kapatid niya. Nakarinig ako ng pagputok ng baril mukhang alam na nila. Agad akong umakyat sa bangka at pinaandar ito buti naayos ko na to. Agad na umandar ito kaya nakahinga ako ng maluwag binigyan ko ng gatas si Chealsy.
Nakarinig ako ulit ng putok ng baril pero malayo-layo na kami. Hindi ko alam saan kami tutungo nito ang importante makaalis kami kay Marx.
*Bang!*
Napasigaw ako ng may tumama sa balikat ko. Paghawak ko may dugo na umaagos.
"Anak dapa!"
*Bang! *
Sh*t sniper gamit nila.
Agad kong pinabilisan ang bangka na gamit ko. Kumuha ako ng isa sa damit ni Chealsy at itinali sa sugat ko. Agad kong niyakap ang dalawa kong anak na puro basa ang damit. Sana makaligtas kaming tatlo.
BINABASA MO ANG
Carrying The Wizard Babies
FantasyIm a human. Im playful, childish-nakakapagod mag english pero joke lang best in English kaya ako. Pero I need to be careful sa tadhana na binibigay sa akin. My dream is ma buntis ng mga nilalang na alam natin na kathang-isip lamang. Kathang-isip...