Chapter 31: Miss me?

80 2 1
                                    

Rabela P. O. V

"Kuya naman eh! Dapat nag-iingat ka palagi. Buti nalang may natira pa ako sa healing potion." - Lena

"I'am Lena." seryosong sagot ni Glidge. Umuwi na kasi kami sa wizard Village mukhang mas ligtas pa dito kaysa doon sa resort.

Napapikit ako ng biglang sumakit puson ko baka magkakaron na ako this month. Napaupo ako ng mas sumakit ito. Hindi naman ganito kasakit yong dysmenorrhoea ko mukhang lumalala ngayon. Stress ata to.

Biglang naghilom at nawala ang mga sugat at pasa na tinamo ni Glidge. "Salamat Lena at gumawa ka pa ng marami niyan. Kailangan natin yan ngayon kasi mas lumakas ang mga lobo."

Buti nalang nasa akin na ulit ang kwintas at matutulungan ko sila. Pero dapat pag-aralan ang pag-gamit nito.

"Glidge? Gusto kong malaman kung paano gamitin itong kwintas para matulungan ko kayo."

"Tutulungan kitang pag-aralan kwintas mo pero hindi ka sasama sa mga labanan dahil ikaw ang target nila." sabi sa akin ni Glidge at sumang-ayon naman si Lena at si Kuya.

Pero hindi iyon maari dahil malaki ang utang nila sa akin. Dapat buhay sa buhay. Wala na akong pakialam kung mamatay man ako.

Inabot sa akin ni Lena ang pamangkin kung napakaganda mana sa tita. Pero bigla akong napapikit ng sumakit ulit ang puson ko.

"Okay ka lang?" - Lena

"Magkakaron ata ako."sagot ko.

" Dysmenorrhoea. "-Lena

" Oo ang sakit. "kinuha ni Lena sa akin ang bata.

"Pahinga ka muna at may pang hot compress ako don." at tinanguhan ko siya.

"Mauna ka na at susunod na ako. Ako na ang dadala sa hot compress mo." Hinalikan ako sa noo ni Glidge at umalis na ako. Pupunta ako sa bahay niya didto sa Wizard Village. Bumukas ito agad ng madetect ang fingerprint ko.

Patakbo akong umakyat sa kwarto niya at dumapa. Jusko ang sakit talaga para may hinihila sa ilalim.

GLIDGE P. O. V

"Kuya press mo lang to at bigla na itong iinit lapat mo lang sa puson ni Rabel-----

" Marami na pong patay sa kompanya niyo sir biglang dumating ang mga lobo at nandon pa sila hanggang ngayon. "sulpot ni Ben.

Mukhang mangyayari na ang nasa propesiya. Pinikit ko ang aking mga mata at sa pagdilat ko nasa kompanya na ako at hindi mo ito halos makilala dahil sa damage na ginawa nila. Agad akong humarap at binigyan ng suntok ang isang lobo na sumugod sa akin, napasuka siya ng dugo at  pinagsusuntok ko siya ulit hanggang sa wala ng buhay. Gumulong ako agad sa sahig at kinuha ang upuan at itinapon ito sa kalaban na papalapit sa akin at bigla siyang nag-anyong lobo.

"Dawa no mahika!" nagulat ako ng di tumalab kapangyarihan ko sa kanya bigla siyang ngumisi at sinugod ako. 

"Nakalimutan mo na ata na kakampi namin ang ama mo Glidge."

Kilala ko ang boses na yon.

"Nasaan nga pala ang future wife ko? tinago mo?"sabay halakhak niya.

"Cloth."bulong ko sabay kuyom ko sa kamao ko.

"Alam mo madali ka nalang patayin ngayon kasi hindi tumatalab kapangyarihan mo sa amin." Sinuntok niya ako ng napakalakas at bumangga ako sa pader. Pinikit ko ang aking mga mata at pilit na nilalabanan ang mahikang gamit nila laban sa amin mga wizard. Sumugod naman sakin si Marx at pinagsusuntok ako sa mukha. Naaaninag ko ang paligid namin na halos wizard ay sugatan o sabihin nating wala ng buhay dahil hindi namin magamit ang aming kapangyarihan. Sinipa ko si Marx at napaatras siya, may nararamdaman akong mata na nagmamasid sa galaw ko sa itaas.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 28, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Carrying The Wizard BabiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon