Rabela P. O. V
"RACE!!!! TULONG!"
Napatayo ng wala sa oras si Race at kahit nakapikit ang mata ay inilabas niya ang kanyang mga pangil na akala mo ay may kalaban na haharapin.
"Nasaan sila?! Nandito ba ang mga werewolf! Mga wizard!" giit niya.
Pinaikot ko ang mata ko at masamang nakatitig sa kanya.
"Hindi sila makakapunta dito sa loob kasi pinalilibotan na tayo ng mga kalahi mo."
Simula kasi nong nakaraang araw nalaman nila na buntis ako ay bantay sarado na kami. Ewan ko ba pati si kuya sobrang strikto na sakin pero spoiled ako sa pagkain ngayon. Kahit nasa isip ko pa ang gusto kong kainin ay nabibigay na nila agad.
Pati ang ama ni Race ay alagang-alaga ako. Pangalan ng anak ko ay handa na pati damit kahit 1 week pa lang ang tyan ko.
"Anong problema my wife? May masakit ba? Asan?"ngumuso ako agad at itinuro ang tyan ko.
"Ang likot ni Thunder ang sakit sumipa." Ningisihan lang ako ng lalaki at hinawakan niya ang tyan ko na parang anytime ay puputok na. "Ganito ba to Race? 1 week or 2 weeks ay manganganak na ako? Akala ko 9 months ko pa siyang dadalhin?"
Binigyan lang niya ako ng magaang halik sa noo at sa labi ko.
"Dont worry my wife nandito lang ako sa tabi mo."
Nagningning ang mga mata ko na tinitigan siya at agad naman nagsibaba ang luha ko.
"Here we go again my emotional wife."
Cloth P. O. V
"Hindi lang dapat tayo uupo lang dito at hintayin isilang ang sanggol!" sigaw ko sa konseho.
"Kamahalan dapat tanggapin natin ang nangyari."
Sa isang iglap nakalapit na ako sa kanya at hinawakan ko ang kwelyo niya ng nakapahigpit.
"Cloth! Stop it hindi yan nakakatulong." bulyaw ni Ajena
Agad ko siyang binitawan at napahawak siya sa leeg niya habang hinihingal.
"Hindi niyo alam kung anong pinagdaanan ko para mapalapit lang sa babaeng itinakda. Ginawa ko ang lahat pero masyadong mabilis ang wizard at nagulo nila ang mga plano ko." asik ko sa kanila.
"Isa lang ang dapat gawin natin kamahalan." napatitig ako sa nagsalita.
"Ano?!"
"Baguhin ang propesiya."
Napangiti ako sa sinabi ng isa sa mga konseho. Hindi pa huli ang lahat Rabela makukuha din kita.
"Susugod tayo sa lalong madaling panahon."
"Pero Cloth buntis na si Rabela kung makukuha mo siya so ibig sabihin nandito din sa atin ang sanggol." saad ni Ajena
"Mamatay ang sanggol na nasa sinapupunan niya Ajena tandaan mo yan. Ako mismo ang papatay madali lang yan pag dinaan sa dahas." sabay ngiti ko sa kanya
"Madaming nakitil na buhay ng mga lobo nong sinugod natin ang kasal nila. Alam mo yan Cloth!" - Ajena
Tinalikuran ko na sila at naglakad paalis. Konting panahon nalang Rabela makakasama na kita kung ayaw ka ibigay sakin ng kampon ni Race madali lang naman silang patayin.
Sumakay ako agad sa kotse at pinaandar ito. I cant imagine myself na hindi si Rabela ang babaeng pakakasalan ko. Masyadong matalino lang ang mga bampira nong idinaraos ang kasal ni Rabela at Race. Pinaghandaan nila ang pagsugod namin.
Madali lang paramihin ang mga lobo pwede kaming kumuha ng mga tao at salinan ng dugo namin.
Pero si Rabela ay iisa lamang. Siya ang itinakda.
Glidge P. O. V
"Mukhang mangyayari na ang nasa propesiya."
Hindi ko na nilingon kung sino ang nagsalita kasi kilala ko ang boses na iyon.
"Nanalo na ang mga bampira. "
Agad kong kong hinarap si Mamila habang hawak ang wine glass na wala ng laman.
"Umiinom ka na naman?" ningitian ko siya at binuksan ang wine. "Apo wag kang magpaka stress ginawa natin ang lahat! Sinubukan ko."
Hindi ko naman sinisisi ang sarili ko o kahit si Mamila. Isa lang naman ang sinisisi ko kung bakit nangyayari ang lahat ng ito kung bakit biglang nabura at nabago ang nasa propesiya.
Ito ay dahil kay Jera.
Kung di nila sinugod si Rabela hindi mangyayari ang lahat ng ito. Nababago kasi ang propesiya pag may isang tao na subuking baguhin ang nakatakda at nabago nga niya.
Tumayo na si Mamila at aakmang lalabas na. "Feeling ko sobrang sisi na ni Jera at Freaky sa ginawa nila." napangiti ako sa sinabi niya at tuluyan ng umalis si Mamila.
I know. Dapat maghirap sila. Dapat silang magtiis dahil desisyon nila na gawin iyon at dahil sa kanila hindi napa sa akin si Rabela.
Naikuyom ko ang mga kamay ko. Kung alam ko lang na si Rabela ang nakatakda sa akin sana ginawa ko na ang dapat gawin. May mga pagkakataon na nagtatagpo kami pero di ko inaasahan na siya ang babaeng nakatakda sa akin na ngayon ay napunta na sa ibang lahi.Tinungga ko ulit ang nasa baso ko. Malapit ng isilang ang isang napakalakas na bampira na anak ko sana ang nasa sinapupunan niya ngayon. Ibinulsa ko ang kamay ko at lumapit sa salamin na kung saan nakikita ang mga gusali na nasa labas. Nandito kasi ako sa Kompanya ko.
Kailangan di namin kasing mabuhay na parang tao. Dahil maliit lang ang populasyon namin at kung malaman ng mga tao na buhay ang mga katulad namin baka matagal na kaming patay.
"Apo!"
"Anak!"
"Bro!"
Napapitlag ako ng biglang nagsirating sila dito sa opisina ko na hindi ginamit ang pinto kundi ang kapangyarihan nila. Hinarap ko sila na walang emosyon sa mukha.
"Nabago na naman ang propesiya!"
Napatitig ako sa kanila at kita ko sa mukha nila ang pagkabahala at pag alala.
"Dadanak ang dugo ng bampira at mga lobo." saad ni mamila
Mukhang may binabalak ang lobo sa mga bampira. Hindi pa nila tanggap ang pagkatalo nila.
"Di ba tayo sasali or makigulo man lang?" tanong ni Jeyrick
"Why we should?" tanong ko.
"Jeyrick ihanda ang mga wireless na wizard at ang iba pa." sabi ng aking ina.
"Why?" I asked again.
"Babagohin natin ang propesiya." sagot ng aking ina.
"Bakit pa? Hindi naman tayo kasali sa gulo baka marami pang mamatay na kalahi natin." giit ko.
"Rabela will die ayon sa propesiya."
BINABASA MO ANG
Carrying The Wizard Babies
FantasyIm a human. Im playful, childish-nakakapagod mag english pero joke lang best in English kaya ako. Pero I need to be careful sa tadhana na binibigay sa akin. My dream is ma buntis ng mga nilalang na alam natin na kathang-isip lamang. Kathang-isip...