PROLOGUE

589 7 0
                                    


Life is so mysterious that it works in a very mysterious and chaotic way that you least expected. Magulo at misteryoso ang buhay sa totoo lang. Many adults say that they already figured it all out and that's bullshit. Kailanman ni isa sa mga tao walang nakahula kung ano ang susunod sa buhay nila o kung anong sitwasyon meron siya dahil palaging mo iyong malalaman sa huli. Kung saan doon mo makikilala ang pagsisisi. 

Pagsisisi sa mga bagay na dapat mong ginawa o ang mga salitang sana nasabi sa mga pagkakataong iyon. Ang pagsisisi na babaunin mo habang buhay dahil kailanman hindi na iyon babalik pa at sometimes hindi lang ang pagkakataon ang bumabalik, maging ang mga tao rin. And you have no other choice but to live with it for the rest of your life. You may forget everything and leave everything in the past but regrets will stay forever.

Iyon ang bagay na kinakatakutan ko. I already had a fair share of regrets and it cost me everything to learn that no matter how hard it is, you have to try and don't lose hope for something and someone that you love. I've hurt so many people I love in the process and learned life in a very hard way. Then I met him in the darkest moments of my life. Ang alam ko lnag mga panahon na iyon is that our love is ferocious and scorching that burned us in the end. I really don't know how it started or how the whole thing ended. But I'm sure what we had was something different that both of us will never forget for the rest of our lives.

But still, kahit sa dami ng pinagdaanan ko, I still don't figure the shit out of my life. But one thing is for sure, I figured out how to be brave and happy even in the darkest moments of my life. And that's how I live every day of my life.

And everything started on that one peaceful afternoon.

***

Naglalakad ako pauwi nang bahay nang makita ko ang isang sugatang ibon. Dumudugo ang sugat niya sa kanyang pakpak at mukhang malabo nang makalipad sa himpapawid. Kinuha ko ang pobreng ibon at inilatag sa aking kandungan para tulungan. Pinunit ko ang dulong bahagi nang aking saya at ibinalot sa sugatang ibon.

Habang ginagamot, ang masarap ng simoy ng panghapong hangin ang humalik sa aking pisngi at isinasayaw nito ang aking mataas na buhok na may headband na tela. Napuno din ang mga mata ko ng mga berdeng mga dahon at puno, dilaw na sinag ng araw, at asul na kalangitan.

Sa dalawang dekada kong buhay, halos saulo ko na ang mga nakikita ko ngayon. Ang mga nagtatasang puno, sa mga ligaw na mga hayop at mga pasikot sikot sa bayang ito na binabalot ng katahimikan at kagandahan. Ito na marahil ang kinaiingitan ng mga taong naninirahan sa syudad dahil tahimik dito kumpara sa masalimoot na syudad.

Pero sa hindi ko mawari, hindi ko mahanap ang kaligayahan at katahimikan sa lugar na ito. Parang sa bawat tingin ko sa perpekto at magandang bayang ito hindi ko mahanap ang puwang sa aking pagkatao.

Parang may kulang pa din, kahit may perpekto naman akong pamilya, nakakain ako ng tatlong beses sa isang araw, nakakapag-aral ako sa magandang eskwelahan, at meron ako ng mga materyal na bagay na gusto ko kahit hindi naman kami mayaman.

Sa katunayan pa nga, dapat makontento at ma kompleto na ako. Pero kahit anong kombinse ko sa sarili ko, umuusbong parin sa buong pagkatao ko ang kulang.

Ang kulang na kahit anong bagay hindi magawang kompletuhin maging nga pagmamahal ng mga magulang ko

Iyong feeling na may malaking butas sa dibdib mo. Napakagaan at tila walang pakiramdam. It feels like I wanted something more for my life and I can't determine the missing part.

Sa katunayan parang nasakin na ang lahat, perpektong magulang, magandang at maayos na bahay, mga pagkain at iba. 

Pero ang isang bagay na wala ako ay ang kalayaan na piliin ang gusto ko.

The Lost Wings of Andra (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon