CHAPTER 24

103 2 0
                                    


I was sleeping peacefully when I felt a heavy and intense glare from someone.

"Hey" bati niya sabay halik sa labi ko.

Napakagat ako ng labi nang humiwalay siya sa akin. Nakatagilid siya sa akin habang nakaunan ang kanyang ulo sa kanyang braso habang ako naman ay nakadapa sa kama at nakatangin sa kanya ang namumungay kong mga mata.

"You're early" inaantok kong sabi

"I did not sleep"

"Why?" gulat kong sabi

He chuckled because of my reaction. He extended his hand to me to fix my furrowed forehead.

Why didn't he sleep? All along nakatingin lang siya sa akin simula nung matapos kami?

Wait anong oras naba?

"It's still eight in the morning love. Matulog kapa, maghahanda lang ako ng almusal natin." sabi niya na parang nababasa niya ang utak ko.

Inaantok akong tumango sa kanya nang malaman ko ang oras. Halos apat na oras lang ang naitulog ko dahil kanina pa lang kaming madaling araw natapos. Parang kain at ihi lang ang pahinga namin dahil sa walang sawang pangangalabit sa akin ni Greg at ako naman si marupok, ang daling bumigay.

Isang kalabit lang, wala na.

Ipinikit ko ang mata ko at bigyan ang sarili ng maiksing idlip. Pero ang idlip ko ay umabot hanggang sa ala una ng hapon. Pungas pungas akong bumangon at iginalaw ang mga buto ko. Masyadong maganda ang araw ko ngayon kahit hapon na akong gumigsing at medyo masakit ang katawan ko.

I feel so alive again and refreshed.

Ganito ba talaga ng feeling pag nadiligan ulit? Nakakaganang bumangon sa araw araw?

Napailing nalang ako sa iniisp ko at ngiti-ngiting tumungo sa banyo para maglinis ng katawan. Matapos ay tumungo na ako sa kusina at nakita ko ang note sa may dining table.

I prepared a brunch love. Eat it and wait for me on the shore

-G

Napangiti ako nang makita ko ang note at isang bulaklak ng santan sa tabi nito. Parang kinuha lang niya ito sa isla dahil sa hindi maayos nitong pagkuha. 

Hindi mamahalin pero simple kaya naman parang bumalik muli sa akin ang mga paru-parung nagliliparan sa tiyan ko.

Masaya akong kumakain ng pagkaing inihanda ni Greg at hindi ko papigilang matawa dahil nag effort talaga siyang lutuan ako bagay na huli kong naranasan noong gabi bago nangyari ang lahat. 

Kaya ang ngiti ko ay napalitan ng pait.

Gusto ko nang kalimutan ang lahat ng nangyari sa nakaraan. Gusto kong ibaon lahat pero nagtatalo ang isip ko sa gagawin ko dahil kung ibabaon ko lang iyon. Para ko naring ibinaon lahat ng mga natutunan ko dahil sa nangyari noon. Bagay na hindi ko dapat gawin dahil iyon nag humubog sa akin para maging matatag na harapin ang buhay.

Mula sa di kalayuan kita ko ang paparating na bangka sakay ang lalaking kanina ko pa iniisip. Kumakaway siya sa akin habang nasa kabila niyang kamay ang nahuling isda.

Kailan pa siya natutong mangisda? At ang gwapo naman niyang mangingisda.

Dumaong na ang bangka sa dalampasigan at bumaba na siya kaya naman sinalubong ko siya ng yakap. Gaya ng inaasahan ko, amoy isda siya pero okay lang mahal ko parin siya kahit anong amoy niya.

"Mabaho??" natatawa niyang tanong sa akin.

Natatawa akong tumango sa kanya pero hindi parin humihiwalay sa kanya. Nagpunta sa bewang ko ang kamay niya at ipinulupot sa bewang ko habang papunta kami sa bahay.

The Lost Wings of Andra (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon