Dumaan ang ilang minutong katahimikan sa pagitan naming dalawa. Tanging ang hampas ng alon sa dalampasigan at ang pagasasayawan ng mga puno ang pumuna sa katahimikan namin.
Naluluha akong napatingin sa kanya habang mariin naman ang kanyang tingin sa akin. Hindi ko malaman kung ano nag nasa isip niya ngayon.
Gusto kong linawin sa kanya ang lahat ng nararamdaman ko. Gusto kong sabihin sa kanya lahat ng gusto kong sabihin. Gusto kong sabihin sa kanya ang nangyari sa akin matapos ang gabing iyon. Gusto ko ding sabihin na nagsisinungaling ako tungkol kay Seven.
"I lied when I told you that I don't love you anymore. I was scared and hurt when you came back. When I saw you in the park, parang bumalik sa akin lahat ng sakit na pinaranas mo sa akin. Ang sakit nong makita kita sa labas ng kotse habang kinukuha mo ang bag na puno ng pera kapalit sa akin." tumulo na ang luha kong kanina ko pa pinipigilan.
Nagsimula narin nag humikbi habang binabalikan ko ang eksenang iyon matapos ang ilang mga taon.
Kinain niya ang distansya sa pagitan naming dalawa at agad akong dinaluhan.
"Shhh. I'm sorry." he hushed and hugged me
Humiwalay ako sa yakap niya at pinahid ang mga luhang malayang tumutulo sa pisngi ko.
"Ang sakit kasi Greg. Para kasi akong laruan lang na matapos magbigay ligaya sa iyo at basta basta mo nalang ibebenta ng ganun-ganun lang. Parang wala akong halaga sa'yo. Parang walang halaga ang pinagsamahan natin. Minahal kita ng buo, hindi kita iniwan kahit maraming nagsasabi na dapat kitang iwanan. Kaya nung bumalik ka at sinabi mong mahal mo pa ako. Hindi agad ako naniwala kasi bakit naman ako maniniwala sa taong binenta ako ng harap harapan sa kung kani-kaninong lalaki? Hindi mo ako masisi kung galit ako sa'yo. Nanghihinayang ako dahil kung mahal mo ako bakit hindi mo ako hinanap? Bakit umabot ng ilang taon bago tayo magkita?" naiiyak kong sabi sa kanya.
Nangingislap ang mata niyang nakatitig sa akin at mariing kinagat nag labi bago huminga ng malalim. Kita ko ang pagsisisi, lungkot at takot sa mga mata niya.
"I was in jail for 6 years," he said.
Para akong nabingi dahil sa sinabi niya sa akin. Did he get in trouble again? Bakit siya nakulong?
"Nakulong ako hindi dahil may ginawa na naman akong kabulastugan. Well, sa dami ng mga iyon, I deserve to be there. I turned myself in as soon as I come in my senses. I was guilty for hurting you, for selling you kaya pinakulong ko ang sarili ko. Para naman sa ganun mabawasan ko ang kasalanan ko sayo. I tried to find you pero wala na kayo dito sa bansa, nalaman ko nalang sa mga tauhan ni Alvin na nangibang bansa na kayo. Believe me when I say I almost got crazy when I couldn't find you. Everyday I always think of you, how you do, are you alright? Iyon ang mga tanong na bumabalik sa utak ko habang iniisip kita. Nagpakulong ako nong hindi na kita mahanap. I was a complete mess that time. I got rehabed too dahil sa sobra kong pagkalulong sa droga matapos kong manatili sa selda" he stated vulnerably.
Napatingin ako sa mukha niya na puno ng pagsisisi at kalungkutan. I can finally glimpse his own world.
I can feel him opening up with me, bagay na hindi niya binigay sa akin noon.
"When my family knew about my situation. They helped me to put myself together. Ilang beses nila akong kombensehen na 'wag magpakulong pero pinilit ko. Anim na taon akong namuhay sa ilalim ng rehas ng kulungan at rehabilitation, iniisip ka sa araw araw. Tapos sa sumunod na taon namuhay ako ng mapayapa at inayos ko ang sarili ko. Sabi ko aayusin ko muna ang sarili ko para sayo kasi gusto ko buo na ako at maayos kapag kaharap na kita. I changed myself for you because I know you deserve better. You don't deserve the asshole Greg you met in the storage room. You deserve more. And I have to be deserving para sa pagmamahal mo. I am the sole responsible to fight for my demons and to be the better version of myself. And I'm really sorry kung nagkita tayo sa pinakamalungkot at pinakamadilim na yugto ng buhay ko. I'm sorry I hurt you, Andra" Naluluha niyang kwento sa akin.
BINABASA MO ANG
The Lost Wings of Andra (COMPLETED)
RomanceAll the heartbreaks, betrayal, and mistakes How far can a woman go? This is the story of a woman who defy the odds, break traditions, and made a lot of mistakes but every time she falls, she flies higher.