Hindi ako sumagot sa tanong niya bagkus tiningnan ko lang siya at hindi nagsalita dahil sa loob ng ilang taong lumipas ngayon ko ulit siya nakita. Para akong maiiyak na ewan, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko pero ang alam ko lang sa ngayon ay gusto ko nang umalis dito at umuwi.
"Sir,are you okay?" tanong ng isnag lalaking naka suit at naka shades sa kanya
"I'm fine Zandro" sagot niya sa lalaki pero nasa akin parin ang tingin
Agad akong nag-umiwas tingin dahil sa intensidad ng mga abo niyang mata. Ilang segundo lang matapos ang nangyari agad nagsipulasan ang mga tao at pumalit na ang mga naglalakihang mga lalaking naka suit at pinalibutan kami.
Bumalik ang atensiyon ko sa kanya na nakikinig parin sa lalaking nasa likod niya pero nasa akin parin ang mga mata at atensyon niya. Hinintay kong matapos ang pag-uusap nila para makapag-pasalamat at maka-alis narin dahil para akong nasasakal kahit nasa open space kami na lugar.
Nasasakal ako sa presensya niya at para akong napa-praning pero pinatili kong walang emosyon ang mukha at mata ko para hindi niya mahalata na may epekto parin siya sa akin matapos ang ilang taong nakalipas.
Ayaw ko ring umalis basta basta at hindi magpasalamat dahil nasa tabi ko si Seven. Ayokong makita niya iyon at gayahin dahil lang nakita niya iyon sa akin.
Nang matapos ang kanilang pag-uusap, humakbang ako ng isang beses saktong layo mula sa kanya at nagbigay ng pasasalamat. Kinuha ko rin ang bag ko para kumuha ng pera para ibigay sa kanya bilang psasalamat.
"Maraming salamat sa pagtulong sa akin at sana tanggapin mo ang perang ito bilang pasasalamat" pormal kong sabi bago ko i-abot ang perang nasa kamay ko.
Nagulat bahagya ang lalaking nasa likuran niya na si Zandro dahil sa ginawa ko. Samantala ang lalaking nasa harap ko naman ay sinulyapan lang ang perang nasa kamay kong nasa ere at tumawa na parang nainsulto sa ginawa ko.
"Keep that, love. I have tons of it" he said smirking
Sa pagkakataong ito ako naman ang tumawa at mahinhing ibinulsa nalang ang pera.
"Oo nga pala, marami ka palang ganito. Sorry at nakalimutan ko" sarkastiko kong ngisi sa kanya.
Dahil sa sinabi ko nawala ang ngisi niya at napalitan ng pagsisisi.
I saw different emotions in his eyes. Longing? Sympathy? Feeling sorry? Ewan! Hindi ko alam kong ano ang nasa isip niya ngayon pero sana naisip niya ang nasa isip ko ngayon. Kasi kung nakalimutan niya iyon, pwes ako hindi.
"Love" akma siyang humakbang papunta sa akin nang iniharang ko ang kamay ko
"My name is not Love. My name is Cassandra Fernandez, sir. If you'll excuse us, mauuna na kami ng anak ko" pilit kong ngiti sa kanya at sa mga bodyguards niya
Binitawan ko sandali si Seven at niligpit ang mga gamit namin sa damuhan para umalis. When I'm done, I saw him talking to Seven habang si Seven naman ay nakayuko at wala sa kaharap ang atensyon. He hold my son to get his attention when Seven refused and throw a tantrum. Agad akong lumapit at kinuha si Seven.
"Bitawan mo ang anak ko, Greg!" banta ko sa kanya
"Why? I did nothing wrong, I'm just trying to get his attention"Nasa mukha niya ang pagtataka.
"Then stop trying, you'll just scare him," I said and walked away from them
Bitbit nag basket sa kabilang kamay habang sa ibang kamay ko ay kinarga ko si Seven nagmartsa na ako paalis sa lugar na iyon. Walang imik ang anak ko hanggag sa pagbalik namin sa kotse. Matapos kong ilagay sa backset ang dala namin, umikot na ako para umupo sa driver's seat.
BINABASA MO ANG
The Lost Wings of Andra (COMPLETED)
RomanceAll the heartbreaks, betrayal, and mistakes How far can a woman go? This is the story of a woman who defy the odds, break traditions, and made a lot of mistakes but every time she falls, she flies higher.