CHAPTER 22

110 2 0
                                    


Malakas ang kabog ng dibdib ko habang sakay ng kotse ni Zandro papunta kay Greg. Nang malaman ko ang nangyari sa kanya hindi na nako nagdalawang isip na sumama sa kanya. 

Wala na akong pakialam sa pangako ko noon na hindi ko na gustong makita si Greg. Pero nong sinabi iyon ni Zandro ang tungkol sa pagkakabaril niya, parang natunaw lahat yon at biglang nawala.

"Malapit naba tayo Zandro?" kinakabahan kong tanong sa kanya.

"We'll be there in 30 minutes" tanging sagot niya habang minamaniobra ang sasakyan papunta sa isang port.

"Bakit tayo papunta ng port?" tanong ko sa kanya at bahagyang nilingon.

"You'll see" iyon lang ang sabi niya.

Ilang minuto lang ay nasa harap ko na ang isang malaki at mamahaling Yati na nakita ko sa buong buhay ko. Iginiya ako ni Zandro at hindi ko maiwasang mamangha dahil sa ganda at pagka-elegante nito.

Pero hindi ang mamangha ang pakay ko. Totoo ang sinabi ni Zandro na iilang minuto lang ang ilalakbay namin bago kami makarating. Mataas ang sikat ng liwanag ng buwan kaya kita ko ng bahagya ang kabuon ng isla.

Nakarating ako sa isang maliit na isla at kita sa kalayuan ang isang dalawang palapag na bahay na gawa sa purong kahoy. Madilim ang buong kabahayan at parang isang bahay sa horror movies na napapanood ko. Ang malamig na simoy ng hangin ay humahampas sa katawan na nagbibigay ng lamig at kilabot.

Nagmadali akong nagpunta sa loob ng bahay para hanapin ang pakay ko. Wala siya sa sala o first floor kaya naman umakyat ako sa taas baka sakaling makita ko siya. At hindi ako nagkamali. Ang malapad niyang likod ang kumuha ng atensyon habang nakadapang natutulog sa malaking kama at sinasabuyan ng munting ilaw ng buwan.

Dahan dahan akong lumapit sa kanya para hindi ko siya madisturbo. Sa paglapit ko, narinig ko ang munti niyang ungol na tila nasasaktan. Umupo ako sa tabi niya at kita ko ang sugat na binindahan sa kanyang balikat. Ang akala kong makinis at flawless na likod niya ay nabalutan ng pasa at mga sugat.

Where did he get this?

Inin-angat ko ang tingin at nagtatanong ang mga mata kay Zandro na kanina pa naka masid. Nag-iwas siya ng tingin at mukhang walang planong magsalita. 

Nang wala akong mapala sa kanya. Ibinalik ko ang mata sa likod ni Greg. Ang benda niya ay napupuno na ng dugo at kailangan nang palitan kaya dahan dahan kong hinawakan ito.

Napa-igtad ako nang gumalaw siya dahil sa haplos ko. As much as possible ayoko siyang nadidsturbo kaso parang imposible naman ata non. Base sa nakita ko mukhang fresh pa ang sugat niya. Hinaplos ko ang likod nang ulo niya at napagtanto ko na nilalagnat na siya.

Kaya wala akong sinayang na oras at pumunta sa banyo para kumuha ng pinggan at tuwalya. Binuksan ko ang ilaw at ganun nalang ang gulat ko nang makita ko ang mga bandage na nagkalat sa sahig at mga dugo. Magmula sa sink hanggang sa dingding ng banyo. Nagmumukhang may pinatay dito dahil sa ayos ng banyo.

"He was shot two days ago at ayaw niyang magpa-ospital at pumunta agad dito. I tried to convice him but he was so stubborn. Kaya humingi na ako ng tulong sa'yo. Don't ask me how he get that. Siya nalang ang kausapin mo pagka gising niya. By the way, natanggal na ang bala sa balikat kaya 'wag ka nang mag-alala" sabi niya Zandro na nasa likod ko at nagmamasid.

Hindi na ako nagtanong pa at kumilos nalang. Walang patutunguhan kong uusisain o pigain ko pa siya para magsalita dahil alam kong nasa amo niya ang loyalty niya.

Dinampian ko ng maligamgam na tubig nag likod ni Greg gamit ang isang tuwalyang ibinigay sa akin ni Zandro. He assisted me throughout the night and helped me to dress Greg's wounds dahil hindi ko kaya ang katawan niya. Maingat kong ginamot ang mga sugat ni Greg kahit umuungol siya at napapa-igtad sa sakit. Pero sa awa ng Diyos hindi siya gumising.

The Lost Wings of Andra (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon