Masaya ang araw para sa aming lahat. Lalong-lalo na para kay Seven. He enjoyed the whole day playing and spending time with his Dad. Kahit hindi niya pa alam ang totoo, pakiramdam ko, unti-unti na niyang napapansin base sa mga galaw namin kanina.
Seven is a really smart kid. And I'm proud as his mother.
Siguro namana niya kay Greg, hindi naman ako masyadong matalino katulad ng ama niya. Siguro ang nakuha lang niya sa akin ay ang pagkatahimik nito at pagka-observant sa lahat ng nangyayari sa paligid niya.
Malakas din ang pakiramdam niya sa mga bagay na hindi sinasabi sa kanya. Gaya ngayon, he didn't confront me or asked me about Greg but I know that he already knew, naghihintay lang siya na sabihin ko sa kanya.
It's almost 6 in the evening at nakakarga na si Seven sa kanyang Ama at tahimik na. Napagod siguro sa kakalaro kanina.
Ngayon palabas na kami para maka-uwi na at makapaghapunan. We decided that we will have our dinner in my condo. He offered that he will cook for us, kaya naman umo-oo kaagad ako.
I don't know. I just love watching him cook something for us. I find him cute and sexy at the same time.
Karga ni Greg si Seven habang palabas kami at nauna na niyang isinakay si Seven sa backset at akmang papasok na ako sa passenger seat nang may naramdaman akong masakit na bagay na tumarak sa leeg ko.
I was easily doze off and my body went numb and weakened. Tanging huli ko nalang naramdaman ay ang pag hila sa akin palayo sa sasakyan ni Greg at narinig ko ang munting sigaw niya na tinatawag ang pangalan ko atilang putok ng baril.
NAGISING ako sa isang abandonadong kwarto nang nakagapos ang aking mga kamay at paa. May nakabusal din na tela sa aking bibig kaya hindi ako makasigaw para humingi ng tulong.
Malamig at madumi ang silid ng kinalalagyan ko ngayon. Nagsimula nang gumapang ang takot sa sistema ko at gusto nang tumulo ang luha ko pero pinigilan ko ang sarili dahil kailangan ko pang maka-isip ng paraan para makatakas ako ng buhay dito.
Kailangan pa ako ng anak ko.
Kailangan pa ako ni Seven.
Malakas na bumukas ang pintuan at iniluwa non ang isang lalaking naka maskara ng clown. Kilabot na nakangiti sa akin ang maskara nanagpadagdag sa akin ng takot. Base sa katawan ng nasa harap ko, isa itong lalaki. Nakasuot ng isang pulang amerikana at maskara para tabunan ang mukha nito.
"How's our princess here? You awake?" masaya nitong bungad
Hindi ako kumibo sa tanong niya. Matalim ko lang siyang tiningnan at inobserbahan ang kinikilos niya.
Sino ba'to? Why did he kidnap me?
"Care to speak to me, your highness?" sarkastiko nitong tanong
Tanga ba siya? Paano ako makapagsalita kung may nakabusal na tela sa bibig ko. Pero kahit makuha man ito hindi parin ako magsasalita sa kanya.
"Oh, my bad" tumawa ang hombre.
Siguro na-realize niya na hindi ako makapagsalita dahil nakabusal ang bibig ko. Tumayo ang hombre at malakas na sumigaw sa mga tauhan niya sa labas.
"Sinong tangang nagbusal sa bibig ng putanginang prinsesa na ito? Hindi na tuloy siya makapagsalita dahil sa putanginang busal na'yan! Ha?Do you want me to busal you all?" galit nagalit nitong sigaw sa mga tauhan niya.
Nagkukumahog naman ang mga tauhan niya para daluhan ako at kinuha ang telang nakabusal sa bibig ko.
Nakaramdam ako ng ginhawa ng panandalian.
Pero bago pa makalabas ang tauhan niya sa silid. Nguso ng baril ang naka-abang dito at pinaputukan ang ulo nito. Tumalsik ang dugo sa mukha ko at nagkalat sa loob ng silid.
Takot ang pagkabigla ang naramdaman ko dahil sa nangyari. Hindi ako makapaniwalang nagawa niyang patayin ang tauhan niya sa mismong harap ko.
Dahil siguro sa takot, agad na nagkumahog ang iba pa niyang tauhan para kunin ang katawan nito at e-dispatsa.
Habang inilalabas ito, nakatutuk lang ang mata ko sa basag nitong bungo at dilat na mata. Wala nang buhay ang lalaki at marahas na inilabas ng kanyang mga kasamahan sa loob ng silid na parang isang hayop.
Nawala lang ang mata ko doon nang iniharap ng hombre ang maukha ko sa kanya. Galit at pagkamunghi ang nararamdaman ko para sa taong ito.
How could he do that?
"Now, speak my princess. I want to hear your angelic voice. But it would be better if I hear your moans"
Kila-kilabot na ngisi ang ibinigay niya sa akin nang sambitin niya iyon sa pagmumukha ko. Parang bumaliktad ang sikmura ko dahil sa sinabi niya. Naalala ko tuloy ang gabing iyon, walong taon na ang nakakaraan.
Is he Alvin? Is he gonna kills me this time? Pero sabi ni Greg, pinatay niya ito.
"Oh, I guess you already have an idea who am I. Don't worry we'll get there, let's eat dinner first. I'm so famished."
Iyon lang ang sinabi niya bago umalis ng silid habang masayang sumisipol.
He's crazy! Fucking crazy
Dinala ako ng mga tauhan ko sa isang napakagandang silid. It looks like a elizabethan style. Golds and intricate design carves in each walls. Pero kahit maganda ang silid, hindi ko magawang ma-appreciate ito dahil sa sitwasyon ko.
Binigyan ako ng mga tauhan niya ng damit at iginiya para makapaglinis ng katawan. Kahit ayaw ko, wala akong choice kundi ang sundin ang mga sinasabi nila dahil nguso ng baril ang nakatutuk sa akin na kahit ilang pagkakataon ay puputok iyon.
Hindi na ako nagmatigas pa at sinunod ang mga gusto nila. I wore a champagne backless silver dress and red stilettos. Nakalatag sa vanity mirror ang mga mamamahaling make up at mga pabango pero hindi ko iyon ginalaw bagkus hinayaan ko ang mukha ko na walang make up o kung ano man.
Matapos ang ilang minuto, giniya ako ng tauhan niya pababa sa grand staircase ng mansyon. Hindi ko na maiwasang mamangha pero pinigila ko ang sarili ko at mas naging maingat sa mga kilos ko dahil kailangan kong makalabas dito.
Paniguradong naghihintay na sa akin si Seven. I really hope the odds are really in my favor
Naupo ako sa malaki at engradeng dining table. Nasa magkabilang bahagi kami ng mesa kung saan nasa kabilang dulo siya at masayang sumisimsim sa sa kopitang hawak niya.
Sa kaliwang bahagi ng mesa niya, bukod sa nakalatag na mga kubyertos at ilan pang mga kagamitan. Agaw pansin ang ginto nitong baril na kumikinang at nagbibigay ng takot.
Nang binigay na ng mga tauhan niya ang mgapagkain. May isang tauhan niya na natapilok at nahulog sa sahig ang pagkain niyang dala.
Mas naging tahimik ang buong mansyon dahil sa nangyari. Ni isa sa amin ay walang gustong gumalaw dahil sa takot, maski ako ay nahigit ang hininga pwera nalang sa lalaking naka-maskara parin hanggang ngayon na masaya paring sumisimsim sa kanyang kopita tila baliwala sa kanya ang nangyari which is weird.
Nang makabawi ang tauhan niya, agad itong lumuhod at ilang ulit humingi ng tawad.
"I'm so sorry Master, please spare my life"
Tahimik lang ako at hindi gumalaw habang tinatanaw ko ang hombreng naka maskara papunta sa sa tauhang nakayukong tauhan.
"Eat it" malamig na utos nito.
Walang inaksaya ang tauhan na kunin ang mga nasayang na pagkain sa sahig at mabilis na kinain. Pero hindi na niya ito naubos nang sumabog na ang bungo niya at gaya nung una, tumalsik din ang dugo nito sa sahig.
Umalingaw-ngaw ang putok ng baril sa loob ng mansyon, halos mabingi na ako at nanginginig na ang katawan ko sa takot dahil panagalawang beses ko nang nasaksihan na may namamatay sa harap ko.
Gaya nung una, nilinis ng mga tauhan niya ang bangkay at ang dugo nitong tumalsik sa sahig.
Kailangan ko na talagang umalis dito sa lalong madaling panahon. Palayo sa baliw na'to
BINABASA MO ANG
The Lost Wings of Andra (COMPLETED)
RomanceAll the heartbreaks, betrayal, and mistakes How far can a woman go? This is the story of a woman who defy the odds, break traditions, and made a lot of mistakes but every time she falls, she flies higher.