CHAPTER 2

168 5 0
                                    


Lumabas ako ng storage room nang hinahabol parin ang hininga. Tiningnan ko ang orasan sa aking palapulsuhan para tingnan ang oras. Napatakbo ako ng wala sa oras dahil pasadong 8:15 na at late na ako sa klase ko ngayog umaga. Tila wala pang isaNg minuto yata naka-abot na ako sa 3rd floor kung saan ang classroom ko dahil sa mabilis kong mga hakbang.


Hindi na ako nag-abala pang mag-ayos sa nagulo kong buhok at diretsong yumuko para magbigay galang sa aking propesor at humingi narin ng paumanhin dahil na late ako ng 15 minutes. Hindi narin ako nag-abala pang tumuwid at nakayuko na akong pumunta sa upuan ko.

Habol ko ang hininga at kaliwa't kanang pawis ang tumutulo sa aking noo habang hinahanap ang notebook para sa subject na'to. Nang matapos doon lang ako nag-angat ng tingin at napa-awang ako ng labi dahil ang lahat ng mga mata nila ay nasa akin lalong-lalo na ang nanliliit na mata ni Shiela na direktang nakatutuk sa akin.

What did I wrong? Ngayong palang naman ako na-late, siguro naman hindi iyon big deal sa lahat.

"Are you done?" isang boses ng lalaki ang narinig ko sa harapan.

Kaya naman napunta sa kanya ang aking tingin. Ganun na lamang ang pag-awang ng akig bibig nang mapagtanto ko ang lalaking naka-upo bahagya sa dulo ng table habang suot ang isang leather jacket na may puting shirt sa ilalim at tenernohan ng isang ragged jeans.

He slouchy sat on the edge of the table as he folded his arms into his chest. He looked at me seductively with a hint of menace and roughness. The morning sun rays illuminated his whole being which make him more glorious and handsome.

Tumaas ang kilay niya nang hindi ako sumagot sa kanya at parang isang timang na nakatingin lang sa kanya habang naka-awang ang labi. Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa katangahan ko.

Speak Andra for God's sake! He's obviously talking to you.

Sinubukan kong magsalita pero gaya kanina ay bumuka lang ang labi ko at ni isang salita wala akong narinig. I feel lost and my mind went blank as I stared at him. He smiled at me cockily when he relalized something. Parang may isang bato na bumara sa lalamunan ko kaya hindi ako makapagsalita at parang humiwalay narin ang utak ko dahil sa wala na ako sa katinuan.

Parang nahiya na ang utak ko dahil sa ginagawa ko sa mga oras na'to.

"Uy parang na starstruck si Andra kay sir. Okay lang yan te,kami rin" sabi ng isang kaklase ko na kasamahan ko sa likod.

Dahil sa sinabi niya, nagsigawan ang buong kaklase ko at nagkakantyawan. Uminit ng husto ang mukha ko sa dahil napansin nila lahat 'yun. Like for God's sake this is my first time to get starstruck to someone whom I just met. 

Well, we've met kanina but urgh whatever.

I blew a frustrating sigh and rolled my eyes dahil sa takbo ng araw ko ngayon. Ano ba? Alas otso palang ng umaga parang andami nang nangyayari ngayong araw.

"Maybe Andra is not feeling well. She stayed up late last night studying trying to beat me" Shiela smirked the flipped her hair just like Regina Goerge in Mean Girls

Napa-ows ang mga kaklase ko dahil sa sinabi niya at nagsimula na nila kaming isabong sa gitna ng alas otso ng umaga. Napailing nalang ako dahil sa sinabi ni Shiela. Hindi ko na pinatulan pa ang pasaring niya dahil mauubos lang ang lakas ko.

"Okay calm down guys. Is Miss Cassandra Fernandez  okay?" he said and looked at me again with those eyes.

Dahil sa para akong napipi tumango nalang ako para iparating na okay lang ako at hindi totoo ang sinasabi ni Shiela na lat akong natulog kagabi habang nag-aaral para talunin ko siya.

The Lost Wings of Andra (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon