CHAPTER 14

108 3 0
                                    


Tahimik akong naka-upo sa passenger seat ng kotse niya at nakatingin lang sa labas habang umuulan ng malakas. I tried to pull myself together but I can't do it. I'm frustrated kasi kahit gusto kong mag-isip ng matino sa mga oras na ito o iisipin kung ano ang susunod kung gawin pero ni isang ideya walang pumapasok sa utak ko.

Ang lamig na dulot ng pagbuhos ng ulan sa akin kanina ay hindi na nanuot o tumagos man lang sa aking buto. Parang kumapal ang balat at namanhid ang lahat ng parte ng katawan ko. Blangko din ang isip ko at nawalan ng lakas ang buong pagkatao ko. Para akong sinaksak at basta nalang iniwan sa gilid at hinihintay nalang na mamatay.

Kahit nasa labas ang mata ko alam kong kanina pa tahimik at palihim na sumsulyap sa akin ang babae na kasama ko sa kotse. Hanggang ngayon hindi ko parin alam ang pangalan niya dahil hindi naman niya sinsabi. Ayoko ring magtanong dahil parang naubos na lahat ng enerhiya ko. 

Maghihintay nalang ako kung kanina siya mag name-reveal.

"Gusto mong pumunta sa bahay ni Greg, tama?" nantatyanta niyang tanogn sa akin.

Hindi na ako sumagot sa kaniya dahil sinabi ko na sa kanya kanina ang gusto ko. Gusto kong pumunta sa kanya dahil siya nalang ang kinakapitan ko sa mga oras ngayon kahit nag-away kami kanina alam ko naman na dadamayan niya ako. 

Alam ko dahil mahal niya ako. Mahal niya naman ako diba? 

Nagpakawala ako ng nanghihinang buntong hininga.

"Gusto mo talagang pumunta? Handa ka sa madadatnan mo?" hindi siya nakataingin sa akin nong tinanong niya ako pero napalingon ako ng bahagya sa kanya dahil sa tanong niya.

Pero kahit ganun hindi parin ako sumasagot sa kanya. Alam kong bastos ang inasal ko pero wala ako sa mood sagutin nag mga walang kwenta niyang tanong. 

Sino ba ang dadatnan ko doon maliban kay Greg? Malaki ang tiwala ko kay Greg alam ko iyon sa sarili ko kasi sinabi niya mahal niya ako. 

Sapat na iyon para panghawakan ko at wag siyang pagdudahan.

"Alam mo Andra may panahon pa. Umuwi ka sa mga magulang mo at humingi ng tawad. Para hindi masayang ang buhay mo sa isang bagay na walang kasiguraduhan. Bata ka pa may makikilala ka pa higit kay Greg, iyong mas deserve mo" walang emosyon niyang sabi sa akin.

"Pwede ba, ihatid mo nalang ako sa bahay niya at hindi ko hiningi ang opinyon mo!" sa unang pagkakataon iyon ang lumabas sa bibig ko.

May parte sa akin na nagsasabing hindi maganda ang mga sinabi ko sa kanya pero malaki sa parteng iyon ang nagsasabing tama. Ewan ko, parang mababaliw na ako sa mga iniisip ko sa mga oras na ito. Ang gusto ko lang ay makita at mahalikan si Greg dahil siya lang ang pinanghahawakan ko sa ngayon.

Siya nalang ang meron ako.

Sa loob ng kalahating oras na pagbabaybay sa daan papunta sa bahay ni Greg hindi na siya nagsalita pa at binigyan niya ng space at oras na mapag-isa, na ipina-salamat ko naman sa kanya.

Lumiko siya sa kanan at tumigil sa isang dalawang palapag na bahay, may isang may kalumaang poste ng ilaw sa tapat ng bahay na nagsisilbing ilaw sa daan pero parang wala ding kwenta dahil patay sinde ang ilaw. Para tuloy kaming tumigil sa set ng isang horror movie.

Wala akong paalam na binuksan ang pinto ng kotse niya at basta nalang naglakad papunta sa bahay ni Greg. Hindi na ako lumingon pa pero alam kong naka-alis na siya dahil sa pagharurut ng kanyang kotse. Huminga muna ako ng malalim dahil parang kinakabahan ako at hindi ko alam kung ano ang dahilan.

Kakatok na sana ako dahil akala ko naka lock pero sa isang katok nabuksan ko na ang pinto. Pumasok na ako sa loob na parang isang magnanakaw. Walang ingay akong pumasok at minasdan ang loob nito. Tanging ang sala lang ay may kakarampot na ilaw mula sa isang lamp at ang iba naman ay nakapatay.

Lumapit ako sa sofa ng sala at nakita ko ang nagkalat na basyo ng alak at mga sigarilyo. Nasa iba't -ibang bahagi din ang mga nagkalat na damit ang pants. Pero ang naka-agaw ng pansin ko ay ang isang pares ng pulang heels na nasa sahig katapat ng sofa.

Doon palang kinakabahan na ako pero pilit kong tinatagan ang loob ko dahil nabulag ako sa "Baka". 

Baka sa kapatid niyang babae itong pares ng sapatos na ito. 

Baka sa katrabaho niyang nandito at naiwan.

Hindi ko alam.

Wala akong maisip na dahilan para sabihing hindi totoo ang naging kutob ko. Ayokong isipin dahil sobrang sakit. Iniisip ko palang parang nag sakit niya pano pa kaya kung totoo na? 

'Wag naman sana diba?

Napalingon ako sa hagdan papunta sa second floor nang may narinig akong kalabog at iba pang mga ingay. Aakyat na sana ako kaso may pumigil sa kamay ko. Paglingun ko ay ang dalawang pares ng itim na itim na mata ang bumungad sa akin gayun din ang puno ng tattoo niyang mukha.

"'Wag na Andra, umuwi na tayo" mariing niyang sabi sa akin.

Pero nanghihina kong inalis ang kamay nya sa braso ko at disidido tumalikod paakyat sa second floor. Mahina kong inihakbang ang mga paa ko paakyat dahil habang papalapit sa ikalawang palapag mas lumalakas ang mga boses at kalabog non.

Akala ko may mga kwarto pa akong pasukan pero nagkamali ako dahil studio type ang design ng loob at nagkalat ang mga gamit. Sa gitna non ay isang kama na hinihigaan ng dalawang tao na may ginagawang ritwal. 

Ang nasasarapang mukha ni Miss Moreno ang unang bumungad sa mata ko habang inaararo ng lalaking kanina ko pa hinahanap. Naka-pokus ang mata niya sa mga parte ng naglalaro nilang dalawa kaya hindi niya ako napansin.

Na-alerto ang Propesor dahil sa presensya ko pero hindi paawat ang lalaking nagpapaligaya sa kanya sa likuran niya at mas idiniin pa siya sa kama. Hindi siya makapagsalita at e-anunsyo ang presenysa ko dahil may nakatakip sa bibig niyang duck tape.

Puro sila hubad ang mga katawan at parang may sariling mundo lalong-lalo na si Greg dahil parang nag-eenjoy siya sa kandungan ng katrabaho niya. 

Walang tigil ang buhos ng luha ko at wala na akong lakas na punasan pa iyon dhail useless din naman. Kahit anong punas ko naman may bago na namang tutulo, kaya bakit pa ako mag-aaksaya ng panahon, tulad ng pag-aksaya ko sa taong nasa harapan ko at nagpakasasa sa kandungan ng iba.

Hindi na nagtagal ang mga mata ko sa kanila at unti-unting humakbang paatras para umalis pero nasagi ko ang isang poselanang vase at gumawa iyon nga ingay nang nahulog. Kaya para silang napaso sila sa isa't isa dahil napahiwalay silang dalawa nang wala sa oras.

Gulat na gulat si Greg nang ako ang madatnan ng mga mata niya nang nag-angat siya ng tingin. Napa-iling nalang ako bago ako bumaba nang hagdan at kumaripas ng takbo palabas. Nang nasa labas na ako ng bahay niya, kinuha niya ang braso ko at iniharap sa kanya.

Puno ng luha ang buong mukha ko at namumugto na rin ang mga mata ko dahil kanina pa ako umiiyak magmula sa bahay papunta dito. Akala ko makakahanap ako ng kakampi o masasandalan sa bahay niya pero iba ang bumungad sa akin.

Agad akong sumakay sa sasakyan at iniwan siya sa gitna ng kalsada. Napatakip ako ng bibig para pigilan ang iyak ko pero hindi ko magawa. 

Kusa itong lumabas at hindi ko na napigilan pa dahil sa tuwing pinipigilan ko ito mas sumasakit ang dibdib ko at para akong pinapatay. Kumawala sa bibig ko ang tangis at luha sa nasasaktan kong damdamin. 

Sa lahat ng pagkakataon, bakit ngayon pa? bakit ngayon pa na mas kailangan ko siya?

Iyon ang umiikot sa isip ko habang binaybay namin ang daan palayo sa bahay ni Greg. Nakatingin lang ako sa labas habang lumuluha at pinagmamasdan ang tubig ulan sa bintana ng sasakyan. 

Sa side mirror, kita ko si Greg sa gitna ng daan at basang basa ng ulan bago kami lumiko palayo na sa bahay niya.

Palayo sa kanya.



The Lost Wings of Andra (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon