CHAPTER 15

141 2 0
                                    

MATURE CONTENT: VIOLENT SCENES🔞

Madaling araw na kaming nakarating sa bar ng babae at sa labas palang ay ramdam ko at rinig ko ang dagungdung mula sa loob. Pinarada niya ang sasakyan sa tapat ng bar pero sa likod kami dumaan papasok at hindi na nakipagsiksikan.

May makipot na hagdan sa likod na gawa sa metal at iyon ang dinadaanan namin paakyat sa tuktuk ng building, malayo sa magulong palapag sa first floor. 

Tumila na ang ulan at tanging ang basang amoy at tubig nalang ang naiwan. Maaliwalas narin ang kalangitan at nagpakita unti-unti ang mga bituin at ang buwan. 

Tumila narin ang mga luha ko at natuyo na pero ang sakit na nararamdaman ko ay hindi pa. Parang wala yatang gamot sa sakit na nararamdaman ko. Siguro kahit palitan ang puso ko, mananatili parin ang sakit na nararamdaman ko.

Binigay sa akin ang isang bote ng beer at agad ko iyong nilagok. Wala pa akong kain kaya nakaramdam ako ng hapdi sa lalamunan ko pababa sa tiyan. Pero kahit ganun, uminon parin ako. Parang may plano akong patayin nag sarili ko sa pamamagitan ng alak. 

Okay nga na mamatay kao kesa sa maramdaman ang sakit na nararamdaman ko. Buhay ka nga pero parang pinapatay ka naman ng paulit ulit.

"Callista. Callista Ferrer" pagpapakilala niya sa akin.

"Cassandra Fernandez"

Wala kaming imik matapos ang pagpapakilala namin sa isa't -isa. Sinamahan niya lang akong uminom at patayin ang sarili dahil sa sakit na nararamdaman. Wala akong narinig sa kanya na 'I told you so' o kahit ano mang pagsisisi sa akin. Nandoon lang siya sa tabi ko at sinamahan akong maglabas ng sama ng loob.

"You still have time Andra, pwede kapang bumalik sa mga magulang mo"

"Hindi na nila ako matatanggap pa. Kita mo'to?" pinakita ko sa kanya ang hindi pantay na buhok ko at tumawa ng malakas. "This is the sign that they already disown me. At ayoko narin bumalik sa dati kong buhay. Ayoko na ulit bumalik kung saan nakakulong lang ako at walang kalayaan na piliin ang gusto ko. Gusto ko rin mamuhay sa paraan na gusto ko."

"Mamuhay sa gusto mo? Ang alin? Mabuhay kasama si Greg?" tumawa siya ng malakas " Eh gago yon eh, nakita mo naman diba kanina? Hindi kapa ba nadala? Hindi kapa ba nadala sa sinabi ko?"

Hindi ako naka-imik sa sinabi niya dahil totoo ang lumalabas sa bibig niya. Bakit ganun? Mahal ko parin ang gago? 

She cupped my face and stared directly into my eyes. Kahit natatakot parin ako sa itim na itim niyang mata, sinubukan kong maging komportable at masanay. 

"Bata kapa, 'wag mong sayangin nag buhay mo kay Greg. 'Wag mong itapon ang buhay mo sa isang lalaking walang magandang idududlot sa'yo."

"So you're suggesting na iwan ko si Greg? For what? para maging kayo ulit Kasi mahal mo pa siya" nagsimula na naman akong umiyak dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Parang ang dami ko naman yatang kaagaw. bakit ang dami namin sa buhay niya? Bakit hindi nalang ako mag-isa? Bakit Greg?

"Hindi mo pa naiintindihan ang lahat Andra pero sana masalba mo pa ang sarili mo pag dating ng panahon. Ang pagmamahal mo mismo ang papatay sa'yo"

Iyon lang ang narinig ko bago ako nilamon ng kadiliman. 

Kinabukasan, nagising ako dahil sa komosyon na narinig ko sa labas ng kwartong tinulugan ko. Maliit lang ang kwarto at dinisenyo sa isang tao lamang dahil nasa tuktuk ito ng building kung saan ang bar ni Callista. 

Hawak ko ang robang suot bago ko binuksan ang pintuan. Nakita ko si Greg at Callista na nagtatalo. Pilit pinipigilan ni Callista si Greg na makapasok sa loob habang ayaw paawat naman ni Greg. Nahinto lang ang pagtatalo nang makita nila akong nakatitig sa kanila.

The Lost Wings of Andra (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon