Pasado alas saes ng gabi na ako naka-uwi sa aming baryo. Habang sakay pa ng motor, sinabihan ko siya na sa may punong narra nalang niya ako ibaba at hindi sa mismong waiting shed dahil paniguradong madali akong makikita ng mga kapitbahay namin at ma chismis pa ako lalong lalo na ni Shiela.
"Ibaba mo nalang ako diyan sa may punong narra" marahan kong sabi habang unti-unting lumuwag ang pagkakakapit sa bewang niya.
"Why? Pwede namang sa bahay niyo kita ibababa" sabi niya habang pasimpleng tumingin sa'kin sa side mirror.
"Hindi pwede sir, malalagot ako ni Mama at Papa" natatakot kong sabi.
Sa nai-imagine ko palang parang natatakot na ako. Just imagining the angry faces of my parents and disappointment is enough for me to get sick.
"Are you okay? You seem pale" he said as I take off the helmet from my head.
Kahit madilim nakikita niya parin ang pagkaputla ko. Sino bang hindi mamumutla kung late kanang umuwi at maaabutan pa nilang hinahatid ako ng isang lalaki, hindi lang isang lalaki kundi propesor ko pa.
"Yeah. By the way thank you so much sir sa paghatid" sinsero kong sabi sabay abot sa helmet niya at sinunod ko rin ang kanyang leather jacket na sobrang bango.
"Don't mention it" sabi matapos isuot ang ginamit kong leather jacket at helmet.
"Bye una na ako" sabi at kaway ko sa kanya tapos ay tumalikod na.
Nauna muna akong umakyat sa sa burol kung saan ang bahay namin bago niya pinaharurut ang kanyang motor. Lumagpas ako ng waiting shed bago ako umakyat at nakarating sa bahay.
Matapos ang ilang lakarin, nakaabot na ako sa tapat ng pintuan ng bahay namin. Huminga muna ako ng malalim bago ko binuksan ang pinto. Tumambad sa'kin ang galit na galit na mukha ni mama at walang ekspresyon na mukha ni papa. Base sa mg reaksyon nila, kinailangan ko na talagang magkompisal sa mga kasalanan ko at magdasal ng ilang ama namin.
"Bakit ngayon kalang Andra? Oras ba ngayon ng uwi ng isang matinong babae?" umalingaw-ngaw ang nangiggigil na boses ni mama sa buong bahay.
Napayuko nalang ako dahil sa galit ng boses niya. Kung galit na galit si mama ano nalang kung si Papa? Pareho silang nakatayo at nakatingin sa'kin habang ako naman ay nakayuko sa kanila natatakot iangat nag tingin dahil baka mas magalit sila sa'kin.
"At ano tong mga dumi sa damit mo? Ano ka bata at may putik sa uniform mo? Diba sabi ko sayo alagaan mo ang uniform mo at mga gamit mo? Tapos alas sais kapa umuwi jusko para kang patapon na anak" sunod sunod na pagsermon ni mama.
I just screw once Ma, patapon na agad?
Gusto kong sabihin sa kanila yun dahil iyon naman ang totoo at gusto ko din ipagtanggol ang sarili ko mula sa paratang niya. Pero mas pinili ko nalang na manahimik at kimkimin ang mga sama ng loob ko.
"Alam mo na ang gagawin mo Andra. Magpapahinga na kami ng Mama mo" malamig na sabi ni Papa sa'kin.
Yes. I already knew what will happen to me. I have to perform the ritual; the punishment. I just disobey them and broke their rule. Kahit hindi man lang nila ako pinakinggan kung anong rason bakit ako na-late umuwi. Sinagip ko ang baka kanina kahit alam kong hindi ko nasagip ang sarili ko mula sa parusa ng mga magulang ko.
Fucking hero, Andra?
Nilagay ko muna ang bag sa kitchen sink at kumuha ng nigo at asin bago ko ito nilagay sa sahig tapos doon ako lumuhod ng ilang oras. Mula pagkabata ganito ako pag may nilalabag akong mga patakaran nila kahit maliliit na bagay lang. Sabi nila iyon daw ang paraan nila para matutu ako sa pagkakamali ko at maging isang mabuting tao paglaki.
![](https://img.wattpad.com/cover/282305397-288-k892729.jpg)
BINABASA MO ANG
The Lost Wings of Andra (COMPLETED)
RomantizmAll the heartbreaks, betrayal, and mistakes How far can a woman go? This is the story of a woman who defy the odds, break traditions, and made a lot of mistakes but every time she falls, she flies higher.