CHAPTER 32

96 3 0
                                    


Tumungo kami sa unahang bahagi ng resort kung saan may mesa at upuan. Umupo kami sa nakalaang upuan na nakaharap sa dagat. Ako sa single couch habang nasa two-seater sofa sila.

Nag-aagaw ang kulay kahel na kalangitan sa paparating na dilim ng gabi. Palubog na ang araw at ang bawat hampas ng alon ay nagbibigay sa aking ng katahimikan sa magulo kong utak.

Hindi ko alam kung ano ang magiging takbo ng usapan namin pero nakahanda ako sa lahat ng sasabihin nila. Gusto ko ring gamitin ang pagkakataon na ito para makahingi ng tawad sa kanila sa ginawa kong pagtraydor sa kanila.

Alam kong nasaktan ko silang pareho kaya matatanggap ko kung ano man ang sasabihin nila sa akin.

"Andra anak, may kwento ako sa'yo" panimula ni Mama

Tahimik naman si Papa sa tabi niya habang ang mata naman ay nasa dagat at sa papalubog na araw. Kinuha ni Mama ang kamay ko at masinsinan niya akong kwenintuhan.

"Andre came in our lives in a very unexpected time. Magulo ang buhay mag-asawa namin ni Francisco nang dumating si Andrei ang kuya mo. Hindi pa kami nakatira noon sa baryo, nasa syudad kami. Aaminin ko na nagkulang ako bilang ina niya. Hindi ko masaydong natutukan ang paglaki ni Andrei dahil sa pag-aaway namin ng Papa mo. When he reached 13, naging rebelde si Andrei, magulo ang utak niya. Hindi na siya pumapasok sa school at nalulung sa barkada. I even caught him smoking some weed."

Napasinghap si Mama habang binabalikan ang ala-alang iyon. Hindi ko naabutan si kuya Andrei pero alam kong may kapatid ako na panganay but unfortunately maaga itong namatay. Kaya sa pictures ko nalang siya nakita noon.

"Naging basagulero din siya at natutong uminon sa maagang edad. He was uncontrollable that time at naging bayolente na. We tried to seek help but failed. He threatened us that he would kill himself if we keep sticking our nose to his life. Doon lang nagsink-in sa akin lahat ng pagkukulang ko bilang isang ina dahil hindi ko nagabayan ng maayos ang anak ko. I keep blaming myself until now dahil sa nangyari sa kanya. Kaya para hindi magkatotoo ang banta niya, pinabayaan namin siya na siyang naging malaking pagsisisi ko"

Nagsimula nang humagulgul si Mama habang pinapatahan ni Papa na hinihimas ang likod niya. Wala akong masyadong alam kay Kuya Andre dahil maaga itong nawala at hindi ko naabutan at wala din akong naririnig na kwento mula sa kanila ni Mama.

"Pinagsisihan ko na pinabayaan ko siya at hinayaan siyang umalis sa bahay. Sana naging matigas ako at hindi siya hinayaan. Edi sana nandito pa siya, nakita pa niya sana ang pamangkin niya"

Bumuhos ang luha ni Mama habang sinasabi niya iyon na tila nasasaktan parin sa nangyari noon. Ako naman ay nanghihinayang dahil hindi ko naabutan ang kapatid ko. Noon ko pa naman gusto na magkaroon ng kapatid.

"Ilang araw mula sa huli naming pag-uusap. Nabalitaan nalang namin siya sa TV na may bangkay na palutang-lutang sa ilog. I trembled when I saw his shirt, kahit naka blur ang mukha niya alam na alam ko na siya iyon dahil regalo ko sa kanya ang t shirt na iyon at isa iyon sa pinakapaborito niya. Naabutan nalang namin siya sa morgue na maraming sugat at pasa sa katawan. Ang sabi ng pulis, kawalan ng dugo ang ikinamatay niya dahil sa sobrang pagpapahirap sa kanya ng mga miyembro ng isang gang na may alitan sa kanya. Ilang buto rin ang nabali sa katawan niya dahil doon kaya hindi na katakataka kung namatay siya sa gitna ng pagpapahirap sa kanya. I was in rage for those people na gumawa non sa kanya. We seek justice everyday, maka-ilang ulit kaming bumalik sa presento para humanap ng updates pero naging cold case ang pagkamatay ng kapatid mo matapos ang ilang taon. I was devastated and hopeless until you came."

Pina-inum ko muna si Mama dahil parang mauubusan na siya ng tubig sa katawan sa kakaiyak. Ngayon ko lang nakita si Mama ng ganito. Hindi ako sanay sa ganitong estado ni mama dahil nakasanayan ko ang malambing at maalagang Mama na nakilala ko. Hanggang ngayon siguro nagdudusa siya sa pagkawala ng kapatid ko at parati niya paring sinisisi ang sarili.

"You gave us hope and courage during that time. Nilabas mo ako sa madilim na silid para mabuhay ulit at alagaan ka. Nabuhayan kaming dalawa ng Papa mo nang dumating ka at nagbigay ka sa amin ng panibagong pag-asa. We named you Cassandra because you gave us courage and hope during our dark times." ngumiti si Mama sa akin na sinuklian ko naman.

"Hindi ko inakala na dadating ka kaya naman sa pagkakataong ito, ibubuhos ko nang oras at pagmamahal ko sa'yo. Umuwi kami sa probinsya ng mga magulang ko para mamuhay ng tahimik. Malayo sa kaguluhan at masasamang bagay sa syudad. We promised that we will be a good parent to you. Gagawin namin ang lahat para protektahan ka sa lahat ng makasakit sa'yo. We would die for you. Pero hindi namin namalayan na sinasakal ka namin sa pangako namin. Tinanggalan kita ng karapatan na maging ikaw, na maging malaya sa kung ano ang gusto mong mga bagay dahil takot kaming masaktan ka at magiging kapareho ka ng kuya mo na naligaw ng landas. Kaya I'm sorry anak, pagpasensyahan mo na si Mama, ha?"

Tumulo ang luha ko hanggang sa maging hagulgul iyon nang sinabi iyon ni Mama. Hindi ko akalain na sinasabi niya iyon lahat sa akin.

"I'm sorry anak kasi dahil sa takot ko, nawalan ka ng karapatan na e-enjoy ang buhay mo, na hayaan ka na pumili ng mga bagay na gusto mo, at pinigilan kita sa pagpipinta. Takot lang ako na magiging katulad ka ng kapatid mo. He loves art too, he was good and genius. Kaya takot ako nang madiskubre ko na ikaw din pala. Sorry anak, pagpasensyahan mo na si Mama kung nasaktan kita. Nakalimutan ko na magka-iba pala kayo"

Niyakap ako ni mama at dalawa na kaming humahagulgul habang nagyayakapan.

"Kaya nong nalaman kong may boyfriend kana at propesor mo pa, nagalit kaming dalawa dahil niloloko kalang niya at alam namin ang background niya. Hindi ko akalain na nahulog ka talaga sa taong iyon Andra, kaya hindi ko iyon matanggap. Lalo na nong sumama ka doon. Gusto ko lang naman na maprotektahan ka sa mga taong katulad niya pero sa ikalawang pagkakataon, nagkamali ulit ako. Halos mabaliw ako nong nalaman ko na wala kana sa bayan kung saan kayo nanunuluyan. Hinanap kita ng ilang taon at sa pagkakataong ito para na akong mababaliw. Una si Andrei, ngayon naman ikaw. Tatanggapin parin kita kahit ganun, kung bumalik ka lang. Ayaw ko lang na mawala ka sa amin. Hanggang sa walong taon, nagkita ulit tayo at nakilala ko ang apo ko sayo. Masaya ako na naging mabuti ang kalagayan mo, masaya ako na nakita mo na ang sarili mo at hindi na nakakulong sa takot namin."

"Si Greg ang pumunta sa bahay natin para imbitahin kami sa birthday ng anak mong si Seven at nalaman din namin na ikaw pala ang nagbibigay sa amin ng sustento sa loob ng ilang mga taon. He introduced himself to us at doon namin nalaman ang lahat. Noong una muntik ko na siyang patayin dahil sa nangyari pero nagpakalalaki siya sa amin at humihingi ng patawad at nangangakong aalagaan ka habang buhay."

Sa unang pagkakataon nagsalita si Papa at kinuwento sa akin ang pagkikita ni Greg doon sa bahay namin. Greg was willing to go to jail again kung kakasuhan siya ni Papa dahil sa ginawa sa akin pero hindi raw nila kaya iyon dahil mawawalan ng ama si Seve. Ang ipinangako nalang sa kanila ni Greg ay aalagaan ako at hindi sasaktan kailanman.

"Patawarin nyo rin po ako Ma, Pa. Sinaktan ko po kayo at trinaydor. Sorry din po kasi hindi ko sinabi sa inyo lahat ng nararamdaman at mas nagdamdam pa sa inyo. Sorry po kung naging tanga ako at ignorante sa mga bagay--" humihikbi kong sabi sa kanya.

Niyakap ako ni Mama at makailang-ulit na umiling.

"it's okay nak, okay lang. Mahal na mahal kita. Mahal ka ni mama. Okay lang"

Sa kabilang banda, naintindihan ko ang mga rason nila at takot dahil sa nangyari kay kuya Andre. Pareho kaming nasaktan dahil sa mga nangyayari at nagpapasalamat ako na nabigyan kami ng pagkakataon na magkita at makapagpatawad sa isa't-isa matapos ng ilang taon na pagpapahirap.

Later that night ,we talked lightly and reminiscence the memories when I was little. Nawala na ang mabigat na pakiramdam ko at masaya na kaming nag-uusap. All of these are big thanks to Greg.

The hardships, misunderstandings, and pain we caused to each other changed our lives. Pero kahit nagkasakitan kami at nasaktan ng sobra, ang mahalaga ay nagpatawad kami sa isa't-isa at binuksan ang bagong pahina ng aming buhay na pupunuin namin ng mga bagong ala-ala at dala ang mga leksyon na natutunan namin sa nakaraan.

I was grateful that I got the chance to talk these things with them. Kasi kung hindi, paniguradong isa ito sa mga pagsisihan ko habang buhay at papatay sa akin ng paunti-unti.

The Lost Wings of Andra (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon