CHAPTER 20

196 4 0
                                        


I FAINTED!

IYON kaagad ang pumasok sa isip ko nang minulat ko ang mata ko at ang celing ng kwarto ko nag una kong nakita. I was placed in my bed with a comforter around my body and a wet towel at my forehead. Naka-jacket at pajama narin ako di tulad ng suot ko kaninang dress.

Nanghihina at nahihilo akong umupo sa kama at iginala ang paningin. Walang tao akong nakita at wala akong ideya kung sino ang nagbihis sa akin dahil imposible naman na si Seven ang magpapalit sa akin.

It's probably si Gorgy, tinawagan ko siya kanina na pumunta dito.

Kahit nilalamig at nanghihina tumayo ako sa kama at lumabas para hanapin si Seven. Masakit din ang mga mata ko dahil sa pag-iyak dahil sa komprontahan namin ni Greg kanina.

I hope umalis na siya. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin lalo na't wala ako sa ayos.

Parang naubos ang lakas ko dahil sa nanyari kanina. Hindi ko pa alam kong paano ko pa babawiin yun.

My attention was caught when I heard a commotion in the kitchen. Nakabukas ang TV sa sala at nagkalat din ang laruan at libro ni Seven sa mga sofa. May nakalagay din na black leather jacket sa sandalan ng sofa na hindi ko alam kung kanino dahil wala ni isa sa amin ni Seven ang nagmamay-ari ng leather jacket at lalong-lalo na si Gorgy.

He hates that kind of clothing, he prefers marvelous and obscene clothes because as he said that's his fashion.

Anyway, I went to the kitchen para malaman ko kung sino ang dalawang nag-aaway. To my surprise, two adults are arguing right now and having a tug of war with the ladle while the kid in the room just sat on the high chair, innocently staring at the two arguing like a kid with a toy in his hand

Tumuon ang atensyon ko sa dalawang nag-aaway and my hopes went down when I noticed the man trying to snatch the ladle from the man in the black polo while in front of a boiling cauldron.

Hindi ko kilala ang lalaki pero nakita ko na siya kanina sa park. I think it's Zandro based on what I heard earlier.

"Give me that Zandro!" nanggagalaiti niyang sabi.

"No! You'll burn this porridge" matigas nitong sabi kay Greg, still hindi parin binibigay ang laddle sa kanya.

"How dare you! Ako ang boss mo kaya ibigay mo na sa akin 'yan. Ako dapat ang magluluto para kay Andra at hindi ikaw!" singhal niya dito.

"But you asked my help because you can't cook. This is your fifth attempt already and still you haven't cooked anything yet. Kung hindi pa ako tumulong, wala kakainin si Miss Andra pag gising niya!" salubong ng kilay na sabi naman ng isa.

"I clearly said that help me how to cook not to cook it yourself! Ano nalang pala ang ambag ko dito? Dapat luto ko ang kakainin niya mamaya!" gigil na sabi niya.

"Tumahimik ka nalang diyan boss, iyon nalang ang maging ambag mo" he suggested

"Hell no! Kaya nga ako humingi ng tulong mo sa pagluto para bumawi sa kanya tapos ikaw naman 'tong bida-bida! Si Jolibee ka?" Greg reasoned out which made my heart tickle pero binaliwala ko iyon.

"Bago ka kasi bumawi, mag-aral ka munang magluto. Hindi kasi dapat mga babae lang ang marunong magluto. Kung ang kasabihan nga ng ibang kababaehan "To way the man's heart is through his stomache. Dapat ganun din ang mga lalaki. Dapat marunong din sila sa pagsisilbi para sa mahal nila sa buhay, lalo na para sa mga babae sa buhay nila" he explained na nagpatahimik kay Greg.

I was at awe of what Zandro said. Bihira lang akong maka-encounter ng lalaking ganyan mag-isip. Kadalasan kasi sa nakilala ko, they always thought na ang tanging trabaho lang ng babae ay ang pagsilbihan ang mga lalaking mahal nila.

The Lost Wings of Andra (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon