Papungas-pungas akong nagising mula sa sofa na pwesto namin kagabi. Lahat ng kalat na nakita ko kagabi ay hindi ko na nakita. Isang malinis na sofa na tinulugan ko ang bumungad sa akin. Wala na rin ang mga kaibigan ni Greg na kasama namin at mga babae nila. Wala narin ang mga tao na nasa dancefloor na sumasayaw hanggang sa mapagod, wala narin ang mga mag-jowang naglaplapan sa harapan namin kagabi.
Ang lahat ay malinis at maayos, ang bagay na hindi ko inakala dahil sa nasaksihan ko kagabi. Ang lahat ay ibang-iba sa ayos na nakita ko kagabi.
Tumayo na ako mula sa sofa na tinulugan ko at inayos ang sarili. Suot ko parin ang uniform ko at ang bag ko na hindi ko namalayan kagabi.
At wala parin akong panty.
Kahit naiilang sinubukan kong igala ang paningin ko at hanapin ang pinto palabas para umuwi at hanapin si Greg. Pagliko ko nakita ko ang bar counter at naroon ang isang magandang babae na ang tanging suot ay isang see-trough bra at kita ko na ang nipple niya sa nagwawagayway at nagpapansin. Nakatalikod siya sa akin at kita ko ang malaki niyang tattoo na sinakop na ang kanyang buong katawan, may ilan ding mga tattoo sa kanyang mga braso at batok.
Humarap siya sa akin at hindi mapigilang mapasinghap nang makita ko ang puron-itim niyang mga mata.
Is she possessed? Ito kasi ang nakikita kong mga mata sa mga horror na palabas. Purong itim ang mata at wala nang puti.
Tumawa siya sa naging reaksyon ko at nakita ko ang nakahati din na dila niya na dinadaan niya sa kanyang labi at ngipin. Tila natood ako sa aking kinatatatatyuan dahil sa nakikita ko ngayong umaga. Handa na sana akong umalis nang nahuli niya ang kamay ko at mahigpit na hinawakan.
"'Wag ko akong saktan please" paki-usap ko sa kanya at handa nang maiiyak.
"Silly, I'm not being possessed. Sit down and I'm gonna grab you some drink" nakangisi niyang sabi sa akin.
Kahit kinakabahan, naupo parin ako tulad ng sabi niya. Iginala ko ang paningin at iyon ang nakikita ko kagabi, walang nagbago, ang kaibahan lang ay malinis na ito di katulad kagabi. Nakita ko ulit ang babae na naghahalo sa isang counter at ngayon kita ko ang kabuoan niya. Nakasuot lang siya ng bra at isang pekpek short kaya kitang kita ang mga may tattoo niyang legs at nakasuot siya ng isang black heel katerno ng kanyang bra at shorts.
Humarap siya at naglakad papaunta sa direksyon ko dala ang isang pinggan na may lamang pang-almusal at isang kape sa kabilang kamay. Inilatag niya ang kanyang dala sa harapan ko at iminuestra na kainin iyon. Nakatunghay siya sa harapan ko at binabasa o ino-obserbahana ng lahat ng galaw ko. Hindi na ako nag-angat ng tingin dahil natatakot parin ako sa mga mata niyang purong itim.
Kinuha ko ang mga kubyertos at nagsimula nang kumain. Nang tingnan ko ang baso na may lamang kape, napalunok ako at napatitig doon. Hindi kasi ako mahilig sa kape at hindi pa ako nakatikim ng kape dahil kasama iyon sa mga rules sa bahay. Dapat daw taging gatas lang ang iinumin ko dahil nakakatulong iyon sa kalusugan ko at wala nang iba.
Tila napansin iyon ng kasama ko na kanina pa nag-ala matanglawin sa mga galaw ko. Nahihiya akong magtaas ng tingin sa kanya at takot narin dahil sa ayos niya na ngayon ko lang nakita sa buong buhay ko. Tumawa siya ng malakas iyong tipong tawa ni Ursula sa Little mermaid. Napa-angat ako nga tingin na wala sa oras dahil sa inakto niya.
Hindi rin ako komportable sa tawa dahil para iyong nangungutya na hindi ko maintindihan. Nagsalubong ang kilay ko sa kanya at pinaggigilan niyang pinisil ang panga ko. Kaya naman nakita ko mismo harap-harapan ang maiitim niyang mga mata at ang ilang maliliit niyang tattoo sa mukha pababa sa kanyag leeg, ang iba sa kanila ay mga kataga na hindi ko maintindihan pero isang tattoo ang naka-agaw sa pansin ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/282305397-288-k892729.jpg)
BINABASA MO ANG
The Lost Wings of Andra (COMPLETED)
RomanceAll the heartbreaks, betrayal, and mistakes How far can a woman go? This is the story of a woman who defy the odds, break traditions, and made a lot of mistakes but every time she falls, she flies higher.