CHAPTER 5

150 5 0
                                    


Umuwi ako ng bahay na pilit itinatago ang emosyon sa loob ko. Ngumiti si Mama at Papa sa kin na parang walang nangyari kaya ngumiti narin ako sa kanila na para naring walang nangyari. 

Umupo ako at kumain na.

"Andra, how's school?" Mama asked as he poured a juice

"Everything is fine Ma" I gave her an assuring smile and then eat my breakfast.

"Sabi pala ni Mareng Hilda na hindi na daw pwede ang tutor ni Shiela masyado daw pihikan. If I know excuse lang 'yon ni Hilda, natatakot sigurong mapahiya mo ang anak niya sa tutor dahil sa katalinuhan mo" Mama rolled her eyes and sat annoyinggly

"Andra, sumabay kana sa'kin papuntang school dahil papunta naman ako sa syudad, 'wag kanang mag bus" Papa said and got up from his seat after finishing his breakfast.

Kaya naman minadali kong kinain ang agahan ko at nagsimula nang maghanda papasok sa school. May dinoble ko ang kilos ko para hindi ko na paghintayin si Papa ng matagal. He really hates slow-poke and lazy person. 

Matapos lang ang minuto, lumabas na ako ng bahay dala ang bagpack at mga gamit ko. Pumasok na ako sa lumang pick up dahil nakita ko na si Papa na naghihintay doon at naka-start na ang sasakyan.

Binaybay namin ang daan papuntang school nang magtanong si Papa sa'kin.

"What's your plan after graduation Andra?" he asked as his eyes fixed on the road.

"I don't know Pa, maybe take care of our land and farm?" I said in an informal way. Bagay na pinagsisihan ko sa huli.

"You're not sure? Do you have other plans? And what's with that tone? I thought I send you to school to become formal and educated? Nakalimutan mo naba ang mga itinuro ko sa'yo? Talk to your father like an educated woman" he scolded me that's why I immediately sit properly and cleared my throat.

"I'm sorry Papa" paumanhin ko.

"Why are you so lousy and bothered? May boyfriend kana? Kaya ka nagkakaganyan?" he accused me.

Here we are again.

"No Papa, I'm just not feeling well right now," I said in a half-whisper.

"Siguraduhin mo lang 'yan Andra. Hindi kapa pwedeng mag boyfriend, remember that you have to do your obligations to us."and just like a dog, I nodded to him

Ano ba namang araw 'to parang wala nang pag-asa na maging maganda. Parang ang sarap namang hindi nalang gumising at habang buhay na matulog. I feel like my whole body shut down but my mind is in chaos. 

Para akong lalagnatin at magkakasakit. Gusto ko nang umuwi at magkulong sa kwarto pero alam kong wala akong karapatan na gawin iyon baka kasi sa susunod na araw wala na akong uuwiang bahay.

Nakakafrustrate lang na gawin mo ang mga bagay na ayaw ko to please everybody or just because it is the right thing to do. Sometimes naisip ko rin na magrebelde kahit minsan.

Sa buong durasyon ng aming byahe ay tahimik kaming dalawa. Hindi ko na sinubukan na kumausap sa kanya o gumawa ng pag-uusap dahil baka mas magalit ito sa'kin. Wala narin akong lakas para gawin iyon at hindi ko narin sinubukan na pagandahin ang araw ko dahil kanina pa ito sira.

Maka-ilang minuto na ang dumaan ay dumating na kami sa university. Binuksan ko na ang pinto ng sasakyan at nagbigay ng galang kay Papa. Hindi na siya nag-abala pang bumaba para ihatid ako dahil bakit naman niya gagawin 'yon? 

He never did that to me ever since I was a child. Our relationship is formal so I have to act formal to him.

Nanatili muna ako sa gate at tinanaw ko ang papaalis na sasakyan ni Papa. Tatalikod na sana ako nang marinig ko ang ugong ng kanyang maingay na motor. Napalingon ang lahat ng mga studyante sa university maski ang mga staff at professor. Lahat ng mata at atensyon ay nasa kanya kabilang na ako doon.

The Lost Wings of Andra (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon