Nang matapos ang event, umuwi na ang mga bisita except sa amin at sila mama. Nagpabook kami ng villa para sa kanila Mama at sa amin para makapag-bonding pa kami ng matagal-tagal. Greg planned everything for this all along. Hindi ko akalain na magagawa niya ito.
He showed so much respect to my parents at nakipag-inuman pa kay Papa. They talked like a father and son while Mama was busy playing with Seven. They were so fond of each other yung tipong nakakalimutan na ako. Nasabi ko na rin sa kanila ang kondisyon ni Seven and I'm happy that they were not shaken with it. Akala ko nga tatratuhin nila si seven na parang iba, but instead, they love him more.
Nang matapos, nagsipuntahan na sa kanilang villa sila Mama habang si Greg naman ay nagsho-shower sa kabilang kwarto. Ako naman ay inasikaso si Seven na mukhang pagod na pagod na.
"Seven, can I talk to you about something?" marahan kong tanong sa kanya habang isinusuot ang kanyang damit.
"Yes, Mama" inosenteng sabi niya.
Pinaupo ko muna siya sa kama at hinahaplos ang kanyang medyo basang buhok.
"It's about your Dad. Do you miss him?"
Ilang minuto muna hindi nakapagsalita si Seven at tila nag-isip
"Yeah, I miss him. This day would be better if he's here"
Parang may mainit na kamay na humaplos sa puso ko nang marinig ko ang sagot ng anak ko. Napasinghap ako at nangingilid ang luha ko, nagbabadyang tumulo.
"How about if I say that your father is here and I will introduce you to him. Would you be happy?"
Natahimik muli ang anak ko at tila may nakompirma dahil sa sinabi ko.
"Is it Mr. Dawson?"
Marahan akong tumango at hindi na nagulat dahil alam kong may ideya na si Seven tungkol sa kanyang Ama. Like I said he's smart. I'm happy he grow so well kahit madami kaming pinagdaanan.
Tumingin siya sa likuran ko kaya napalingon ako. Nakita ko si Greg na nakasandal sa hamba ng pintuan at tahimik na pinagmamasdan kami. Mula sa kalayuan kita ko ang pagkislap ng kanyang mata sa madilim na bahagi ng kwarto.
Lumundag si Seven sa kama at nagpunta sa direksyon ng ama. Tinaas niya ang dalawang kamay nagpapahiwatig na magpakarga. Hindi naman siya binigo ni Greg at kinarga niya ito habang umiiyak. Niyakap siya ni Seven at hinalikan sa pisngi.
"I love you, Papa. I knew you were my father when I saw you in the park. Please don't leave me and Mama. Please stay with us" he softly said while his face was in his chest.
"I won't baby. Daddy will never leave again. I will stay with you and your Mama. I love you so much baby" sabi ni Greg habang hinahalikan ang ulo ni seven at tumutulo nag luha.
He mouthed 'I love you' to me habang mahigpit na niyakap ang anak namin.
Napaluha narin ako dahil ang pinangarap ko lang na kompletong pamilya noon ay natupad na. Wala na akong mahihiling pa sa buhay ko kundi ang makasama lang sila at mahalin sila habang buhay.
Nakatulog kami sa kama ni Seven imbis na sa nakalaan na kwarto sa amin. Ayaw kasi ni Seven na mawalay sa Ama kaya magkayap silang natutulog habang ako naman ay niyakap ni Greg, ganun din ako. Natulog kami ng masaya at may mga ngiti sa labi.
KINABUKASAN, maaga kaming nagising dahil sa pagbubulabog ng kung sino sa pintuan namin. Hindi naman siguro staff ng resort dahil masisisante sila kung ganito ang ugali nila. Ako ang bumangon dahil naririndi na ako sa hampas ng pintuan. Binuksan ko ang pintuan at laking gulat ko na isang isang hombre ang tumambad sa akin na nakasuot ng swimming trunks at may floating flamminggo pa, may nakasabit din na googles sa kanyang mata.
"Hey my princess, where's Seven?"
"Ahh, nasa kwar-"
"Mr. G!" masayang salubong ni Seven dito.
Kinarga niya naman si Seven at ginulo ang buhok.
Ang dali naman yata makasundo ni Seven si Gaston. Parang kahapon lang naman niya ito nakilala.
"Are you excited?"
"Yes tito" masayang sagot naman ni Seven.
"Ahm sorry for interrupting, pero saan kayo pupunta?" naguguluhan kong tanong sa kanilang dalawa.
"Mama, we want to try my gift" masayang sabi ni Seven na pumapalakpak paa
"You mean the chopper? Pero bata kapa, hindi mo pa alam kung paano gawin iyon. Hindi iyon laruan Seven." napasinghap ako sa gulat
"Pero mama, si Tito ang magpa-pilot, hindi ako"
"Yes, my princess" segunda naman ni Gaston at nagpuppy eyes pa ang boang.
Naagaw ang atensyon ko nang nagmamadaling naglakad papunta sa direksyon namin si Greg habang sinusuot ang t shirt niya. Kinuha niya si Seven kay Gaston kaya sumimangot naman ang huli.
"Don't call my wife, 'my princess'. It's Andra for you, idiot" masungit na sabi ni Greg sa kambal.
"Not gonna happen, my dear twinny" pang-aasar pa ng isa.
"Don't start with me, Gaston" babala ni Greg.
"Make me" ngisi niya na nagpapa-irita sa kapatid niya.
Kinuha ko nalang si Seven sa bisig ni Greg na nagapalit-palit ang tingin sa dalwang nagbabangayan.
Ang aga-aga nagbabangayan na ang dalawa. Napa-iling nalang ako sa pang-aasar ni Gaston sa kapatid na kulang nalang ay suntukin ng huli ang kapatid.
Nagsimula na akong nagluto ng agahan para sa amin at dinagdagan ko na rin para sa kambal ni Greg dahil sa kakapalan ng mukha non malamang sa malamang dito iyon kakain ng agahan.
Natapos ako ng ilang minuto at agad iyong nilantakan ng tatlong lalaki na nasa hapag kainan ngayon.
"Did you cook all this, princess?" tanong ni Gaston
Tumalim naman ang mata ni Greg sa pagtawag sa akin ni Gaston. A-alma na sana siya nang sinenyasan ko ito. The voice of Gaston asking me that was pure, no sarcasm at all.
"Yeah, I cooked these"
"Wow, your cooking skills are great. I have never eaten these kinds of food in my whole life. I always eat food in restaurant and fast food chains and it's sucks" sabi niya na parang manghang-mangha.
Natahimik kaming pareho ni Greg habang si Seven naman ay walang pakialam sa usapan ng matatanda.
"So ibig sabihin, hindi ka man lang nakatikim ng lutong bahay? Wala ba kayong kasambahay na nagluluto?"
He shrugged his shoulders and continued eating. Obviously enjoying his food.
"Nope, their cooking skills sucks. They were all dead after serving me a bad food." sabi niya na parang wala lang iyon sa kanya.
"Please don't mention those kinds of words sa harap ni Seven" awkward kong sabi.
Hindi ako komportable sa mga sinabi niya lalo na't nasa hapag si Seven at natatakot akong magtanong siya tungkol sa narinig niya.
"Oops sorry" nag-peace sign siya at nagpakyut.
Hindi na nasundan ang usapan tungkol doon at pinagpatuloy ang agahan namin sa umagang iyon bago tumulak sa baybayin.
BINABASA MO ANG
The Lost Wings of Andra (COMPLETED)
Storie d'amoreAll the heartbreaks, betrayal, and mistakes How far can a woman go? This is the story of a woman who defy the odds, break traditions, and made a lot of mistakes but every time she falls, she flies higher.