CHAPTER 39 - The Truth

75 6 0
                                    

Dali dali kaming lumabas ng hotel.

Hindi ko rin alam kung ano ang nasa utak ko ngayon dahil halo-halo ang mga bagay na nalalaman ko. Hindi ko nga rin alam kung saan kami papunta. Ang alam ko, sa pinagtatrabahuhan ng papa ko pero.... saan yun?

"Jade.." Tumatakbo kami ngayon ng mabilis at nag tanging dala ko lang ngayon ay ang sarili ko at ang dalawang kwintas na suot suot ko.

"Hmm?"

"S-saan tayo papunta?"

"Sa building ng pinagtrabahuhan ng daddy mo."

"P-pero... saan 'yun? Alam mo na ba?"

Natahimik siya. Hindi niya ako pinansin at tuloy lang siya sa pagtakbo habang nakasunod ako sa likod niya.

Ano na ba ang nangyayari?

Gulong-gulo na ako...

"Bilisan mo Serene. May nangyayari ditong hindi maganda. Nasa rooftop kaming tatlo ni Drew at Arnie sa may building kung saan nagtatrabaho ang tatay ni Jade.Alam kong gulong-gulo ka na sa mga nangyayari ngayon. Maski ako naguguluhan, Serene. Ang alam ko lang ay pasimuno ng lahat ang tatay ni Jade.

*Bang*"

Nakarinig ako ng malakas na putok kasabay ng sunod sunod na kalansing ng metal. Kinabahan ako sa mga naririnig ko.

Nanginginig ang buong katawan ko sa kaba.. takot... at pag-aalala...

"Kyaaaah!!! Arnie, UMIWAS KA!-- WAAAH!!

DREW!

*Bang*

Sh*t!"

"Yuuki!!" sigaw ni Jade.

"Sige, mamaya na lang! Mag-ingat kayo diyan."

Nag-end na yung tawag. Hindi pa rin ako gumagalaw.

Nanginginig pa rin ang buong katawan ko.

"J-jade... kailangan natin... kailangan nating pumunta doon! Ngayon na!"

"H-huh? P-pero.. masyadong delikado!"

"I don't care!"

Halatang nagulat si Jade sa pagsigaw ko.

"Serene...."

"S-si Yuuki... si Arnie.......si Drew..."

Naiiyak na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari. Basta ang alam, ko... kailangan kong matapos ang lahat ng ito...

Nalaman ko noon... na marami nang napatay yung ninja na iyon... dahil sa pera...

Nalaman ko noon... na maraming nadadamay....

Nalaman ko noon.... na dahil iyon sa tatay ko...

Nalam ko din ngayon..... na nangyayari ang kaguluhan sa building ng pinagtatrabahuhan ng tatay ni Jade...

At positibo akong may kinalaman ito sa kanila.

"Agghh!! Bahala na nga! Tara na! Basta ipangako mo sa akin, Serene, na mag-iingat ka. Please.."

Matagal pa ba ang tatakbuhin namin?

Bakit ang tahimik ng paligid...

Bakit walang mga sasakyan sa paligid...

Bakit walang tao...

Nasaan na ba kami?

Tumatakbo pa rin kami hanggang ngayon. Malayo-layo na kami sa hotel kaya pagod na pagod na ako.

51st BODYGUARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon