CHAPTER 44 - Under the Willow Tree

82 4 0
                                    

AN: The setting is 1 month later pero hindi ko na imemention hahaha. Feeling ko kasi, masyado nang nags-skip ng time yung mga dialogue ng characters kaya dito ko na imemention. Yun lang :D

Happy Reading -Coco

***

Serene's POV

Nandito kami sa may likod ulit ng Poochie Cafe kung saan madalas nakatambay si Drew. Pero this time, imbis na sa likod mismo ng Poochie Cafe ay sa likod ng school kami dumaan.

Medyo creepy ang daan mula dito dahil mahaba haba ang distance nito kesa sa usual na daan sa likod ng Poochi Cafe pero nagsuggest si Drew na ito muna yung gamitin naming daan.

Hindi ko alam kung bakit ito ang naisip niyang daanan dahil sabi ko, natatakot akong dumaan dito.

"I'm here with you. Don't worry, Miss Serene." Sabi niya sa akin kaya hindi na ako umangal pa.


We ended up exhausted as soon as we got there for the walking distance.

Pero at least, hindi kami naligaw.


Naka-upo kaming pareho sa ilalim ng malaking puno kung saan ko nakita yung kwintas na katulad ng binigay ni papa at tumitig kaming dalawa sa may lake.

As usual, kumikinang ang lake na ito dahil sa sinag ng araw.

Napaka-ganda pa rin ng lugar.

Para akong nasa isang magandang garden at ayoko ng umalis pa dito kahit kelan.


"Miss Serene...."

Napa-hmm na lang ako pero hindi ako lumingon dahil busy ako sa kakatitig sa may sapa.

Umupo siya ng maayos at lumapit sa akin. Nagulat ako sa ginawa niya kaya bumilis ang tibok ng puso ko.

A-anong gagawin niya?

Mas lalo naman akong nagulat nang bigla niyang hawakan ang kamay ko.

Pero hindi niya ako tinitingnan kundi sa lake din siya nakatingin.

Tinuon ko na lang din ang pansin ko sa may lake pero tahimik pa rin ako habang kinakabahan sa kung anong sasabihin or gagawin niya.

" I... I'm sorry..."

Doon ko lang naibaling ang tingin ko kay Drew.


Sorry?

Anong ibig niyang sabihin?

"What do you—"

"I'm quitting."


Napataas ang kilay ko pero mas lalong bumilis at lumakas ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin pero mas lalo akong kinabahan.

"Q-quitting? W-what are you..."

" I'm quitting... being your bodyguard.."

Feeling ko, tumigil ang buong mundo ko.

Hindi ako makagalaw.

Hindi ako makahinga.


Inalis niya ang pagkakahawak niya sa kamay ko at tumayo siya pero tumalikod siya sa akin.

Gulong gulo ang utak ko. B-bakit naman siya magq-quit? Haha.. anong dahilan niya para mag-quit?

Wala naman akong sinabing fired na siya.

51st BODYGUARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon